Chapter 4: First Day Low
Bumalik ako sa loob ng classroom nang may mabigat na kalooban. Ayoko mang tuluyang masira ang mood ko ay hindi ko maiwasang maapektuhan. Kung kanina ay awang-awa ako sa babae ngayon naman ay unti-unting umuusbong ang galit ko para doon sa lalaki.
Yes, I do not know him personally. Ni hindi ko nga alam kung ano ang pangalan niya at ni hindi ko rin nakita ang mukha niya but what I saw earlier was enough for me to hate him.
Ang pinakaayawan ko pa namang uri ng tao ay iyong nananakit ng kapwa nila, may it be phisically or emotionally.
Ang turo kasi sa akin ng mga magulang ko ay ginawa ng Diyos ang tao ng pantay-pantay. Walang mas mababa at walang mas mataas. Kung paano mo irespeto ay mayaman ay ganoon mo din dapat irespesto ang pulubi. Kaya ang pananakit at pagpapaiyak ng kapwa is certainly a form of disrespect.
Ano ba ang ipinagmamalaki ng lalaking iyong? Na mayaman siya?
Neknek niya!
Isampal ko pa sa pagmumukha niya ang pera niya.
Sa sobrang pagngingitngit ko ay kung ano-ano nang karahasan ang naiisip ko. I had killed the guy inside my mind in hundreds of brutal way.
One of the was ripping his chest open at pagkatapos ay kukunin ko ang puso niya (kung meron man). Tatadtarin ko iyon ng pinong-pino at gagawin kong pagkain ng isda. At least ay napakinabangan dahil hindi naman niya ginagamit.
Naisip ko rin na palitan ng hollowblock ang kidney. Or I would have skinned him alive.
But the most appealing idea that crossed my mind was the thought of cutting his alls his veins open. I would drain his blood in a bucket tapos ay tititigan ko lang ang dugo niya para maging masaya ako.
Hindi ko maiwasang mangiti dahil sa mga karumal-dumal kong ideya but of course, all of those were just fantasies. I would never deliberately hurt anyone for real.
Pero agad ding naglaho ang ngiti ko nang isa-isang nagsipasukan sa loob ng classroom ang mga kaklase ko. Muling nag-init ang ulo ko at kumulo ang dugo ko nang makita ko ang masasaya nilang mga mukha.
"Oh my gosh!" The girl with the pixie blonde hair squealed with delight. Among the group she looked the bitchiest. "That was sooo freaking epic. At last! I've waited for that to happen for so long!"
"I know right!" The girl with the curly haired agreed. She was grinning from ear to ear. "Ugh! Who caught that on film. I wanna see it again!"
"I did!" Another girl answered. "Here, I was able to record it."
And they all started to watch the video.
"Oh my gee! Look at Nina's face. She's not pretty when she cries!"
"She is not pretty at all. Period. Her lips ang kinda thin. You know naman ang uso ngayon ay mga plump and pouty lips!"
"Do you also have still images?"
"Yep!"
"I'm gonna post it on IG!"
"And I'm so gonna tweet this!"
Naikuyom ko ang mga kamay ko habang pinakikinggan ko sila.
"Oh! Nine retweets and twenty-two favs already!
"My post have thirty-four likes!"
Bago pa mapatid ang huling pisi ko ay tumayo na ako at lumabas na ng classroom. I knew that if I stayed another minute ay hindi na ako makakapagtimpi pa. Baka mabato ko sila ng kahit anong madampot ko at mahila ko ang mga naggagandahan nilang mga buhok. It was very tempting but I had to stop myself. Ayoko namang sa unang araw pa lang ng klase ay mapatawag na ako sa office dahil sa pakikipag-away. Pagkatapos ay makarating pa ito kay Gov at mapauwi pa ako ng hindi oras.
No. I could not avail to have my dreams jeopardized dahil lang sa mga tao na makikitid ang utak.
I have to calm myself down so please help me God, I prayed.
Lawakan niyo po ang pang-unawa ko para doon sa lalaki na nagpaiyak sa kawawang babae at para na rin po sa mga kaklase ko na hindi ko alam kung anong klaseng isip ang meron. Pero kung kahit po anong pag-unawa ang gawin ko at hindi kp sila maintindihan, sana po ay bigyan niyo nalang ako ng mahabang-mahabang pasensya. Dagdag ko dahil kahit gaano yata karaming wisdom ang ibigay sa akin ni God ay hinding-hindi ko sila maiintindihan lalo na iyong mga kaklase ko. I would never understand how they were able to find joy in the pain and sufferring of another. Ng kapereho nilang babae. At ang mas masaklap ay hindi pa sila nakonteto sa pagiging masaya. Talagang ikinalat pa nila sa social media ang nangyari.
I sighed. Ang mas dapat ko yatang ipagdasal ay sila. Na sana ay sila ang magkaroon ng wisdom. Mas kailangan yata nila iyon kaysa sa akin. Pati na rin kagandahang asal.
Sa huli ay nagpasya na lang ako na kumuha na kumuha ng ID. Nagpatuloy ako sa paglalakad at kung minsan ay humihinto ako para magtanong kung saan ang kuhanan ng ID. May hindi ako pinansin at pinagtaasan lang ako ng kilay pero may mga mababait din naman akong napagtanungan at walang anumang itinuro sa akin ang direksyon.
Mabilis ang proseso ng pagkuha ng ID. Ibinigay ko lang ang registration form ko pagkatapos ay umupo ako at nagpakuha ng litrato. Wala pang isang oras ay nakuha ko na ang ID ko.
I would have love to wander around the university but since my mood now was not as light as my mood earlier, I decided to just go home. Hindi pa naman regular ang klase kaya ayos lang na hindi ko na pasukan ang mga susunod kong subjects.
Dumaan ulit ako sa shortcut na nadiskubre ko kanina. And the moment na nagsuot ako sa pagitan ng mga nagtatayugang puno at wala na akong matanaw na ibang tao ay gumaan ang pakiramdam ko. Being around those rich kids was sort of suffocating.
Umpisa pa lang ay naramdaman ko na na iba ako sa kanila. I just hope that in time ay magagawa kong makapag-adjust at masanay sa kanilang presensya at ugali. This was just the first day of school, afterall.
I closed my eyes and inhaled deeply. "Kaya mo yan, Cindy! Tandaan mo kung ano ang purpose kung bakit ka nandito. It's all for your dreams and for your family. Hinga lang. Inhale good vibe, exhale bad vibe. Inhale good vibe, exhale bad vibe."
Hindi nagtagal ay narating ko ang gate. I smiled at the ingleserong security guard and greeted him again. " Hi Mr. Guard. Look what I got." Ipinakita ko sa kanya ang ID ko.
I did expect any kind of reaction from him kaya laking gulat ko ng ngumiti siya. For the first time today, I saw a sincere smile. At galing pa iyon sa arogante at masungit na security guard na ayaw akong papasukin kanina. Then I realized that he was just doing his job earlier.
Binigyan niya ako ng daan at tuluyan na akong lumabas ng university.
I inhaled again. The first day of school was officially over.
BINABASA MO ANG
The Story of Us (Cinderella's Panty)
RomantizmAng pangalan ko ay Cinderella Magpantay, labing-siyam na taong gulang. Isang simple babae na nanggaling ng probinsiya. Napunta sa Maynila upang makapag-aral. Isang gabing madilim, ang probinsyana ay naging prinsesa. Napadpad sa isang bar na pugad ng...