Chapter 5: Daily RoutineLakad takbo akong pumasok sa boarding house at nagtuloy sa kwarto. Hinihingal pa ako nang datnan ko si Hazel sa loob na abalang naglalagay ng make-up sa mukha niya.
"Haze, sorry. Dumaan pa kasi ako sa library at nagpa-photocopy ng ng books," I said in an apologetic voice. I was not even looking because I was already busy unbuttoning my white uniform. I was also wiggling my foot para mahubad ko ang puti ko ring sapatos. Regular classes were now ongoing dahil dalawang linggo na rin mula nang magsimula ang pasukan.
"Okay lang, Cindy. Maaga pa naman," Hazel answered.
Mabilis akong sumulyap sa orasan na nakasabit sa dingding. It said quarter to five. Hazel was right, maaga pa naman. Mabilis kong hinubad ang blouse ko. I did not mind taking my top off in front of her dahil pareho naman kaming babae. At saka nakabra pa naman ako.
Kinuha ko ang isang kulay green na collared shirt na may tatak na coffeshol at agad ko iyong isinuot. Hinubad ko naman ang white na skirt ko at white na stockings at pinalitan ko iyon ng kulay itim na slacks.
I did not have to fix my hair because it was already kept in a bun. Ang kinailangan ko nalang gawin ay mag-apply ag light make up. After a short while, I was already good to go. A nursing student by day and a cashier by night.
Lampas isang linggo na akong nagtatrabaho sa coffeeshop kung saan nagtatrabaho si Hazel. I owe her one because she backed me up.
Hindi naman ako masyadong nahihirapan dahil hindi naman nako-compromise ng schedule ko sa cafe ang pag-aaral ko. Iyon nga lang, ang nasasakripisyo ay ang tulog ko at pahinga. Ang simula kasi ng shift ko ay six ng gabi at matatapos ng twelve midnight. But having said that, ay gusto ko naman ang ginagawa ko. I was earning extra cash kaya hindi na kailangan pang problemahin nina Nanay ang panggastos ko.
"Ano, alis na tayo?" Tanong ko kay Hazel habang inaalis ko ang notebooks ko at mga pina-photocopy kong materials mula sa bag ko.
"Easy ka lang Cindy. Hindi tayo male-late na dalawa dahil maaga pa," natatawang sabi niya dahil nahulog ko ang ballpen ko sanhi ng pagkaaligaga.
Napailing na lang ako. I just didn't want to be late lalo na't bago pa lang ako sa trabaho.
Matapos ang ilan pang minuto ay sabay kaming lumabas sa boarding house ni Hazel para mag-abang ng jeep. I thanked God dahil hindi kami natagalan sa paghihintay. Sumulyap ako sa suot kong mumurahing relo and it said fifteen minutes after five. Napasandal ako sa upuan ng jeep at narelax dahil hindi kami male-late.
Kahit medyo na traffic kami ay okay lang. Maaga kami ng sampung minuto ng makarating kami sa coffeeshop. Agad akong dumiretso sa may kaha at si Hazel naman ay nagtuloy sa likod.
"Hi Gail," bati ko sa babaeng dinatnan ko sa cash register. Siya ang kapalitan ko bilang cashier.
"Hi, Cindy!" Bati niya sa akin pabalik.
I took over the cash register, immediately at umalis na si Gail. Hindi nagtagal ay naging abala na ako sa pag-aasikaso ng mga dumadating na customers.
Everything was going well hanggang sumapit ang alas diyes ng gabi. A group of young men entered the cafe at kahit hhindi pa sila nakakalapit sa akin ay alam ko nang nakainom sila.
Lima silang lahat at medyo magagaslaw na silang kumilos. Kinakabahan ako pero hindi ko binura ang ngiti ko sa labi.
"Good evening," bati ko sa kanila nang makalapit sila sa akin. "May I take your order?"
May dalawang nagsabi agad ng gusto nila. Ang akala ko ay okay na pero nang ang lalaki nang medyo may katabaan at nakasuot ng itim na hoodie ang kukuhanan ko ng order ay medyo nagkaproblema.
BINABASA MO ANG
The Story of Us (Cinderella's Panty)
RomansaAng pangalan ko ay Cinderella Magpantay, labing-siyam na taong gulang. Isang simple babae na nanggaling ng probinsiya. Napunta sa Maynila upang makapag-aral. Isang gabing madilim, ang probinsyana ay naging prinsesa. Napadpad sa isang bar na pugad ng...