Chapter 33: Last Dance

802 58 18
                                    

Chapter 33: Last Dance

Ethan was taken aback because of what I did kahit pa sa gilid lang ng labi niya tumama ang labi ko. Mariin kong pinikit ang mata ko at nagpalipas muna ako ng ilang segundo bago ako unti-unting lumayo sa kanya.

"Wow..." He said in disbelief. His eyes were wide yet gleaming.

Pinilit kong ang sarili ko na ngumiti kahit ang totoo ay ang sakit- sakit. Sa gilid ng mata ko ay kita ko ang pagtalikod ni Nile at ang paglalakad niya palayo.

So this is it. This is the end for us-our happily never after. No more Nile to bother me. No more Nile to kidnap me. No more Nile to make my heart beat faster. No more Nile to make me laugh. No more.

Ikinurap-kurap ko ang mga mata ko para pigilan ang namumuong mga luha. Pinilit kong panatilihin ang ngiti sa labi ko kahit gusto ko nang pumalahaw ng iyak. God, I just let go of the man that I love.

Napaigtad ako nang abutin ni Ethan ang kamay ko. Muntikan ko na ngang bawiin ito sa kanya pero mabuti na lang ay napigilan ko ang sarili ko. Hinayaan ko lang siya na dalhin sa kanyang labi ang kamay ko para marahan itong halikan.

"You don't know how much you made me happy," he beamed at me.

Saka lang binitawan ni Ethan ang kamay ko nang mula sa gilid ay yakapin ako ni Nina.

"Oh my God! Oh my God! Oh my God! I am so kilig!" She shrieked while panting for air. "I'm so happy for the both of you!"

Mariin kong kinagat ang labi ko. Maaaring na misinterpret ni Nina at maging ni Ethan ang ginawa ko. I must make things clear to them. That act was only for Nile.

"Uhm...Bakit ka na man kinikilig Nina? I just agreed to be Ethan's date."

"But you kissed him. That meant something, di ba? "

Hinarap ko si Ethan. "Sorry, Ethan. What I did was uncalled for. Sobra lang kasi akong nasorpresa. Wala ang gumagawa ng ganito para sa akin. Sana ay huwag mo na lang bigyan ng ibang kahulugan.

Ethan pouted. "Akala ko pa naman may something na. Kahit ako kinilig eh." Natawa ako sa sinabi niya, kahit papaano ay iyong totoong tawa. "Ngayon napapayag na kita na maging date ko, malay mo bukas mapapayag na kitang maging girlfriend ko."

My heart sank again after hearing what Ethan last said. No. I don't think I would be ready to fall in love again. Not tomorrow or the day after. Not even next week or next month. D*mn. It might take me a million day bago ako maging handa ulit dahil kailangan ko munang buoin ang puso kong nahati sa isang milyong piraso.

-----

Halos hindi ko makilala ang sarili kong repleksyon. Ang nakikita kong babae sa salamin ay napakalayo sa ordinaryo at plain na Cindy. Mukha akong isang totoong prinsesa.

Nakasuot ako ng kulay itim na ballgown na napapalamutian ng mga bato at kristal na kumikinang tuwing tinatamaan ng ilaw. Kumikinang din ang leeg ko at tainga dahil sa soot kong mga alahas.

Tonight is the night of the charity ball. Narito ako ngayon sa bahay ni Nina. Dito ako nagbihis at nag-ayos. Ethan shouldered everything- from my gown to my shoes. He even hired a make-up and hair stylist para ayusan ako. Ang mga alahas naman na suot ko ay ipinahiram sa akin ni Nina.

Kanina pa ako handang umalis, hinihintay ko na lang na may kumatok sa may pintuan ng kwarto na kinaroroonan ko para sunduin ako.

Muli akong umikot sa harap ng salamin. Talagang hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Nanay kapag nakita niya ako sa ganitong ayos? Matutuwa kaya siya? Eh si Nile kaya? Magagandahan kaya siya sa akin?

The Story of Us (Cinderella's Panty)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon