Chapter 19: Wounds and Teddy Bear

1K 62 7
                                    


Chapter 19: Wounds and Teddy Bear

Nagising ako kinabukasan dahil sa maingay na pagtunog ng cellphone ko. Antok na antok pa ako at gusto ko sanang snob-in ito kaya lang ang ringtone ko ay tunog ng pusang galit at tila wala ring balak na tumigil ang sino mang tumatawag sa akin. My other room mates groaned because of the annoying sound.

Kinapa ko ang cellphone ko sa ulohan ko and I answered it without looking kung sino ang caller.

"Hello," sabi ko gamit ang medyo paos na boses. I couldn't barely open my eyes.

Ghad! Gustong-gusto ko pang matulog. Kahit man lang limang minuto pa.

"Good morning, Cindy!" Masiglang bati ng nasa kabilang linya.

Napakunot ang noo ko at inilayo ko sa tainga ko ang cellphone. Tinignan ko ang screen at nadiskubre ko na si Nina ang kausap ko.

"Nina, napatawag ka?" Umupo na ako and I gave up the chance of going back to sleep. "May problema ba?"

"Wala naman. I'm just thinking if pwede kitang i-invite na sabayan ako na magbreakfast bago tayo pumasok ng university. Did you have breakfast na ba?" She asked with a hopeful voice.

"Hindi pa. Kagigising ko lang, eh."

"Oh. Did I wake you up? I'm sorry. I did not mean to disturb-"

"Ah, hindi naman Nina. I just woke up nang tumawag ka," pagsisinungaling ko nang mahimigan ko na parang naaaligaga na naman siya.

"Oh thank gods. So... About the breakfast? Would you accept my invitation? I know this place near the university and they serve the most delicious pancakes. Do you like pancakes? What time is your first class?" She bombarded me with questions.

Napangiwi ako. My wallet was not up to an expensive breakfast.

"Ah, Nina, hindi kasi ako pwede ngayon. Maybe next time."

"Bakig naman? May gagawin ka ba? You don't like pancakes, do you? We can choose another place if you want."

I sighed. I have to tell her my reason. "Nagtitipid kasi ako ngayon at wala sa budget ko ang pagkain sa labas."

"Oh, iyon lang ba? Of course it's my treat noh!"

"Oh no. No. Nakakahiya naman sa'yo kung ikaw pa ang magbabayad ng kakain ko," mabilis kong tanggi.

"Don't be silly. Ako ang nag-aya sa'yo kaya natural lang na ako ang magbayad."

"But-"

"Please, Cindy... Wala akong kasabay magbreakfast kasi ang agang umalis nina Mom and Dad. Can you atleast join me? Nakakalungkot kasi na kumain mag-isa. Magkaibigan naman tayo, hindi ba?"

Makakatanggi ba ako sa huli niyang tanong. I sighed. "Sige, sasamahan kita."

"Oh thank you, Cindy!" She exclaimed. "Anong address mo? I'll send my driver to pick you up."

"H'wag na. Sabihin mo na lang sa akin kung saan tayo magkikita."

----

Naglalalad pa lang ako papunta sa table na kinauupuan ni Nina ay kitang-kita ko na ang malapad niyang ngiti. She looked well. Mas masigla ang itsura niya kumpara kahapon, siguro ay dahil walang Nile sa paligid.

"Hi, Cindy!" Bati niya sa akin.

"Hi," bati ko rin at umupo ako sa bakanteng upuan in front of her. "Matagal ka bang naghintay sa akin? Medyo naipit kasi ako sa trafic dahil may minor accident sa kalsada."

"It's fine. Actually, habang hinihintay kita ay I already placed orders. Blueberry pancakes and hot belgian chocolates. But if you prefer something else or may gusto ka pang idagdag..." Inilahad niya sa akin ang menu. "Here. Pumili ka na lang."

The Story of Us (Cinderella's Panty)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon