Chapter 13: The Girl and The Guy
Pagkatapos kong malaman na hindi ako buntis, malaking bahagi ng bigat na dinadala ko ang naalis sa balikat ko. I could honestly say that I am ninety-five percent fine now. Minsan nga ay sumasagi sa isip ko na baka wala naman talagang nangyari ng gabing iyon at intact pa rin hanggang ngayon ang puri ko at kadalisayan bilang isang babae, given the fact na wala naman talaga akong maalalang kahit na ano.
I only concluded that something happened because I woke up wearing nothing at masakit ang aking precious pearl. But having said that, I don't want to raise my hopes high. What really happened will forever be a mystery to me. Sa ngayon ay sapat na sa akin ang kaalamang hindi nadiligan ang binhi ko at hindi mamumunga ng bata ang matres ko.
Ang mantra ko ngayon: Let bygones be bygones. I would leave the past behind and start moving forward.Hindi naman ako nahihirapan gawin iyon because I managed to summon my brave, headstrong and driven self from the land of the dead at hindi na natuloy ang pagta-transform ko bilang isang zombie.
Kahit minsan ay sumasagi pa rin sa isip ko ang lahat (which I sometimes find ironic na I couldn't forget what I actually couldn't remember) ay hihayaan ko na lang. What I usually do is I channel my energy and emotion to a much productive things tulad ng pag-aaral.
Ang masasabi ko lang siguro na side effect na naiwan sa akin ay ang pagigind paranoid ko. I was still having these feelings na may nanonood o sumusunod sa akin lalo na kapag nandito ko sa campus. Katulad na lang ngayon, narririto ako sa cafeteria, I am eating my ham sandwhich while writing a report but I couldn't shake off the feeling or the thought that I was being watched. I was uncomfortable in my seat pero sa tuwing lilingon ako at iniikot ko ang mata ko sa paligid ay wala naman akong nakikita na nagmamasid sa akin.
I sighed. I know that it kinda sounded ridiculous. Sino naman ang manonood at susunod sa katulad ko na isang nobody. Isa lang akong plain at simpleng estudyante and I'm not a stand out at all.
Matapos akong tumingin sa paligid at walang makita na kahit na isa mang tao na na nakatingin sa akin ay ibinalik ko ang buo kong atensyon sa sinusulat ko.
Hindi nagtagal naging engrossed na rin ako sa ginagawa ko.
Lumipas pa ang kalahating oras at tapos na ako sa sandwich ko at maging sa report. Ang kailangan ko na lang na gawin ay i-encode iyon at ipa-print at maaari ko na itong i-submit.
Tumayo na ako at aaalis na sana ng cafeteria pero bago pa ako makarating sa may pinto ay nabangga na ako ng isang nakayukong babae at bumuhos sa puti kong uniform ang hawak niya frappé. Napangiwi ako ng makita ng kumalat na kulay brown na mantsa sa bandang dibdib at tiyan ng damit ko.
"Ugh! Sorry miss!" Narinig kong sabi ng babae.
Bago pa ako makabawi o makapagsalita ay naramdaman ko na ang kamay niyang may hawak na panyo na pinupunasan ang damit ko.
"Sorry, hindi ko sadya na mabangga ka! Oh gosh! Hindi kasi ako nakatingin sa nilalakaran ko. I'm really sorry," aligaga niyang sabi habang ang mga ibang estudyante sa loob ng caf ay nagtatawanan habang pinapanood kaming dalawa.
Nang makabawi ako ay mabilis kong hinawakan ang kamay niya at inilayo iyon mula sa akin.
"Okay lang, Miss," wala sa loob kong sabi kahit ang totoo ay hindi ko alam kung paano ako papasok sa susunod kong klase na ganito ang itsura. Nagsisimula na ring manlagkit ang pakiramdam ko.
"Oh no! This is my fault. Please let me help you clean your uniform," aniya.
Tatanggi sana ako pero nang tignan ko siya ay sa mukha mas nakakaawa pa yata ang itsura niya sa uniporme kong nasabuyan ng kape. She looked flustered and her brown eyes were wide. "Errr...."
BINABASA MO ANG
The Story of Us (Cinderella's Panty)
RomanceAng pangalan ko ay Cinderella Magpantay, labing-siyam na taong gulang. Isang simple babae na nanggaling ng probinsiya. Napunta sa Maynila upang makapag-aral. Isang gabing madilim, ang probinsyana ay naging prinsesa. Napadpad sa isang bar na pugad ng...