Chapter 34: Mine"Dance with me, Cinderella. Give me your last dance tonight. And just like in the story, you can leave me when the clock strikes twelve."
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kamay niya at sa kanyang mukha. Hindi katulad kanina na blanko ang expression niya, now his face was filled with longing as he waited for my answer.
Alam ko kung ano ang tama kong isagot sa kanya. I know that I should say no pero hindi ko masabi ang isang katagang iyon. Parang ang hirap na sabihin.
My mind was reeling and my heart was aching. Kinagat ko ng mariin ang labi ko at ikinurap-kurap ko ang mata ko to try to hold my tears back.
"Please... One last dance... One last time...." He begged.
But how could I refrain myself from crying kung nandito sa harap ko ang lalaking mahal ko at halos magmakaawa siya para maisayaw ako? Nakatakas ang butil ng luha sa mga mata ko.
I gave in. The walls that I built around my heart crumbled to the ground. All the reasons faded along with my sanity. The very moment na ipinatong ko ang kamay ko sa nakalahad niyang kamay ay alam ko na wala na akong kawala pa. Kahit kailan ay hindi na niya bibitawan pa ang kamay ko.
He took a sharp intake of breath when my hand touches his. Without any word, he pulled me. The next thing I knew ay nakakulong na ako sa mga braso niya. Ang pisngi ko ay nasa kanyang dibdib at dinig na dinig ko ang malakas na tibok ng puso niya. Paulit-ulit niyang hinalikan ang buhok ko at ang noo ko at ang gilid ng aking ulo.
Hindi ako gumagalaw. Nanatili lang ako sa kanyang dibdib habang wala pa ring tigil ang sa pagtulo ang mga luha ko. Alam ko na maling-mali ito pero ano pang magagawa ko? Sinubukan ko naman. I tried my hardest. Pinatay ko na nga ang sarili ko sa sakit para lang mapanindigan ang tama.
Hindi ko pala kaya. Nagmamahal lang ako. Mahal ko siya, eh. Dahan-dahan kong itinaas ang mga kamay ko nasa gilid. I hugged him back.
We stayed in each other's arms for a long while bago siya na mismo ang humiwalay sa akin. He cupped my face and made me look at him.
"You know that I love you, right?" He asked in a soft voice.
Fresh tears rolled down my cheeks but I was able to nod. He smiled bago unti-unti lumapit ang mukha niya sa akin. His lips landed on my tearstained cheeks. I did try to push him. I let him kiss all my tears away.
Huminga siya ng malalim at idinikit niya ang noo niya sa noo ko. "Do you love me?"
I opened my lips and then I closed it. I opened it again but there was no voice that came out of it.
"I know... I know... I can feel to my bones. Don't overthink. Say it. Say the words, Cinderella."
There was no use in denying it anymore. "I love you... I love you, Nile..."
"I know...." He whispered before he claimed my lips.
I answered him back with no hesitation. I shut my eyes close and savor the movement of his lips against mine. Hindi nagtagal ay lalong lumalim ang paraan ng paghalik niya. But even if he was kissing me deeper, I could feel his love for me.
Hindi ko alam kung gaano katagal ang halik pero nang lumayo siya ay pakiramdam ko ay hindi na nakatapak ang mga paa ko sa lupa.
We smiled at each other. Hindi na namin kailangang magsalita pa. He guide me toward him and I went in his arms willingly. Idinikit ko ulit ang pisngi ko sa kanyang dibdib. Hindi ko muna iisipin kung ano ang tama at mali o ang dapat at hindi dapat. Ang tagal ko ma rin kasing tinitiis ang kirot sa dibdib ko. Ngayon, I would allow myself to cherish this beautiful and wonderful moment.
BINABASA MO ANG
The Story of Us (Cinderella's Panty)
RomanceAng pangalan ko ay Cinderella Magpantay, labing-siyam na taong gulang. Isang simple babae na nanggaling ng probinsiya. Napunta sa Maynila upang makapag-aral. Isang gabing madilim, ang probinsyana ay naging prinsesa. Napadpad sa isang bar na pugad ng...