Chapter 18: The Knight In Leather Jacket"Haze, alis na ako," paalam ko kay Hazel.
Kasalukuyan siyang nakahiga. Nakapikit ang mga mata niya at mukha siyang hinang-hina. She had gone with a flu kaya kailangan muna niyang mag-absent sa trabaho.
"Ingat ka, Cindy," sabi niya sa mahina at namamaos na boses.
"Oo. Pagaling ka at h'wag mong kalimutang inumin ang mga gamot mo," bilin ko sa kanya bago ako tuluyang lumabas ng kwarto.
Sa totoo lang ay kinanabahan ako. Ito ang unang beses na papasok ako ng mag-isa sa coffeeshop. Iniisip ko rin kung paano ako uuwi mamayang madaling araw. Nakakatakot kasing sumakay ng jeep na mag-isa pero wala naman akong choice. Hindi naman pwedeng kapag absent si Hazel ay absent din ako. At isa pa, sayang ang kikitain ko ngaypng gabi.
Lumabas ako ng boarding house at naghintay ng jeep. Pero hindi pa ako nagtatagal na nakatayo sa gilid ng kalsada ay may nagsalita mula sa likod ko.
"Where are you going?" I heard at halos mapatalpn ako sa gulat.
Nang lumingon ako para alamin kung sino ang nagsalita ay agad akong napasimangot.
"Ano na namang ginagawa mo dito, Nile? Hindi ba umalis ka na kanina? Bakit nandirito ka na naman?" Pagtataray ka sa kanya.
Sa halil na sagutin ang mga tanong ko ay may kinuha siya mula sa loob ng kotse niya na hindi ko namalayang nakaparada pala malapit sa kinatatayuan ko. Hindi nagtagal ay inilahad niya sa akin ang isang bouquet ng iba't-ibang klase ng mga bulaklak.
"Umalis ako sandali to buy flowers for you," he warily said na para bang hinihintay niya kung ano ang magiging reaksyon ko.
The flowers looked beautiful at parang nakaramdam ako ng kaunting kiliti sa tiyan ko. I almost smiled pero mabuti na lang ay napigilan ko ang sarili ko. Pinagtaasan ko siya ng kilay at hindi ko tinanggap ang mga bulaklak.
"Aanhin ko naman ang mga 'yan?"
"Girls like flowers," he said as a matter of factly. "I tried looking for kalachuchi in the flower shop but the florist just laughed at me. I hope you like these, though."
Muntik na akong humagalpak ng tawa. Seryoso? Naghanap siya ng kalachuchi sa flower shop? Eh sa bakuran lang ng kapitbahay at sa mga sementeryo may makikita nang kalachuchi. No wonder, pinagtawan siya ng florist.
Mabuti na lang talaga at napanatili ko ulit ang seryoso kong mukha. "Kung sa tingin mo ay madadala mo ako sa pabulaklak mo ay nagkakamali ka. Hindi ako katulad ng mga babaeng naloko mo at nauto dahil sa bulaklak. Kaya kung pwede lang ha, ilayo mo sa akin ang mga iyan. Alam mo kung anong magandang gawin sa mga iyan? Ialay ml sa sibahan at samahan mo na rin ng kandila. Humingi ka ng tawad sa ginawa mo kay Nina. Hindi pa huli ang lahat para sa'yo. Patatawarin ka pa ni Lord."
Sa hinaba-haba ng sinabi ko ay wala siyang ibang naging reaksyon kundi ang ngumiti.
"Ayaw mo ng mga ito?" Paniniguradong tanong niya.
Hindi ako sumagot. Inirapan ko lang siya.
"Okay, then." Inilayo niya sa akin ang mga bulaklak pagkatapos ay nagpalinga-linga siya. "Hey, miss," tawag niya sa isang estudyanteng dumadaan. "Here, flowers for you," aniya sabay abot ng bouquet sa babae.
Napanganga ako. Ang babae naman ay naging simpula ng mansanas ang pisngi. Titig na titig siya sa mukha ni Nile.
"Bakit?" Nauutal na tanong ng babae pero tinanggap niya ang ibinibigay ni Nile.
His lips formed a lopside grin. "Do I need a reason, miss?" He asked using a very low and seductive voice.
Lalong pumula ang mukha ng babae at pumungay din ang mga mata niya. "H-hindi n-naman. T-thank you ha. Ang g-ganda ng mga bulaklak na 'to," she stammered pagkatapos ay inilapit niya ang mga bulaklak sa ilong niya para amuyin.
BINABASA MO ANG
The Story of Us (Cinderella's Panty)
RomanceAng pangalan ko ay Cinderella Magpantay, labing-siyam na taong gulang. Isang simple babae na nanggaling ng probinsiya. Napunta sa Maynila upang makapag-aral. Isang gabing madilim, ang probinsyana ay naging prinsesa. Napadpad sa isang bar na pugad ng...