Chapter 2: New Home

1.8K 67 7
                                    


Chapter 2: New Home

"Dito ang magiging kwarto mo," saad ni Aling Eva ng tumapat kami sa isang nakasaradong pinto. Siya ang landlady sa tutuluyan ko na boarding house.

Madilim na nang makarating ako dito. Bukod kasi sa usad pagong ang mga sasakyan dahil sa mabigat na traffic ay sinubukan pa akong lokohin ng driver ng taxi na nasakyan ko.

Habang magbibyahe kami kanina ay mali-mali at kung saan-saang kanto niya ipinasok ang taxi niya. Kaya habang tumatagal kanina ay palakas nang palakas ang hinala ko na sadya niya ang inililigaw para tumaas ang metro ng taxi niya at lalong lumaki ang babayaran ko.

Siguro ay nahalata niya na galing ako sa probinsya. Give away din kasi ang bayong na pilit ipinadala ni Nanay at puno iyon. Lahat yata ng gulay na nasa Bahay Kubo ay dala ko. Pero kahit naman totoo na isa akong probinsyana ay hindi ako tanga at ignorante. Actually, hindi ko nga maintindihan ang stereotype ng mga tao na kapag galing sa probinsya ay ignorante na at madaling lokohin. Bakit? Hindi ba pareho ang curiculum sa probinsya at sa Maynila?

Sigurado ako na ganoong klaseng mindset mayroon ang taxi driver na iyon. Ang buong akala niya ay madali niya akong maiisahan pero malas lang niya at nagkamali siya ng napiling biktimahin. Kaya ang nangyari nang sa wakas ay huminto sa wakas sa harap ng boarding house ang taxi ay kalahati lang ang binayaran ko pagkatapos ay binigyan ko siya ng isang malaking upo at limang talong at isang supot ng kamatis.

Sa una ay nagalit siya at sinabing ng nababaliw na ako. Hindi niya daw kailangan ng gulay and he insisted that I should pay him full. Pero nang sabihin ko na bago ako magbayad ng buo ay kailangan muna naming pumunta sa kinauukulan para dahil gusto kong ipasuri ang metro niya ay natahimik siya. Bukod kasi sa sinadya niya akong iligaw ay napansin ko rin na ang bilis ng patak ng metro niya. Sa huli, kahit naghihimutol siya sa galit ay wala siyang nagawa kundi humarurot paalis. Aba, pasalamat pa nga siya dahil binigyan ko siya ng sariwang gulay at mas dapat niyang ipagpasalamat na hindi ko inihampas sa ulp niya iyong upo.

Binuksan ni Aling Eva ang pinto at bumungad sa akin ang hindi kalakihang kwarto.

"Doon ang magiging higaan mo," sabi niya sabay turo sa taas na parte ng isang double deck na higaan. " Lahat ng mga nasa ibaba ay okupado na."

Napanguso ako. Ang gusto ko sana ay sa ibaba lang ako dahil mas convinient iyon. Perp dahil okupado na ang mga higaan sa baba tulad ng sinabi ni Aling Eva ay wala na akong magagawa pa. Aware naman kasi ako na ganito talaga ang sitwasyon sa mga boarding houses. Kadalasan ay wala kang hindi ka makakapili kung saan mo gusto lalo na kapag may nauna na na mga boarders sa iyo.

Tumango ako bago ko inikot ang tingin ko sa kabuuan ng silid. May tatlong double deck na kama sa loob. May dalawa ring cieling fan at stand fan. Sa pinakadulong gilid ng silid ay nakakita ako ng cabinet na may anim na makikitid na pinto.

Kung titignan ng maigi ay masikip ang silid para sa anim na tao but like what I said earlier, I don't have much choice. Ang kailangan ko nalang na gawin ngayon ay magtiyaga dahil ito na ang pinakamura na pwede kong tirahan. Wala naman kasi akong budget para umupa ng isang buong apartment.

"O siya, sige. Maiwan na kita dito. Ito yung susi mo sa kwarto," aniya sabay abot sa akin ng isang susi. "Iyong mga gamit mo naman ilagay mo dun sa panlimang cabinet. Bumili ka na lang din ng maliit na padlock para doon. Maya-maya ay magsisidatingan na ang mga kasama mo."

"Sige po, Aling Eva. Salamat po."

Nang maiwan akong mag-isa ay agad akong umakyat sa magiging higaan ko para inspeksyonin iyon. Maya manipis na foam doon na magsisilbing kutson at mukhang malinis din naman ang bedsheet.

Nang makuntento ako ay muli akong bumaba at lumapit ako sa may cabinet. Inilagay ko lahat ng mga dala kong bag doon maliban lang sa bayong ng gulay. Saka nalang ako mag-aayos mga damit ko kapag nakapagpahinga na ako. Hindi rin kasi biro ang mahabang oras ng biyahe.

The Story of Us (Cinderella's Panty)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon