Chapter 7: The Tequila Effect

1.1K 48 4
                                    


Chapter 7: The Tequila Effect

Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba habang papasok kami ni Amy, KC, Sarah at Hazel sa isang bar. For the nth time tonight, tinatanong ko sa sarili ko kung paano ko nagawang magpauto sa pamamagitan ng isang magandang dress.

Imbes na nasa boarding house lang ako, nakahiga sa kama ko at nananaginip ng dugo ay nandito ako sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin. In my nineteen years of existence ay hindi pa ako nakakatapak sa ganitong klase ng lugar.

Walang ganito sa probinsya namin, ang tanging meron lang ay isang beer house na may mga patay-sinding ilaw at mga babaeng nagsasayaw sa stage at sa ibabaw ng lamesa. Doon ang pugad ng mga lalaking mahihilig sa 'happy-happy' at sa jugjugan.

Malinaw pa sa isip ko ang bilin sa akin ni Nanay na bawal akong tumambay malapit sa beerhouse na iyon. Ang sabi niya ay masama daw ang lugar na iyon sa pagkataon at kaluluwa ng isang tao.

And if she would know kung nasaan ako ngayon, sigurado ako magwawala iyon ng sobra. She would go thermonuclear at mapapasugod iyon dito.

She would drag me by the hair pauwi ng probinsya, ikukulong niya ako sa bahay at kahit kailan ay hindi na ako makakabalik ng Maynila.

Ganoon ka OA si Nanay kaya mula pa kanina na papunta kami dito ay nagtatalo ang isip ko kung sasabihin ko ba sa kanya na pupunta ako sa isang bar kasama ang mga kaibigan ko o hindi. Bar nga kasi ang pupuntahan namin at hindi beerhouse.

At ngayon, habang inililibot ko ang mga mata ko dito sa loob, I realized that this place has nothing in common with the horrid and cheap beerhouse in our town. But then again, I know my mother well. Sa mga mata niya siguradong walang pinagkaiba ang bar sa beerhouse kaya sa huli ay nagdecide nalang ako na huwag nalang sabihin sa kanya.

"Cindy, okay ka lang?" Amy had to shoud para marinig ko ang sinasabi niya. The music was loud at sinabayan pa ng hiyawan ng mga nagsasayaw.

"Oo!" Sigaw ko pabalik.

Amy offered her hand to me at mabilis ko iyong tinanggap. "Huwag kang lalayo sa amin," she said as we continued walking, naghahanap kami ng mauupuan.

Hindi nagtagal ay nakahanap din kami ng bakanteng lamesa. Medyo malayo iyon sa dance floor kaya hindi masyadong maingay. Umupo kami sa isang malambot at pabilog na sofa at sa gitnan namin ay ang isang maliit na table. Ang katabi ko ay si Hazel. She was already making small movements at sinasabayan niya ang beat ng music.

"Masaya 'to Cindy!" Hiyaw niya at ngumisi. "We will drink, get tipsy and we will dance!"

Okay, I was not really sure about what she said. Unang-una, hindi pa ako nakakatikim ng alak sa buong buhay ko, hanggang juice at sofdrinks lang ako. Hindi ko alam ang pakiramdam ng lasing. And the worst case scenario ay mawalan ako

ng kontrol sa mga gagawin at sasabihin ko.

Pangalawa, kung may isa mang talento sa mundo na hindi ako nabiyayaan, iyon ay ang pagsasayaw. Nang magsabog kasi ng dance talent si God ay nasa loob ako ng bahay at busy na nanonood ng Saw. Ang resulta, parehong naging kaliwa ang paa ko at naging sobrang tigas ng katawan ko to the point ng mapagkakamalan akong isang troso na tinubuan ng braso at binti.

"Hindi ako iinom, Hazel," desidido kong sabi sabay iling.

"Agad na nawala ang ngisi niya. "Ha, Bakit?" She asked in disbelief. "Ano pa ang sense ng pagsama mo sa amin sa bar kung hindi ka naman pala iinom? Manonood ka lng diyan sa tabi habang kami ay nagsasaya? Huwag kang killjoy, Cindy naman!!!" She whined.

I was about to explain na kaya ayaw kong uminom ay dahil virgin pa ang lalamunan ko. Dalawa lang naman kasi ang pwedeng mangyari kapag sumubok ka ng isang bagay for the first time, it could either be fun or a complete disaster.

The Story of Us (Cinderella's Panty)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon