Chapter 20: Ossy

878 44 4
                                    


Chapter 20: Ossy

Sh*t! He's here!

Tumahip ang dibdib ko dahil sa pagkagulat at kaba. Agad kong inikot ang mata ko sa loob ng classroom at maging sa labas pero hindi ko siya makita. Maybe he was hiding somewhere.

"Sabihin mo sa akin kung nasaan ka?!" I demanded but he just answered me with a chuckled.  Parang tuwang-tuwa pa siya na nakikita akong natataranta. "Nasaan ka sabi eh? Saan ka nagtatago!?"

"I'm just here, babe. I ain't hiding. Look outside," walang anumang utos niya at automatiko akong napabaling sa labas.

And there he was, standing under a tree near our classroom. His one side was leaning on the trunk. At ang walang hiya may lakas ng loob pang kumaway sa akin. He also have this grin on his face na kahit may kalayuan siya ay kitang-kita ko pa rin.

Nanlambot ang tuhod ko dahil dumoble ang kabang nararamdaman ko. Napaupo ulit ako sa kandungan ng teddy bear and I cautiously surveyed the room. May iba pang nasa akin ang atensyon at may iba naman na wala na. Ang pinasasalamatan ko lang ay walang mata na nakatingin sa direksyon kung saan naroroon si Nile.

Muli akong tumingin sa puno. Naroroon pa rin si Nile at tila walang balak na umalis.

"Umalis ka nga diyan! H'wag mo akong manmanan," mahina pero mariin kong utos.

"Uh uhh."

"Anong 'uh uhh'? Alis na sabi d'yan. Tigilan mo ang pagmamanman sa akin. Stalker!" I accused him.

"I'm not stalking you, babe."

"Not stalking daw. Eh ano ang tawag mo sa ginagawa mo. And please don't call me 'babe'. I am not a pig."

"You're definitely not a pig. You're as sexy as hell, baby."

I flushed because of the unexpected compliment kahit na alam ko na he's only playing me. "D-don't call me 'baby'! Hindi ako sanggol!"

I heard him chuckled from the other line. Alam kong masayang-masaya siya sa nakikita niyang mga reaksyon sa mukha ko.

"Alis na diyan! Quit stalking me!"

"As I said, I am not stalking you. I am here because I just want to see if you'll like the teddy bear. But it seemed like you didn't really like it like those flowers that I tried to gave you the last time."

"Talagang hindi," I hissed. "Ano namang gagawin ko sa teddy bear na halos kasing laki ko na?! Gusto mo yatang maaksidente ako sa pagbaba ng hagdan dahil dito."

"You're very hard to please, baby.. But I'm not yet done trying. I'll think of other ways," he said. " For now, I will get the f*cking teddy bear from you. I don't want you sitting on it's lap anymore. And also, you're wrong with what you're thinking na gusto kitang mahirapan o masaktan."

Nakita ko na nagsimula siyang humakbang at kasabay ng paghakbang niya ay ang pagpapanic ko.

"H-hey... Saan ka pupunta?" Nauutal kong tanong.

"D'yan. I will get the teddy bear," he nonchalantly said as he continued walking toward the direksyon of my classroom.

"S-sandali! W-wait! W-wait lang," mas natataranta kong sabi dahil palapit na siya nang palapit but he didn't listen to me. He just kept on walking. "Sandali lang sabi eh. H'wag kang pupunta dito kung hindi ay susuntukin kita!" I threatened him out of desperation.

At last, he stopped walking. Natakot yata nasuntok ulit.

But I saw him smirked. "Don't ever think that I got scared because of your empty threat," aniyq na tila ba nabasa niya ang tumatakbo sa isip ko. "Am I not allowed inside your classroom? As I can see ay wala pa naman ang professor niyo."

The Story of Us (Cinderella's Panty)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon