Chapter 21: Judgment"Where are you going and why the hell are you screaming?"
Jusko ko po. Ingleserong multo pa ang ang nagpakita sa akin. Paano ko 'to mapakikiusapan na pakawalan ako eh sa sobrang takot ko ay wala akong mahagilap na matinong english sa utak ko.
"D-dont. D-dont. P-please," nauutal kong sabi. Ipinikit ko ng mariin ang mata ko at tinawag ko ang lahat ng santo na kilala ko para humingi ng tulong. Pero hindi yata nila narinig ang tawag ko dahil naramdaman mo na mula sa braso ay lumipat ang hawak sa aking magkabilang balikat. Then the ghost made m e face him.
"Hey, Cindy. F*cking open your eyes. It's me, Nile."
"No way, I wouldn't open my f*cking eyes and I— wait. Did I hear it right? Nile daw?
Marahas kong iminulat ang mga mata ko at ang sumalubong sa akin ay ang todo ngising mukha ni Nile.
The hell! Siya lang pala! Nagmukha akong tanga at katawa-tawa!
"Anong ginagawa mo dito?" Medyo pasigaw kong tanong. 'Yung takot ko kanina ay agad napalitan ng galit.
"Why?" He innocently muttered pero hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi niya. "We're supposed to meet here, right?"
Naningkit ang mga mata ko. "We're supposed to meet at the rooftop!"
Kinuha ko mula sa bulsa ko ang cellphone ko at hinanap ko ang text niya. "Kita mo 'to!" Saad ko at inilapit ko sa mukha niya ang cellphone. "Ang sabi mo dito sa text mo 'Meet me at the old CBS building. Rooftop'. Maliwanag na maliwanag. Walang kadaya-daya, sa rooftop tayo magkikita! In case na hindi mo po napapansin, ground floor po ito at hindi rooftop. Siguro ay talagang hinintay mo ako dito para gulatin ano? Umamin ka!"
He cocked his head to the side and his grin widened. "That ain't my style, baby. If ever I would deliberately make your knees tremble, it ain't because of fear but because of pleasure."
I flushed at sandali akong nawalan ng salita dahil sa sinabi niya. Ang intindi ko kasi sa sinabi niya ay mangingnig daw ang tuhod ko sa ligaya. Eh gago pala siya! Nang makabawi ako ay walang sabi-sabi kong tinampal ang bibig niya.
"Why did you do that?" He asked with amusement.
"Because you have a dirty mouth!"
"Dirty?" He's playing innocent but his eyes was twinkling with mischief.
Huminga ako ng malalim. It was not wise na pahabain ko pa ang usapan tungkol sa ligaya at dumi.
"Eh kung walang kang balak na takutin ako, bakit ka nga dito naghihintay? Bakit hindi na lang sa rooftop?" Sa halip ay tanong ko.
Napanguso siya na para bang nadismaya siya sa pag-iiba ko ng usapan.
"Well?" I raised a brow.
"I'm here for this." Mula sa likod ko ay kinuha niya si Ossy. "I don't want you tripping on the stair and breaking your neck."
Oh...
Sadya niya akong hinintay dito para siya ang magdala papanhik kay Ossy? I almost smile because of his simple act pero mabuti na lang talaga at napigilan ko ang sarili ko. If I know, nagpapanggap lang siya na gentleman.
Instead, I rolled my eyes. "Oh, ayan na pala. Hawak mo na si Ossy. Yan lang naman ang pinunta ko dito. Alis na ako."
"We need to talk," pigil niya sa akin.
"Ano? Talk na naman? Hindi pa ba nangangawit yang panga mo sa kaka-talk?"
"Nope."
"Fine, tara na. Let's get this over and done with," sabi ako at naunang humakbang papanhik sa rooftop. Siya naman ay kasunod kong naglalakad sa likod ko, effortlessly carrying Ossy with only one arm.
BINABASA MO ANG
The Story of Us (Cinderella's Panty)
RomanceAng pangalan ko ay Cinderella Magpantay, labing-siyam na taong gulang. Isang simple babae na nanggaling ng probinsiya. Napunta sa Maynila upang makapag-aral. Isang gabing madilim, ang probinsyana ay naging prinsesa. Napadpad sa isang bar na pugad ng...