Chapter 30: I Love YouI decided to spend the rest of the day in Nina's place. Hindi ko siya maiwan although mukha na siyang maayos ay gusto ko pa ring makasiguro.
After we finished breakfast ay nag-decide kami na maglagi sa tabi ng swimming pool. Ethan was still with us at tila wala ring balak na umalis. Sinubukan pa niya akong ayain akong magswimming pero tumanggi ako. Wala akong dalang damit at nakakahiyang manghiram pa ako kay Nina. Naupo lang kami at nagkwentuhan hanggang sumapit ang oras ng tanghalian.
"Movie marathon tayo?" Nina suggested after we had our lunch.
"Good idea," Ethan answered at pagkatapos ay bumaling siya sa akin. "What's your favorite movie, Cindy?"
"Er..." Napaisip ako. Simula pa kanina ay pinapaulan na ako ng kung ano-anong tanong ni Ethan. He asked me about my family, my favorites at pati sa pag-aaral ay tinanong niya ako. Mabuti na lang ay hindi na niya ako tinatong muli tungkol sa date. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip kung ano ang binabalak niya. "Uhm... Ang mga gusto kong pinapanood ay mga thriller o kaya ay mga horror movies. Iyong tipo na may mga dugong dumadanak."
Ngumiwi siya. "Talaga? I thought pa naman you like romantic movies."
Napangiti ako. "Nanonood din ako minsan ng mga romantic na pelikula. Ikaw ba, anong favorite movie mo?" I asked.
Bago pa makasagot si Ethan ay sumingit na si Nina. "Would you believe that my ogre cousin is a hopeless romantic? There was a time pa nga that he got obsessed with this movie tapos bigla la lang siyang hihirit ng 'she loved me at my worst, you had me at my--'"
Hindi na natapos pa ni Nina ang kanyang sinasabi dahil tinakpan ni Ethan ang bibig niya.
"Shut up, couz. Don't believe her. I was never obsessed in that movie! T'was too cheesy! And I am not an hopeless romantic!" He cringed na para bang diring-diri siya.
Hindi ko maiwasang mapatawa. Alam ko ang pelikula na iyon and that 'she loved me at my best' line. Ang dami kong kakilala na nabaliw at napaiyak noon. Even I, was moved when I had the chance to watch it.
Sa huli ay binitawan na ni Ethan at nakitawa na rin siya sa akin. Nang humupa na ang tawa namin ay lumapit sa akin si Ethan and he offered me his hand.
"Let's go, Cindy," aniya. " Ikaw ang pumili ng panonoorin natin.
Tinitigan ko ang kamay niya at hindi ko alam ang gagawin. Aside from bombarding me with a lot of questions, he was also being extra attentive to me. Lagi niyang tinatanong kung okay lang ako o kung may kailangan ba ako. Pinahila pa niya ako kanina ng upuan at siya pa ang naglagay ng kanin kanina sa plato ko. Pati juice nga ay pinagsalin niya ako.
"Uhm... Mauna na kayo. I need to use the comfort room." Sa totoo lang ay hindi ako naiihi. Ayaw ko lang tanggapin ang kamay niya at makipag-holding hands sa kanya pero ayaw ko rin siyang ipahiya.
----
We were watching Troy and it was a good movie ang kaso lang ay hindi ko mai-focus ang buong atensyon ko sa panonood. Minsan kasi ay hindi ko maiwasang tignan si Nina. Actually, mula pa kanina ay pinagmamasdan ko na siya. She was way much better compared to last night. Nagagawa na niyang tumawa at ngumiti ngayon. Nakikipagkulitan din siya kay Ethan. But there were some instances na bigla na lang siyang matutulala at lulungkot ang muka niya. Kapag nangyayari iyon ay sinisikap ko na kunin ang atensyon niya at pasayahin siya. Thank God na narito si Ethan dahil sobrang nakakatulong ang kakulitan at mga hirit niya.
Pagkatapos ng Troy ay nanonood pa kami ng isang movie bago ako nagpasya na umuwi na.
"Okay ka na?" I asked Nina. Nasa labas kami ng bahay nila.
BINABASA MO ANG
The Story of Us (Cinderella's Panty)
RomanceAng pangalan ko ay Cinderella Magpantay, labing-siyam na taong gulang. Isang simple babae na nanggaling ng probinsiya. Napunta sa Maynila upang makapag-aral. Isang gabing madilim, ang probinsyana ay naging prinsesa. Napadpad sa isang bar na pugad ng...