Chapter 14

1.8K 82 9
                                    

Tears

Pag katapos ng gabing mag kasama kami ni Jethro sa tagaytay ay hindi na sya nag paramdam. Halos dalawang araw na to be exact. Dalawang araw nalang din ay Prom na namin. Well, mas okay nga yun at least walang peste sa buhay ko.

"Sila ba?"

"Lagi naman iba-iba ang babae nya."

Tumaas ang kilay ko ng makita ko ang kumpol ng mga babae sa corridor. Ano na naman kayang kaguluhan ang nangyayari? Nag lakad kami nila Jea, Bernice at Jessica pababa para pumunta ng canteen dahil recess namin.

Kumulo ang dugo ko ng makita ko si Jethro habang nakasandal sa may bintana at kayakap ang isang babae.

"Aba, bago na naman."

Hindi ko pinansin ang komento ni Jea at patuloy lang tumitig kay Jethro at sa babae nya. Pumulupot pa ng yakap ang babae sa batok ni Jeth na lalong nag pakulo ng dugo ko. Ang lalandi talaga at dito pa nag landian. Sa harap ko pa!

"I thought he changed, kasi lately hindi na sya nag dadala sa bahay ng babae." Wika ni Jessica sa gilid ko.

"Sabi na nga ba isa lang sa koleksyon nya yung sinasabi nyang babae sa amin noong nakasama namin sya sa Shakey's." Wika din ni Bernice.

Patuloy lang akong nanahimik at tumitig sa nag lalandian sa harap ko. Hindi ako napapansin ni Jeth dahil busy sya sa babae nya. Nag tatawanan sila habang sobrang mag kadikit ang mga katawan.

"Ah tama, yung girlfriend nya daw na Sex Bomb." Hagikgik ni Jea.

Umiwas ako ng tingin ng kagatin ni Jethro ang tenga ng babae at tumingin sa akin. I can't believe him. Playboy talaga! Manyak! Sinungaling! I hate him!

"Let's go! Wala naman kwenta yang pinag uusapan nyo." Singit ko at unang nag lakad.

"Allergic ka talaga kay Jeth, no?" Asar ni Jessica.

Tumingin ako sa kanya. "Ayaw ko sa isang playboy, manyak, sinungaling, hinding-hindi talaga! Kaya nga si Jackson ang mahal ko dahil hindi sya kagaya ng iba!"

Nilakasan ko talaga ang boses ko at mukhang effective dahil nakuha ko ang atensyon ni Jethro. Sinundan nya ako ng tingin hanggang sa makalampas kami sa kanila. Nag katinginan pa kami ng babae. Tingin-tingin ka dyan? Dukutin ko kaya yang mata mo para sumaya naman ako!

Pag dating ng hapon ay practice na ng Cotillion. Ang totoo ay mas nag eenjoy pa ako kapag Rigodon ang sayaw namin dahil hindi si Jethro ang ka-partner. Sumulyap ako sa kanya sa gilid ko. Nakatingin sya kay Sir Cess habang nag papaliwanag ito sa unahan. Agad akong lumihis ng tingin ng bumaling sya sa akin.

"Hold your partners!" Sigaw ni Cesar.

Wala akong nagawa kundi ang ibigay ang kamay ko kay Jethro. Pag dampi palang ng mga balat namin ay parang napaso na agad ako.

Tumaas ang kilay ko ng mag umpisa ang sayaw. Tahimik si Jethro kaya tahimik din ako. Pasulyap-sulyap ako sa kanya kapag hindi sya nakatitig sa akin pero minsan ay nag ta-tama ang mga mata namin.

"Wag ka ngang tumitig." Sita ko ng makita ko ang titig nya sa akin dahil pakiramdam ko ay nababasa nya ang nasa isip ko. Naiilang ako.

"Why? Naiilang ka?" Ngiting aso nya.

Nairita ako pero pinigil ko ang sarili ko. Wala talaga syang magandang dulot sa akin.

"Oo, buti alam mo." Irap ko.

"Kanina...ako ba yung pinaparinggan mo?"

"Ay hindi ba obvious?" Sarcastic kong sagot.

Tumawa sya at binasa ang labi. Umiwas ako ng tingin. Fuck!

SelfishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon