Chapter 28: Crime"Nile..."
"Hmmm..."
"Ihatid mo na ako. Inaantok na ako," I said habanng nilalabanan ko ang pagbagsak ng talukap ng aking mga mata.
We were still at the park, lying on the grass under an old tree. Kanina ko pa pinapanood ang mabining pagsasayaw ng mga dahon sa mahinang ihip ng hangin and somehow it made me feel sleepy.
"Okay," he answered. Bumangon siya at inilahad niya ang kamay niya sa akin at sa pagkakataong ito ay walang pag-aalinlangan ko itong tinanggap.
----
Ipinarada ni Nile ang kotse niya sa harap ng boarding house. Kinalas ko ang seatbelt ko bago ko siya hinarap. He was smiling from ear to ear.
D*mn. Talagang masaya siya. Mula pa kanina ay hindi talaga nabura ang ngiti niya. Medyo mukha na nga siyang baliw. But having said that, nahawa na naman ako sa ngiti niya. His smile was contagious, I could not help but smile, too.
We smiled at each other at hindi ko alam kung gaano katagal. Pareho na lang kami na mukhang tanga but I did not care. This is a happy day at hindi naman krimen ang ngumiti nang ngumiti.
Saka lang nabura ang ngiti ko nang hindi ko na mapigilan ang hikab ko. I opened my mouth wide at pati butas ng ilong ko ay nanlaki. I heard him chuckled but for some unknown reason, hindi ako nakaramdam ng ni katiting na hiya.
"I think it's time for me to go now. You need to rest, baby."
Tumango ako and then I climbed out of his car. Pero bagi ko isira ang pinto ng kotse niya ay yumuko ako and our gazes meet again.
"Thank you," I said.
"Thank you," he answered back. "You sleep well, okay and I hope that you'll dream of me."
I blushed and before he could notice it ay nagmamadali kong isinara ang pinto ng kotse niya. His car roared into life and he finally drove off.
Pumihit ako at akma nang papasok sa boarding house nang tumunog ang cellphone ko. With a smile of my face, I immediately answered the call thinking na si Nile ang tumatawag pero mali pala ang aka ko dahil ang bumungad sa akin ay sunod-sunod na paghikbi. Sa isang iglap ay nabura ang ngiti sa labi ko.
"C-cindy.... C-cindy...."
I instantly recognized the voice. "N-nina? Anong problema? Bakit ka umiiyak?"
Agad akong binalot ng pag-aalala. Napako ako sa kinatatayuan ko habang pinakikinggan ko ang patuloy na paghikbi ng kaibigan ko sa kabilang linya.
"N-nina... What's wrong? Sabihin mo sa akin."
"C-cindy... S-si... si N-nile... k-kasi," she manage to utter between her sobs.
Umalon ang dibdib ko pagkarinig ko ng pangalan ni Nile. Lumingon ako sa kalsada pero hindi ko na matanaw ang kotse niya.
"W-what about Nile? M-may nangyari ba sa kanya?" My voice faltered.
"N-nalaman ko...n-nalaman ko na h-he has a n-new... " Naputol ang sasabihin niya dahil humagulgol na naman siya.
"Nina... Kumalma ka..."
"P-paano ako kakalma? May bago ng girlfriend si Nile!"
Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko at napasinghap ako. May girlfriend siya? Sino? Iyon bang kasama niyang babae sa cafeteria noong nakaraan. Iyong parang gutom na linta kung makapit? Siya ba?
Naramdaman ko na naman ang pamilyar na sakit na para nang may tumutusok na mga karayom sa aking dibdib.
I shut my eyes and I inhaled deeply. Pilit ko ipinagsawalang bahala ang hapdi ng dulot ng mga karayom. Nina was still inconsolably sobbing from the other line.
BINABASA MO ANG
The Story of Us (Cinderella's Panty)
RomantizmAng pangalan ko ay Cinderella Magpantay, labing-siyam na taong gulang. Isang simple babae na nanggaling ng probinsiya. Napunta sa Maynila upang makapag-aral. Isang gabing madilim, ang probinsyana ay naging prinsesa. Napadpad sa isang bar na pugad ng...