Chapter 12

1.6K 78 15
                                    

Letting go

Sinamaan ko sya ng tingin. Akala nya ba na bebenta sa akin ang mga sinasabi nya? Hindi ako tanga. Sinasabi nya lang yung kanina sa harap ko para mapaniwala ako pero, hindi naman ako naniniwala kaya useless lang.

"Jethro tigilan mo, hindi ako naniniwala!" Irap ko at nag cross arms.

Tumawa lang sya at hinawakan ang kamay ko saka pinag hahalikan. Ang manyak mo talaga!

"Bitaw nga! Namimihasa ka huh!" Hinigit ko ang kamay ko pero muli nyang kinuha.

"This hand is mine remember? Ang labi mo, katawan mo...akin yun lahat." Nguso nya.

Umirap ako at hinarap sya. Kung makaakin akala mo pumayag ako huh. Sa pag kakaalam ko hindi naman ako nag salita, ikaw lang itong assuming talaga. Tumingin ako sa kanya na titig na titig sa akin na parang pinag aaralan ako.

"Jeth, stay away from my cousins." Utos ko.

Basta kahit sino wag lang pamilya ko. Tumawa sya ng mahina at tumango.

"Opo, lalayo ako pero wag mong asahan na pati sayo lalayo ako."

"Kung lalayo ka sana dati pa. Basta kapag tapos ng larong ito, lumayo kana."

Tumango sya. "Oo, after this game tapos na ang pag habol ko sayo."

Nakita ko ang sensiridad sa mata nya habang sinasabi yun sa akin. Pag katapos namin mag usap ay ibinalik na nya ako sa bahay. Pag higa ko sa kama ay hindi mawala sa isip ko ang pinag usapan namin ni Jethro.

After our game, he'll forever be out of my life. I can't wait that to happen. Nakatulog ako na yun ang nasa isip ko. Pag dating sa school ay naging busy din ako. Sunod-sunod ang mga quizzes ko. Aligaga naman ang council sa pag aayos ng covered court para sa Prom.

"Bernice, chill lang." Wika ko.

Tiningnan ako ng pinsan ko. She looks stress and I can't blame her. Nakakapagod talagang mag handle ng isang event.

"Paano ako mag chi-chill? Eris, Isang linggo nalang Prom na. Hindi pa kami tapos!"

Hinilot pa nya ang noo. Kinurot ko ang pisngi nya at hinalikan. Nakita ko ang grupo ng mga lalaki na pinag titinginan kami. What? Ngayon lang nakakitang ng mga babaeng nag lalambingan? Inggitero much!

Hinila ko na si Bernice sa canteen dahil nauna na sila Jessica at Jea. Agad sumilay sa labi ko ang isang ngiti ng makita kong nandoon ang grupo nila Jackson. Narinig ko pa ang pag buntong hininga ni Bernice sa gilid ko.

"Hi Jack." Bati ko ng makalapit.

Tumayo si Jackson at ipinag hila ako ng upuan. " Here, tabi tayo."

"Okay." Ngiti ko. Fuck! Kinikilig ako.

Nag uusap kami habang nag order naman sila Ariel at Sebby. Naiwan sa table si Jessica, Jea, Peiro at Bernice pati kaming dalawa ni Jackson.

"Eris, sa cotillion ay alam kong si Jeth ang ka-partner mo pero sa prom, pwede bang ako naman?"

"Huh?"

Natutuliro ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Nag init ang pisngi ko ng pasimple nyang hawakan ang kamay ko. Nakita ko ang pag bungisngis ni Jea habang sinisiko si Jessica.

"Can you be my date?"

Halos matunaw ako sa kinakaupuan ko dahil sa init ng titig ni Jackson. Hindi ko napapansin ang mga tao sa paligid at sa kanya lang nag focus.

"Yes, Jackson." Tumango-tango ako.

Sumilay ang isang ngiti sa labi nya at parang dinadala ako sa langit. Isang ngiti nya lang ay sapat na para gumanda ang tingin ko sa paligid. Oh my...Jackson.

SelfishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon