Jethro
Iniiwasan ako ni Eris. Ilang beses na siyang nag ca-cancel ng mga dates namin, lagi niyang sinasabi na busy siya sa studies. I understand her but she's been studying way before we started dating and it didn't stop her to see me or call me.
She's avoiding me and it's driving me crazy.
I don't know the reason why she's doing this but I need to know.
Nag punta ako sa condo niya nang hindi sinasabi sa kanya. Alam ko na kung mag text ako or tumawag ako sa kanya ay gagawa na naman siya ng mga excuses para lang maiwasan ako.
Alam kong nasa condo siya dahil kinulit ko ng kinulit ang mga pinsan niyang sila Jea at Bernice. Matigas ang pagtanggi ni Bernice at ayaw sabihin sa akin kung nasaan si Eris, mabuti nalang at hindi nakatiis si Jea at siya na mismo at nag sabi sa akin na nasa condo si Eris.
Hindi ko alam kung alam nila ang rason ni Eris at kung bakit iniiwasan ako pero mas mabuting kay Eris ko na mismo malaman para matapos na ang pag-hihirap ko.
I miss my girl.
Mukha ni Bernice ang nabungaran ko pag bukas ng pinto. The Ortegas are beautiful but Jea, Bernice and Eris are hands down the most beautiful among them.
"Hi, Bernice."
"Hello, Jethro." She nods. "What brings you here?"
"I know, Eris, is there...Jea told me."
Umirap siya at saglit tumingin sa loob. Hindi niya malaman kung anong gagawin.
"Bernice, I need to talk to Er-"
She put a hand in front of me. "I don't know why you guys are fighting, but I don't have time for this." Hinila niya ang kwelyo ng damit ko palapit sa kanya. "I am tired of seeing Eris miserable because of you. Talk to her and fix this."
"That's what I am gonna do."
Tumango siya at binuksan ng mas malaki ang pinto para papasukin ako.
"You know her room. Go."
"Thank you."
She nods.
Umalis si Bernice para bumalik ng kwarto niya. Naiwan akong mag isa at dahan-dahan nag lakad papunta sa tapat ng pinto ni Eris at kumatok.
"Bee, bukas yan pasok ka nalang." Wika ni Eris.
Binuksan ko at pinto at pumasok. Nakasandal si Eris sa headboard ng kama, nakalagay ang laptop sa kandungan. Tumingin siya sa akin at kita sa mga mata niya na hindi siya masaya pero hindi naman siya galit.
Fuck.
"Hi, honey."
"Hello." Huminga siya ng malalim. "Anong ginagawa mo dito?"
Siguro pwede akong mag pretend na okay lang ang lahat. Na pumunta lang ako kasi gusto kong makita ang girlfriend ko, pero walang normal sa kinikilos ni Eris. Okay pa kami last week bago siya biglang nanlamig.
"Gusto ko lang malaman kung bakit ako iniiwasan ng girlfriend ko?"
She sighs.
Ayun lang ang sagot niya. One week hindi kami nag kita. Kung hindi ako tatawag or mag te-text ay wala akong maririnig mula sa kanya. Kapag kausap ko naman siya ay napaka-tipid ng sagot niya na parang ayaw niya akong kausap.
"Eris, anong bang nangyayari?" My voice sounds frustrated.
She hesitates, before looking at me again.
![](https://img.wattpad.com/cover/65778743-288-k539848.jpg)
BINABASA MO ANG
Selfish
RomansBata palang si Eris Ortega ay may gusto na sya kay Jackson Prieto pero hindi nito alam ang nararamdaman nya, kaya ipinangako nya na ito lang ang mag mamay-ari ng puso nya. Okay na sana, handa ng ibigay ni Eris kay Jackson ang lahat, pero dahil sa p...