Chapter 8: Be Careful, Cinderella!"Be careful, Cinderella!" KC shouted as I strut my way towards the hot guy's table.
I snorted upon hearing my full name. Bigla kong naalala si Nanay. I was Cinderella to her kapag pinapagalitan niya ako. Kapag may ginawa akong hindi maganda at nagpapasaway ako. Kapag pinagbabawalan niya akong gawin ang isang bagay. Pero si KC na mismo ang nagsabi na wala dito ang Nanay ko, Walang magagalit sa akin, manenermon at magbabawal. I'm free as a bird and I could do anything that I pleased.
Ngumisi ako ng tuluyan akong makalapit sa table na pakay ko.
"Hi!" Bati kanya at sa dalawang kasama niya. Nagngisihan ang mga kasama niya pagkakita sa akin samantalang siya ay tinignan lang ako gamit ang blangkong mga mata. He was giving nothing away.
Ilang sandaling nagtagal ang mga mata ko sa kanya. Ngayon na nakabaling na siya sa akin, I realized that he was too good looking. 'Yung mukha niya, hindi maamo at angelic. He looked like a smoking hot bad boy that could bring a girl to heaven and hell at the same time.
Parang siya yung tipo na kaya kang paliparin sa ligaya at pag-apuyin sa init. He'll make you dirty and then wipe you clean with his....
Bigla akong napakagat labi dahil sa tinatakbo at nararating ng isip ko. Kahit kailan ay hindi ako tumingin sa lalaki sa paraan na sensual. Oo at nagagwapuhan ako at humahanga pero hanggang doon lang. But looking at him right now, my imagination was working overtime at bakit parang ang init?
Ghad! It must be the tequila. Yes, it's the tequila!
"Hi, miss! You need something?" Tanong ng lalaking tsinito na nakaupo sa harap ni hot guy.
Bumaling ako sa kanya. Kung kanina ay ang lakas ng loob ko na pumunta dito, ngayon ay para namang nalulon ko ang dila ko. Paano ko sasabihin na gusto ko i body shot si hot guy?
I suddenly felt shy.
Para yatang mas maganda na bumalik na lang ako sa table namin at huwag ng ituloy ang binabalak ko. Tatalikod na ba ako? Baka mapagkamalan nila akong baliw or weird. Magpanggap nalang kaya ako, kunwari lasing ako at naligaw ng table.
Oo! Hahanap nalang ako ng ibang prospect. Iyong hindi masyadong gwapo. Akma akong tatalikod pero nagsalita naman iyong lalaki na katabi noong tsinito. "I think the pretty baby wants to do a body shot," aniya at nagpalipat-lipat ng tingin sa mukha ko at sa mga hawak ko.
Lumapad ang ngisi noong tsinito. "There's three of us here and you only have one shot. So who's the lucky guy?"
Bago ko napigilan ang sarili ko ay napatingin ulit ako kay hot guy. Nagtama ulit ang mga mata namin namin pero hindi tulad kanina na blangko ang expression niya, a mischievous grin formed his lips.
I heared his friend's chuckles. "Lucky bastard," sabi pa ng isa.
"Great choice, baby," he said in a soft and deep voice. Nakapagtatakang narinig ko ang sinabi niya kahit maingay pa rinang music.
Umisod siya para magkaroon ako ng space na mauupuan sa tabi niya. Hindi pa rin nabubura yung mapaglarong ngisi sa mukha niya.
I inhaled. Ako naman ang may gusto nito at ako rin ang kusang lumapit sa table nila with the intention of doing body shot with him.
He seemed more than willing, I might as well push through with it. Pagkatapos naman nito ay parang malabo na ulit kaming magkita. At least, masasabi ko na nakatikim ako ng hot na lalaki kahit minsan sa buhay ko.
Napangisi na rin ako at umupo na sa tabi niya.
"Do you know what your doing, baby?" He asked. His eyes were fixed on me.
BINABASA MO ANG
The Story of Us (Cinderella's Panty)
RomanceAng pangalan ko ay Cinderella Magpantay, labing-siyam na taong gulang. Isang simple babae na nanggaling ng probinsiya. Napunta sa Maynila upang makapag-aral. Isang gabing madilim, ang probinsyana ay naging prinsesa. Napadpad sa isang bar na pugad ng...