Chapter 35: Rules and Signs

857 57 10
                                    

Chapter 35: Rules and Signs

"Bakit mo ako dadalhin sa condo mo?" Naniningkit ang mga matang tanong ko kay Nile. "May binabalak kang masama ano?"

Sakay ako ng kotse niya habang siya ang nagmamaheho at pauwi kami ng  condo niya. Imbes na ihatid niya ako sa boarding house nang umalis kami sa ball, he insisted na sa condo niya na lang ako matulog.

Isang nakakalokong ngisi lang ang isinagot niya sa akin kaya lalong nanliit ang mga mata. "Hoy, lalaki! Kung inaakala mo na porque nag- I love you, too ako sa'yo at ideneklara mo na na tayo na kahit hindi naman talaga kita sinagot ay magagawa mo na ang lahat ng gusto mo sa akin ay nagkakamali ka!"

"Bakit hindi pwede? I love you and you love me."

Hinampas ko siya ng malakas sa braso. "Ano ka sineswerte?"

"I couldn't agree more. I'm the luckiest man in this world right now," he playfully said pero hindi ako natuwa.

I crossed my arms against my chest. "I am not an easy girl, Nile. Huwag mo akong itulad sa mga naunang mga babae sa akin," buong kaseryosohan kong sabi.

Siguro nga ay nagkamali na ako dati dahil sa sobrang kalasingan ko. But it doesn't mean na kalilimutan ko na ang mga values na itinanim sa akin mula pa pagkabata ko.

Tumingin ako sa labas ng bintana at huminga ako ng malalim.

"Hey..." Tawag sa akin ni Nile pero hindi ko siya nilingon. "I'm sorry. Cindy, please look at me. Please, baby?"

Kapag ganito ang tono niya ay hindi ko siya kayang tiisin. Sa huli ay wala rin akong nagawa kung hindi ang tumingin sa kanya. Kinuha niya ang kamay ko at dinala iyon sa kanyang labi.

"I'm sorry," sabi niya ulit. "I was only joking. I just want to spend the night with you. Ngayon lang ako sumaya ulit at ayaw ko na agad matapos pero kung ayaw mo talaga ay ihahatid na kita sa boarding house mo. I don't want to  upset my baby." Muli niyang hinalikan ang kamay ko bago niya ibinalik ang buong atensyon niya sa kalsada. "So where to? My place or am I gonna bring you home?"

Mariin kong kinagat ang labi ko. Kanina ay inaaway-away ko siya dahil hindi muna niya ako tinanong kung gusto ko na matulog sa condo niya but now that he's giving me a choice ay nahihirapan naman ako na magdesisyon. Deep inside me ay gusto ko rin siyang makasama ng mas matagal.

"Kung sasama ako sa iyo, ano naman ang gagawin natin?" I asked.

"I don't know. Maybe we could kiss and cuddle. We can watch a movie or we can get to know each other more. We'll talk about our lives. Past, present and our future plans."

Parang nagustuhan ko ang huli niyang sinabi. Nagmamahalan kami ay kaunti lang ang alam namin tungkol sa isa't-isa. Maybe we could use a little getting-to-know-each other talk. Baka may malaman pa akong mga sikreto niya.

"Uhm... Okay."

"What okay?"

"I'm gonna sleep in your place tonight," I said. Tumingin siya sa akin at ngumisi siya ng mas malawak. "Hep, hep. H'wag ka munang masyadong magsaya. I'll set some rules."

"What for?"

"Para saan ba ang patakaran?"

"Rules are instructions that tells us what we are allowed to do and what we are not allowed to do."

'Alam mo naman pala, eh. So rule number one... No touching."

"What?!" He raised his voice.

"H'wag kang OA. Hindi pa ako tapos magsalita. No touching from here to here," saad ko sabay turo sa ilalim ng leeg ko hanggang sa tuhod."

The Story of Us (Cinderella's Panty)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon