Chapter 9: Take It Off

1.1K 62 11
                                    


Chapter 9: Take It Off

"B-bitawan mo ako!" I hissed habang pilit kong inaalis ang braso niya na nakpulupot sa beywang ko. "Ano ba?! Bitiiiiiiw!"

Pero imbes na pakawalan niya ako ay mas lalo niya akong hinapit palapit sa kanya to the point na magkadikit na kaming dalawa. I could feel his chest againts my back.

"What's wrong, baby? Did you forget me already?" He whispered. His lips was touching my ears kapag nagsasalita siya. "We had fun, earlier. The body shots, remember?"

Fun?

Fun ang tawag niya doon? He assaulted me and he stole my freaking first kiss! Iniyakan ko pa nga ang pagkawala ng puri ng labi ko tapos siya masaya? Eh g*go pala ang isang 'to eh!

Dahil sa galit ko ay marahas akong humarap sa kanya, nakalimutan ko na nakainom na pala ako at dahil sa ginawa kong biglaang pag-ikot ay umikot rin ang mundo ko at ang sahig. Kung hindi sa braso niya na nakapulupot pa rin sa beywang ko ay siguradong natumba na ako. Napahawak ako sa dibdib niya and I had to shut my eyes because my vision was swaying from left to right.

"Hey, are you okay?" He asked. His arms tightened around my hips and his other hand cupped the side of my face.

"Yes, just give me a sec," I said. Humanda ka sa akin dahil patitikimin kita ng uppercut.

Nang kahit paano ay umayos na ang pakiramdam ko ay nagmulat na ako ng mata. I tried to step back para lumayo sa kanya but his arms remained on my hips, refusing to let me go.

"Ano ba? Bitiw na," kunot-noo kong sabi.

"I don't want you to fall, baby," he said. His breath fanned my neck and I had goosies.

"Nahilo lang ako ng kaunti kanina pero kaya ko nang tumayo. Kaya ko pa ngang sumayaw eh!"

"Really?" He asked. A ghost smile appeared on his lips.

"Really," I said with conviction. "Kaya pwede ba alis-alisin mo na ang braso mo sa beywang ko."

"I'll let you go but you have to dance with me first."

Napantig ang tainga ko at nanlaki ang mga ko sa sinabi niya. Ang kapal! "Ang lakas din naman ng loob mo na magdemand ng sayaw sa akin, ano?! Pagkatapos ng ginawa mo sa akin sa palagay mo ay makikipagsayaw ako sayo?Never! Never akong makikipagsayaw sa magnanakaw na katulad mo! Over my dead body!" My nose flared with anger.

Habang si hot bad guy ay nagsalubong ang kilay na tila ba walang ka-ide-ideya sa binibintang ko sa kanya. "I didn't steal anything from you. Did you lose something? You might have left it in our table," inalis niya ang braso niya sa beywang ko at inilahad ang niya ang kamay niya sa akin. "Come, let's check."

"Hah! Huwag ka ngang magbait-baitan at magpainosente dyan! Alam ko na alam mo! You stole my first kiss at idedemanda kita ng theft, g*go!"

Ilang sandali niya akong tinitigan ba para bang pina-process niya ang mga sinabi ko. After a while, yung salubong niyang kilay ay naghiwalay then his lips stretched into a wide grin. "Really, now? I'm your first kiss?" He asked in disbelief.

"Oo! Itong labi na 'to," I pointed my lips using my index finger," virgin na virgin pa 'to. Wala pang nakakatikim dito kahit minsan. Tapos ikaw, basta-basta ka na lang nanununggab ng labi ng may labi at kukuha ng hindi naman para sayo! Walang hiyang buhay 'to! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana pala ay nakipaglips to lips na ako doon sa ka MU ko noong highschool. Atleast iyon kilala ko samantalang ikaw, isa ka lang hot stranger na hindi ko alam ang pangalan! Itago mo 'to sa bato, idedemanda talaga kita ng. . ." Natigilan ako. Ano nga ba ang isasampa kong kaso sa kanya?

The Story of Us (Cinderella's Panty)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon