Chapter 1: Ang SimulaHindi matigil sa pagluha si Nanay habang hawak niya ng mahigpit ang mga kamay ko. Paminsan-minsan ay ngumangawa pa siya lalo na kapag sinusubukan kong kumawala mula sa kanya.
"Nay . . ." Mahina at nakikiusap kong sabi.
Ilang beses na ba naming napag-usapan ito? Ang buong akala ko ay naiintindihan na niya ako at tanggap na rin niya ang pag-alis ko. Pero mali pala ako ng akala kasi heto kami ngayon at parang nagta-tug of war sa harap ng bahay namin. Ayaw niya akong pakawalan.
Halos magkakalahating oras na kami dito. Iyong driver ng tricycle na pinara ng kapatid ko ay kanina pa ubo ng ubo. Sigurado ako na wala siyang sakit, naiinip lang siya sa paghihintay na sumakay na ako. Nakakahiya na nga sa kanya at sa mga iilang mga taong napapadaan at nakakarinig sa mala-bakang pagngawa ng butihin kong ina.
Napakamot ako ng ulo. "Nay naman. Aalis na po ako. Baka maiwan po ako ng bus," nagmamakaawa ko pa ring sabi sa kanya.
"Cindy, anak. . ." she whined again. "Hindi na ba magbabago ang isip mo?"
"Napag-usapan na po natin ito, hindi ba? Di ba pinayagan niyo na po ako?" I asked softly.
"Oo nga kaya lang. . . Kaya lang. . . " She sniffed. "Bakit ba kailangan mo pang umalis? Aba'y maayos naman ang buhay natin dito. Nakakakain tayo ng tatlong beses isang araw. Nakakapag miryeda pa nga tayo ng kamoteng kahoy at mani. Hindi tayo nagugutom. Ayos na tayo dito, hindi ba sapat lahat ng 'to para sa'yo? Bakit lalayo ka pa?"
May punto naman si Nanay, maayos ang buhay namin dito sa probinsya. Hindi kami nagugutom dahil abot kamay lang namin ang iba't-ibang source ng pagkain. Nariyan ang mga bungangkahoy tulad ng bayabas,mangga at papaya ,kahit na anong oras ay pwede kaming mamitas. Meron din kaming mga tanim na gulay at sa hindi kalayuan ay may maliit na sapa kung saan pwedeng mamingwit ng mga sariwang isda.
Mahirap lang kami kung tutuusin, sa kubo lang kami nakatira at ang ikinabubuhay ng pamilya namin ay pagsasaka. Pero kahit ganoon ay hindi namin naging problema ang pera. Hindi malaki ang binabayaran namin sa kuryente at libre pa ang tubig.Kaya sakto lang yung kita ng maliit naming bukid para sa araw-araw naming gastusin at pati rin sa pag-aaral naming magkapatid.
Siguro nga ay sapat na kung anong meron kami. Mas mapalad pa nga kaming tutuusin kumpara sa mga taong walang-wala sa buhay, mga walang makain o iyong mga baon sa utang.
So yeah, I perfectly understand where my mother is coming from but it doesn't mean that I agree with her. Here's my stand-- hindi porque nasasabi ko na okay na o sapat na ay hindi na ako pwedeng mangarap. Masarap ang may pangarap sa buhay.
Sa puntong ito kami hindi magkaintindihan ni Nanay. She's content with what we have habang ako naman ay nangangarap. I am a dreamer. I have high hopes. I have clear goals.
I sighed. Tears started to form in my eyes. We'd been into this argument a lot of times and it's very exasperating. "Nay gusto ko po talagang mag-aral. Uulitin na naman ba tin ang paliwanagan?"
"Aba, Cinderella, baka nakakalimutan mong pinag-aaral kita sa bayan, " she said.
Automatikong umurong ang mga luha ko at napasimangot ako. Oo nga at nag-aaral ako sa isang community college sa bayan. Ang problema lang ay hindi ko gusto ang kurso ko na Dressmaking. It's not my calling kumbaga.
Mahilig nga ako sa mga magagandang damit pero hindi ko gustong gumawa ng mga ganoon. Kung hahawak man ako ng karayom, hindi tela ang gusto kong tahiin kundi balat ng tao. 'Yung tipo na dumudugo pa sa bawat tusok. Yes, that's what I wanted to do mula pa pagkabata ko.
Kaya nga kahit na nakaisang taon na ako sa dressmaking ay sumubok pa rin ako na mag-apply ng scholarship kay governor. Hindi ko iyon sinabi kay Nanay dahil alam kong magagalit siya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Story of Us (Cinderella's Panty)
RomanceAng pangalan ko ay Cinderella Magpantay, labing-siyam na taong gulang. Isang simple babae na nanggaling ng probinsiya. Napunta sa Maynila upang makapag-aral. Isang gabing madilim, ang probinsyana ay naging prinsesa. Napadpad sa isang bar na pugad ng...