Chapter 23: Stupid Girl

785 66 13
                                    

Chapter 23: Stupid Girl

When I could not bare the pain caused by the needles anymore ay saka ko palang nautusan ang sarili ko na mag-iwas ng tingin.

Inikot ko ang mga mata ko sa loob ng caf para hanapin si Nina at hindi nagtagal ay nakita ko siya sa aming usual spot. I walked toward to where she was. I thanked God because I managed to not fall.

Nina was busy tinkering her cellphone kaya sigurado ako na hindi niya nakita ang brief encounter naming dalawa ni Nile. I don't think na alam din niya na nasa paligid lang si Nile because she was lookong fine.

"Hi," bati ko sa kanya kasabay na pag-upo ko sa bakanteng upuan sa harap niya.

She looked up and her perfectly shaped eyebrows when she saw me. "Bakit ganyan ang itsura mo, Cindy?"

Kinabahan ako. Do I loo flustered? Nervous? Namumula ba ang mata ko dahil sa muntikan ko nang pag-iyak kanina? "W-what do you mean? A-ayos naman ang itsura ko."

"Bakit ka basang-basa?"

"A-ah..." I secretly breathe a sigh of relief. "Wala kasi akong dalang payong kaya tumakbo na lang ako papunta dito."

"You are soaking wet. Hindi ka ba nilalamig?"

As if on cue ay naramdaman ko ulit ang lamig sa loob ng caf na nanunoot sa balat ko. Nile made me forget that I was cold. Itinuloy ko ang naudlot kong pagkuha ng panyo mula sa loob ng bag ko at pinunasan ko ang pisngi at braso ko. Maging ang basa kong uniporme ay pinunasan ko but there was no use. Palamig nang palamig ang pakiramdam ko.

"Shall we eat na?" Nina asked and I nodded. "What do you want? I'll order na while you are drying yourself."

"I'll have what you are having at saka mainit na kape na lang," saad ko sa nanginginig na boses.

Nagsalubong ulit ang kilay ni Nina. "Sigurado ka bang ayos ka lang talaga, Cindy?"

"Oo. Medyo nilalamig lang ako but I'm fine."

"Okay. I won't take long," saad niya at naglakad na papunta sa counter.

Habang alala sa pag-oorder na pagkain si Nina ay hindi ko napigilan ang sarili ko na tumingin ulit sa lamesa nina Nile. Kahit malayo ay kitang-kita ko na nagtatawan pa rin sila ng mga kaibigan niyang lalaki. The girl on the otherhand, was dreamily looking at Nile's face. She was just sitting still. Her arms were wrapped around his one arm and her chin was on his shoulder.

I felt the foreign feeling again na parang may tumutusok na karayom sa aking dibdib. Alam ko na hindi tama na tumingin ulit sa kanila at alam ko na kailangan ko nang mag-iwas ng tingin pero hindi ko na naman magawa.

A part of me was expecting that he would looked my way. Naghintay ako na lumingon siya sa akin pero hanggang makabalik si Nina ay hindi niya ginawa.

"Let's eat na, Cindy," saad ni Nina matapos niyang ilapag ang binili niyang tanghalian.

I sighed. Ang una kong inabot ay ang tasa ng umuusok na kape. The hot cup felt nice against my cold hands then I took small sips. Kahit paano ay nabawasan ang nararamdam kong lamig.

Habang kumakain kami ay parang may magnet na humihila sa mga mata ko para tumingin kay Nile pagkatapos ay napatingin din ako kay Nile. I suddenly remembered one of the things that he said at the rooftop.

You don't know the real story, do you?

"Nina pwede ba akong magtanong?" Hindi ko mapigilang sabi.

"Sure. Tungkol saan?"

"T-tungkol sa inyong dalawa ni Nile."

Bahagya siyang natigilan. " What about us?"

The Story of Us (Cinderella's Panty)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon