Chapter 32: Function of the Heart

825 56 9
                                    

Chapter 32: Function of the Heart

... Once you believe in a love forevermore
How can you leave it in a drawer?
Now here it comes, the hardest part of all,
Unchain my heart that's holding on.
Where do I start to live my life alone?
Guess, I'm just learning, learning the art of letting go...

The last two minutes of me being inside the jeep was too painful at nagsimula lahat ng ito nang magpalit ng kanta ang radyo. My throat constricted and my eyes welled up.

Sapul na sapul ako sa kanta. Parang nanadnaya ang pagkakataon. Pinipilit kong kalimutan ang taong mahal ko at mahal ako tapos ito pa ang maririning kong kanta?

Parang pinipiga ang puso ko at parang binubudburan ng asin ang sugat ko na hindi pa naghihilom. Gusto kong takpan ang dalawang tainga ko!

... Watching us fade, what can I do
But try to make it to the pain
Of one more day without you.
Where do I start to live my life alone?
Guess-

"Mama, para na po!" Sigaw ko nang hindi na ako makatiis pa.

Malayo pa ako sa university pero mas gugustuhin ko pa na lumipat ng jeep kaysa patuloy na i-torture ko ang sarili ko sa pakikinig ng kantang iyon.

Nang huminto ang jeep sa gilid nang kalsada ay mabilis akong bumaba. Huminga ako nang malalim at marahas kong pinunasan ang isang butil ng luhang nakatakas mula sa mata ko.

D*mmit, Cindy! Ang OA mo! Galit kong kastigo sa sarili.

Kung sa ganitong kanta palang ay sobrang apektado na ako? What more kung may mangyari na hindi ko inaasahan?

Nile promised that he would not stop. I would never know what would happen next. I would never know what he would do next.

No. Kailangan ay malakas ako. Kailangan ay mapanindigan ko ito.

I must get hold of myself. I must get hold of myself!

----

Truth be told, pagbaba ko pa lang sa harap ng university ay nakita ko na siya. He was sitting on the sidewalk at nang makita niya pagbaba ko mula sa jeep ay agad siyang tumayo at agad akong sinalubong.

Sinubukan kong mag-iba ng direksyon pero mabilis niya akong naharang.

"Anong ginagawa mo? Tumabi ka diyan! Padaanin mo ako!" I was able to snapped at him kahit pa muntikan na akong matigilan nang makita ko kung ano ang itsura niya.

He looked nothing like his normal self. Gulo-gulo ang buhok niya, nangingitim ang gilid nang kanyang mga mata at parang nakalimutan niyang mag-ahit. He's a mess. And I was the reason behind it.

I wanted to rake my hands through his hair. Gusto kong ayusin ang buhok niya gamit ang mga daliri ko. Gusto ko. Gustong-gusto ko pero hindi ko ginawa kasi mali iyon.

"I just want to see you," mahina niyang sabi.

Umalon ang tiyan ko at lumundag ang puso but I tried my best to keep my face straight. "O ayan, nakita mo na ako. Masaya ka na?"

"No. I will only be happy if you'll say those three words back. I'll only be happy if you'll have me as your man."

Marahas akong huminga. My eyes started to sting again kaya bago pa niya makita iyon ay mabilis akong kumilos. Hindi siya kaagad nakahuma kaya nagawa ko siyang lampasan. Nagsuot ako sa pagitan nang mga puno para sana takasan siya pero base sa kaluskos na naririnig ko sa aking likuran ay alam ko na nakasunod siya sa akin.

The Story of Us (Cinderella's Panty)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon