Chapter 38: CoffeeshopWeeks passed at ganoon palagi ang ginagawa namin ni Nile. We would usually date, have lunch, hang out or spend time together in secret.
May mga pagkakataon na napipilit niya ako na lumabas kami magkasama tulad ng magpunta sa mall, kumain sa labas o manood ng sine but much as I wanted to, hindi ko magawang mag-enjoy. I was overly cautious and paranoid na pakiramdam ko ay may mga matang nanonood sa amin o hindi kaya ay may makakasalubong kami na makakakilala sa amin.
Alam ko na hindi na rin nadadalian si Nile sa sitwasyon namin. It was obvious that he was yearning for a normal relationship. Nitong huli ay sinabi niya sa akin na gusto niya akong ipakilala sa mga kaibigan niya but I refused dahil baka may kaibigan si Nina sa mga kaibigan niya. He tried to assure me na wala but I was too afraid to risk it. After all, they move in the same social circle. Sa huli ay wala siyang nagawa kundi intindihin ulit ako.
At si Nina? I had to constantly lie to her. I would make up stories lalo na kapag may mga pagkakataon na gusto niya akong makasama pero hindi pwede dahil si Nile ang kasama ko. Kung minsan ay nauubusan na ako ng idadahilan kaya hindi ko na lang sinasagot ang mga tawag at text niya.
Mula sa umpisa ay alam ko na hindi magiging madali para sa akin ito pero habang lumilipas ang mga araw ay lalong nagiging mahirap at pabigat na ng pabigat. Nagkakapatong-patong na rin maging ang mga kasinungalingan. This secret had been tormenting not only me pero pati na rin sina Nile at Nina. They were forced to carry the burden, too.
Tulad na lang ngayon na halos magkasabay na pumusok ang dalawang text message sa aking cellphone. One was from Nile and the other one was from Nina.
I opened Nile's message first.
Nile:
I am outside na.
What Nile meant was nasa may malapit gate na siya ng university at hinihintay ako. Sinusundo niya ako sa boarding house o hindi naman kaya ay hinahatid if our class schedule permits. Sa katunayan ay naipakilala ko na siya kina Hazel, Amy at Sarah dahil nga sa madalas siyang makita ng mga ito. That was one of the rarest time that I was at ease in front of other people at iyon ay sa harap ng mga kaibigan ko.
Ako:
Okay. Andyan na ako in ten minutes.
I hit the send button and started walking. Kahit ang simpleng paghatid sundo niya sa akin ay hindi rin ganoon kasimple. Hindi pwedeng sa parking lot siya sa loob ng campus maghintay kaya labas siya ng campus naghihintay.
Habang naglalakad ako ay text message naman ni nina ang binuksan ko.
Nina:
Hi Cindy! It's been days since we last saw each and I miss you already. How about spend the night in our house? Let's study together tutal next week na ang finals.
Here we go again. For the nth time, kailangan ko siyang tanggihan. The only consolation is hindi ko kailangan magsinungaling.
Ako:
Sorry Nina, hindi pwede. Alam mo naman na may pasok ako sa coffeeshop.
Nina:
Hindi ba pwede na mag-absent ka kahit ngayon lang? Pleeeeeaseeee...
Ako:
I can't. Pinayagan nila ako na mag leave next week to give way para sa finals exams kaya hindi talaga ako pwedeng mag-absent.
Nina:
Fine. But how about this weekend? Hanggang ngayon na lang naman ang trabaho mo hindi ba? I'll invite Kuya Ethan. He misses you, too. Lagi ka nga niyang tinatanong sa akin, eh.
BINABASA MO ANG
The Story of Us (Cinderella's Panty)
RomanceAng pangalan ko ay Cinderella Magpantay, labing-siyam na taong gulang. Isang simple babae na nanggaling ng probinsiya. Napunta sa Maynila upang makapag-aral. Isang gabing madilim, ang probinsyana ay naging prinsesa. Napadpad sa isang bar na pugad ng...