Chapter 16: Make It UpLaking pasasalamat ko nang maagang matapos ang huli kong klase ngayong araw dahil may emergency meeting na kailangan daluhan ang professor namin.
I just wanted to go home and rest for awhile bago ang shift ko sa coffeeshop. A short nap would be so much useful because I was drained. The coffee-spilling and the punching incident earlier sucked most of the energy out of my system.
Mabuti na lang at wala rin akong kailangan libro sa library ngayon at ang report na isinusulat ko sa caf kanina ay nai-encode ko na rin at naipaprint. Sinamsam ko mga gamit ko at lumabas na ako ng classroom.
Tulad ng nakasanayan ko ay sa shortcut sa pagitan ng mga malalabong na puno. Hindi nagtagal ay nakalabas ako sa kabilang side and as usual ay mag-isa lang akong naglalakad. Matagal ko nang narealize na ako lang ang estudyante dito sa university na hindi de kotse.
Nang malapit na ako sa may gate ay may humintong isang itim na sports car sa tabi ko. Akma kong hindi papansinin iyon pero nang bumukas ang pinto ng kotse sa driver's side ay napahinto ako sa paglalakad.
Automatikong nagsalubong ang kilay ko at kumunot ang noo ko.
"Ano na naman?" Inis kong tanong. "Gusto mo bang makatikim talaga ng isang suntok?"
He shook his head. Napansin ko na namumula pa rin ang pisngi niya pero ang mga galos ay natatakpan na ng adhesive bandage. Umikot siya sa kotse at lumapit sa kinatatayuan ko. Bago pa ako makagalaw ay mabilis niyang nahawakan ang kamay ko.
"Anong ginagawa mo?!" I hissed pero hindi siya sumagot.
In one swift move ay nahila na niya ako at naisakay sa passenger's seat ng kotse niya. Papalag pa sana ako pero mabilis niyang naisarado ang pinto. Habang umiikot siya papunta sa driver's seat ay sinubukan kong lumabas pero hindi ko mabuksan ang pinto.
"Kidnapping ito!" Bulyaw ko sa kanya ng umupo siya tabi ko. "Kapag hindi mo ako pinalabas ngayon ay idedemanda kita. Ipapakulong kita!"
Halos lumabas na ang mga litid sa leeg ko sa lakas ng boses ko pero parang hindi niya ako naririnig. He started the car's engine and the car began to move.
Tuluyan nang naubos ang pasensya ko kaya pinaghahampas ko siya sa kamay at braso. He was taken aback that's was why the car swirled. Mabuti na lang at pagkatapos ng ilang sandali ay nakabawi din siya.
"Don't do that again," he warned
me.Halos umusok ang ilong ko. "Pababain mo ako kung hindi ay hindi ako magdalawang isip na hampasin ka ulit!"
"Easy, babe. I am not going to harm you. I just want us to talk and..." mula sa dashboard ay hinuha niya ang isang plastic na kahon at pinatong iyon sa kandungan ko. It did not take a sec before I realized that the box was a first aid kit. "I want to give you that because you don't want to go to the clinic."
Marahas akong napabuga ng hangin. "Hindi pa ba sapat ang usapan natin kanina? Nasabi ko na lahat ng gusto ko kaya wala na tayong dapat pag-usapan. At itong mga galos ko? 'Di ba sinabi ko na rin sayo na mababaw lang 'to. Pero para lubayan mo na ako, sige, gagamutin ko ito pagdating ko sa boarding house. Now, itigil mo na ang kotse at bababa na ako," saad ko pero tulad kanina ay hindi pa rin siya nakinig. Sige lang siya sa pagmamaneho hanggang malabas kami ng campus.
"I said stop the car! Ano ba?!"
Kahit anong salita at pagtataas ko ay hindi siya huminto. In the end ay napagod na ako. Tumahik ako at sumandal sa upuan. Bahala siya sa buhay niya.
"Where do you live?" Tanong niya matapos ang ilang minuto. Hindi ako sumagot. I just crossed my arms and looked outside the window.
"If you will not tell me, I will take you to my condo," he threatened.
Wapakels! Ayaw niya akong pakinggan? P'wes hindi ko rin siya pakikinggan. Sa oras lang talaga na itigil niya ang kotse niya at makalabas ako dito ay tatakbo ako ng mabilis.
"You are not talking to me, are you?" Sabi ulit niya.
Hindi ba obvious? Kita na nga na tikom na tikom ang bibig ko tapos tatanungin mo ako ng ganyan? Gusto ko isagot sa kanya pero pinanindigan ko ang pananahimik ko. Ang mga mata ko ay pinanatili ko sa kalsada.
"Talk to me."
No.
"Please."
Neknek mo.
"C'mon, Cindy."
Manigas k-
Marahas akong nabaling sa kanya. "What did you call me?"
"Cindy," he said my name with a grin. "So you are talking to me again?"
I ignored his question. "How the hell did you know my name?"
"At the bar. I heard your friend call you, Cindy," he explained.
Oh, okay. I'm not talking again.
"By the way, my name is Nile. Nile Henares."
I snorted. So his name is Nile, parang yung longest river in the world, huh? I don't care. I'm not talking still.
Narinig ko na napabuga siya nang hangin. Akala ko ay nauubusan na rin siya ng pasensya at pabababain niya na ako sa wakas but I was wrong.
"Hey are you hungry, we can eat first, you know?"
I snorted again. Ano akala niya sa akin patay gutom? Kung akala niya na magsasalita ako dahil binanggit niya ang pagkain ay nagkakamali siya. I'm not that easy.
Mananahimik ako at hindi magsasalita. Pero ang plano kong pananahimik ay naputol nang biglang kumalam ang sikmura ko. The hell?! I almost forgot na sandwich lang nga pala ang kinain ko kaninang lunch.
I heard him chuckle. "It seemed like you're hungry. Your stomach is grumbled when I mentioned food."
D*mn it! Siguradong pulang-pula ako dahil sa nangyari. "Okay, fine. Gutom nga ako so ibaba mo na ako para makauwi na ako at makakain na ako sa boarding house."
"Nope. I'm hungry, too kaya sabay na tayong kumain. I know a good Italian restaurant around the area."
I greeted my teeth. Hindi ba siya nakakaintindi ng purong tagalog. Ang hirap niyang kausap. I inhaled. Siguro ay kailangan ko siyang pagbigyan para matapos na ang lahat ng ito.
"Okay, fine. Pero pagkatapos nating kumain ay pwede na ba akong umuwi."
"Yes, of course," sang-ayon niya nang may malapad na ngiti.
----
Tulad ng sinabi niya ay sa isang Italian restaurant niya ako dinala.
"What do you want to eat?" Tanong niya habang tinitignan niya ang menu.
"Kahit ano na lang. I'll have what you're having," walang gana kong sagot.
He ordered garlic bread, fried mozzarella, seafood marinara and iced tea.
Matapos ang ilang minuto ay dumating ang pagkain namin. The foods looked appetizing and even the smell was great. We started eating in silence until out of the blue ay nagsalita siya.
"I know that your really pissed right now," he started and I gave him a blank stare. "But I want to make it up to you. Gusto kong bumawi sa nagawa ko. If only you would give me a chance."
"Kahit naman bigyan kita ng pagkakataon ngayon ay hindi ko na mababawi ang kinuha mo. It's pointless. You can't make up for the thing that I lost."
"I can. Believe me, I can," sigurado at determinado niyang sabi.
Napataas ang kilay ko. "Paano naman, aber?"
"Be my girlfriend."
BINABASA MO ANG
The Story of Us (Cinderella's Panty)
RomanceAng pangalan ko ay Cinderella Magpantay, labing-siyam na taong gulang. Isang simple babae na nanggaling ng probinsiya. Napunta sa Maynila upang makapag-aral. Isang gabing madilim, ang probinsyana ay naging prinsesa. Napadpad sa isang bar na pugad ng...