Chapter 29: AngelDahil sa sobrang pagod sa kakaiyak ay nakatulog na si Nina. But before she drifted, she asked me to stay for the night. Ang tanging kasama niya lang kasi ay ang mga kasambahay. Nasa ibang bansa ang parents niya. This was the least that I could do dahil sa laki ng kasalanan ko sa kanya.
Ang mga kasambahay ang nag-asikaso sa akin. They serve me dinner na halos hindi ko nagalaw at sila rin ang naghanda ng kwarto na tutulugan ko.
Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. I stood on the balcony of the room at tulala akong nakatitig sa langit. My conscience wouldn't leave me in peace, my guilt was bothering me. At galit na galit ako sa sarili ko.
My emotions were scattered in the wind but my mind was as clear as crystal. Alam ko kung ano ang dapat kong gawin. Gagawin ko ang tama.
Mula sa aking tabi ay kinuha ko ang cellphone ko. May dalawang missed call at may tatlong bagong text messages at lahat ay galing kay Nile. Hindi ko binasa ang mga mensahe, sa halip ay pinatay ko ang cellphone ko, kinuha ko ang simcard at walang pag-aalinlangan ko itong binali sa gitna.
Ito ang tama at dapat kong gawin. Ititigil ko na ang kabaliwan ko. Lalayuan ko na at kakalimutan ko na si Nile. I would forget everything including my feelings for him.
-----
Nagmulat ako ng mata at ang unang pumasok sa isip ko ay si Nina. Bumangon ako at mabilis na nag-ayos at pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto.
"Gising na po ba si Nina?" Tanong ko sa nakasalubong kong kasambahay.
"Opo. Nasa dining area po siya ma'am at nag-aalmusal."
Tinuro sa akin ng kasambahay ang daan patungo sa dining room. Kahit malaki ang bahay ay hindi ako nahirapan na hanapin iyon. Pagbungad ko pa lang ay agad ko nang nakita si Nina nakatalikod sa akin at nakaupo sa harap ng isang mahabang lamesa. But she was not alone, sa harap niya ay may nakaupo naman na isang lalaki.
"Hay naku, Kuya. Humanap ka nalang ng iba. I already agreed to be Nathan's date," I heard Nina said.
The guy made face. "That bastard. Ang sabi ko sa kanya ay ikaw ang kukunin kong date! Inunahan pala niya ako!"
Nina laughed. "Bakit hindi nalang ang girlfriend mo ang gawin mong date? You know, it's so lame to take a cousin as a date."
"Angie and I broke up weeks ago. And in case you forgot, Nathan is my brother and he's your cousin, too. Lame."
Nina laughed again. Parang mas maayos na siya ngayon. "Nauna si Kuya Nathan, eh."
The guy made face again. "If I had a choice, hindi nalang ako dadalo sa ball na iyon. Problema pa maghanap ng--"
Nabitin ang sinasabi ng lalaki ng dumapo ang mga mata niya sa akin. His stare lingered for a while kaya lumingon din si Nina sa akin.
"Oh, Cindy! You're awake! Come here, let's have breakfast."
Tumango ako at humakbang palapit sa mesa. I took the chair beside her. The househelp immediately serve me food.
"By the way, this is my cousin, Ethan. Ethan, this is my friend, Cindy," pagpapakilala sa amin ni Nina sa lalaki na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa akin. Naiilang ako. Hindi ba niya alam na masama ang naninitig?
"H-hi," I awkwardly said. Kinuha ko ang isang baso ng orange juice and uminom.
"Sa palagay ko ay tapos na ang problema ko, Nina." Ethan said out of the blue.
"What are you talking about, Kuya?" Takang tanong ni Nina.
"Cindy, can you be my date?" Ethan blurted out at muntikan ko nang maibuga sa kanya ang orange juice na iniinom ko.
BINABASA MO ANG
The Story of Us (Cinderella's Panty)
RomansaAng pangalan ko ay Cinderella Magpantay, labing-siyam na taong gulang. Isang simple babae na nanggaling ng probinsiya. Napunta sa Maynila upang makapag-aral. Isang gabing madilim, ang probinsyana ay naging prinsesa. Napadpad sa isang bar na pugad ng...