Chapter 3: First Day HighAla-sais y medya pa lang ng umaga ay nag-aabang na ako ng jeep sa harap ng boarding house. Ngayon ang unang araw ng pasukan at gusto ko na maaga pa lang ay nasa university na ako.
Hindi ko maipagkakaila na talagang excited ako. Pakiramdam ko ay bumalik ako sa pagkabata ko, noong unang araw kong pumasok sa kinder garten. I was giddy and anxious and I could not barely wait to see what was in-store for me in school. I was all geared up and ready to explore.
Hindi nagtagal ay nakasakay na rin ako ng jeep ngunit dahil malapit na ang rush hour ay medyo bumibigat na ang daloy ng trapiko. Hassel din na sa loob mismo ng jeep ay siksikan.
Medyo nakaramdam pa ako ng panghihinayang para sa isang bote ng cologne na halos ubusin ko sa sarili ko dahil kung suswertihin mga naman ay isang mataba at nagpapawis na mama ang katabi ko sa upuan. Nakahawak siya sa bakal na railing ng jeep kaya may full access ako sa kili-kili niyang may hindi kaaya-ayang amoy. Hindi lang iisang beses akong muntikang maduwal lalo na kapag haharurot ang jeep at hahampas ang hangin dah langhap na langhap ko at nanunuot sa bawat sulok ng ilong ko ang amoy niya.
Muntikan ko na nga siyang sitahin. Bilang ang jeep ay isang uri ng pampublikong sasakyan, sana naman ang lahat ng mga sasakay dito ay walang hindi magandang amoy. Respeto na lang din sa kapwa pasahero.
Magkano lang naman ang deodorant ngayon? Kung walang budget edi tawas na lang. Kung walang-wala talaga ayos na ang calamansi.
Subalit kahit anong himutok ko ay mas pinili ko nalang manahimik at magtiis sa huli. Tinakpan ko nalang ng panyo ang ilong ko hanggang sa wakas ay pumara na ako at bumaba sa harap ng matayog na gate ng CU.
I took a lungful of air at pagkatapos ay sinuri ko ang sarili ko. Inamoy ko ang simpleng t-shirt na suot ko para siguraduhin kung wala dumikit na amoy sa akin. Okay naman pero para mas sigurado ay kinuha ko mula sa loob ng backpack ko ang bote ng mumurahin kong cologne at nilagyan ko ang damit ko pati na rin leeg at mga braso.
Nang fresh na ulit ako ay naglakad ako papunta sa nakatayong guard sa may entrance.
"Good morning, Manong Guard!" Bati ko sa kanya gamit ang masiglang boses pero imbes na batiin niya ako pabalik ay tinignan lang niya ako mula ulo hanggang paa at pabalik.
Napataas ang kilay ko. Anong problema ne'to? I asked myself.
Patuloy pa rin siya sa pagsurk sa akin kaya hindi ko na hinintay na magsalita pa siya. Humakbang ako at akma ng papasok sa loob pero kumilos siya at hinarangan ang dadaanan ko.
"You are not allowed inside, Miss," he said in a perfect american accent.
Natigilan ako. Sosyal talaga ang school na 'to. Pati security guard ay english speaking at may accent pa!
Wala sa loob na binasa ko ang labi ko. Mukhang sa entrane pa lang ay mapapalaban na ako ng inglesan. I took a second to calm myself. I should not get intimidated. I refused to get intimidated. Kung sa ingleserong security guard pa lang ay titiklop ma ako, paano pa kaya ako makikitungo sa mga magiging prof ko at sa mga ibang estudyante dito sa university.
"I'm a student here," I smoothly said.
He eyed me skeptically but I did not falter. I even tilted my chin up.
Inilahad niya ang kamay niya sa akin. "Let me see your ID. I need to verify if you are really a student here.
"I have yet to acquire an ID because I am a transferee but I have here my registration form." Mula sa bag ko ay kinuha ko ang registration form ko at ibinigay ko iyon sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Story of Us (Cinderella's Panty)
RomanceAng pangalan ko ay Cinderella Magpantay, labing-siyam na taong gulang. Isang simple babae na nanggaling ng probinsiya. Napunta sa Maynila upang makapag-aral. Isang gabing madilim, ang probinsyana ay naging prinsesa. Napadpad sa isang bar na pugad ng...