Chapter 14: Nothing

1K 64 5
                                    

Chapter 14: Nothing

My mind was reeling with intangible thoughts pero may isang bagay na sigurado ako, he was that guy in the bar. Hindi ako pwedeng magkamali. I might have forgotten a lot of things pero tandang-tanda ko ang itsura- tthe line if his jaw, his arrogant and upturned nose, his stud earring, his piercing eyes and his lips. How could I ever forget the lips that claimed my first kiss?

Habang tinitignan ko siya ay naramdaman ko ang unti-unting pagkalat ng mas matinding galit sa systema ko. Seriously, I am having the strong urge to punch him in the face right now. Alam ko na kasasabi ko na I would let bygones be bygones pero hindi ko naman akalain na magtatagpo ulit ang landas namin ng lalaki na nagnakaw ng una kong halik. Hindi man ako romantic na tao dahil mas prefer ko ang baga at atay kaysa sa mga bulaklak at chocolates ay babae pa rin ako. Importante din para sa akin ang kinuha niya.

Tadhana na mismo ang gumawa ng paraan para magkita ulit kami. Who would have thought that my kiss stealer was also the jerk who mercilessly dumped this girl in front of a crowd. At ngayon, siya rin ang dahilan kung bakit nakayukong naglalakad si Nina at nabuhusan ako ng kape ng hindi sinasadya. So yeah, the universe definitely wanted us to meet again para siguro kahit papaano ay makabawi ako sa kanya kahit sa pamamagitan lang ng isang suntok.

Marahas akong tumayo at mahigpit kong ikinuyom ang palad ko. Buo na sa isip ko na patitikimin ko ang lalaking ito ng ultra-mega-galatic punch na sa sobrang lakas ay naging redundant ang ultra at ang mega.

Akma na akong hahakbang patungo sa direksyon niya pero may kamay na pumigil sa kaliwa kong braso . And of course, walang iba iyon kundi si Nina.

"C-cindy a-anong g-gagawin m-mo?" She stammered with her every word. Halata sa mukha niya ang takot at pagkabalisa.

"Kakausapin ko lang siya," matigas at desidido kong sabi.

"W-what?! W-why?!" Her eyes grew larger at lalong humigpit ang hawak niya sa braso ko.

"Because he's a jerk!" I exclaimed.

"No, he's not!"

Pinagtaasan ko siya ng kilay pero sa loob-loob ko ay naiiling ako. She got it all bad.

"Well, h-he is. Sort of. But you don't have to this for me, Cindy. M-matagal ng nangyari iyon t-tsaka n-nakalimutan ko na."

Who was she trying to kid? Kung nakalimutan na niya talaga ay hindi siya nakayukong maglalakad knowing na nasa paligid lang ang ex niya. And also, hindi ko ito gagawin para lang sa kanya. I'm doing this for myself, too.

"Bitawan mo ako at umupo ka diyan , Nina," mariin kong utos sa kanya.

"But--"

"No buts! Umupo ka diyan. Watch and learn."

Umiling siya. "H-hindi mo kasi siya kilala, Cindy. I j-just don't want to get you to get into trouble because of m-me."

"Huwag mong isipin yan." I wanted to tell her na may atraso rin sa akin ang ex boyfriend niya pero pinili ko muna na manahimik.

"Bitaw na."

Ilang sandali kaming nagsukatan ng tingin, hindi ako sigurado kung gaano katagal pero sa huli ay siya na rin ang unang nag-iwas. Unti-unting lumuwag ang hawak niya sa akin hanggang tuluyan na niya akong bitawan.

Umupo siya at huminga ng malalim.

"Mag-iingat ka," she helplessly whispered.

I snorted. Siya ang mag-ingat sa akin. Baka once na matikman niya ang ultra-mega-galactic punch ko ay ma-comatose siya. Subalit para sa ikatatahimik ng loob ni Nina ay tumango ako.

The Story of Us (Cinderella's Panty)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon