I don't give a fuck
Nakaharap ako sa malaking salamin sa loob ng CR sa school namin. Katabi ko si Jea at busy sya sa pag pupulbos ng mukha. Wala kaming teacher kaya malaya kaming nakakalabas ng classroom.
"Jea, pahinging pulbo."
"Here oh." Inabot nya sa akin at nag patuloy sa pag lalagay sa mukha nya.
"Kamusta yang kalmot mo?" Tanong nya pa.
"Okay na, hindi na mahapdi pero baka mag peklat." Maktol ko.
"Pero nakuha mo naman ang goal mo, nag moment kayo ni Jackson." Tatawa-tawa pa sya.
Napangiti ako. Kapag naaalala ko talaga ang pag hawak ni Jackson sa akin at ang pag aalala nya ay talagang kinikilig ako.
May mga ilan pang pumasok sa CR at nag salamin. Ang isang Grade 10 ay nag baba ng tingin ng mag tama ang mga mata namin. Nag lagay ako ng pulbo at ng matapos ay lumabas na rin kami ni Jea.
"Cotillion na naman mamaya..."
Tumingin ako sa kanya habang nag lalakad kami. Huminga ako ng malalim dahil makikita ko na naman si Jethro! Kumulo ang dugo ko ng maalala ko ang pag halik nya sa babae nya.
"Bakit ganyan ang mukha mo?" Pukaw ni Jea.
"Alin?" Nagugulahan ako sa tanong nya.
"Nakabusangot ka?"
"Hi Jea!" Tumingin pa sya sa classroom na nadaanan namin. Nakita namin ang dalawang lalaking nasa tapat ng bintana. Kumaway si Jea at ngumiti. She's friendly at minsan dense.
"Nag tatanong ka pa, malamang makikita ko na naman si Jethro. Bakit naman kasi sa kanya pa ako na partner!"
Tumawa sya at tinusok ang pisngi ko. Inirapan ko sya dahil mukhang masaya pa sya sa pag durusa ko.
"Eris, three weeks nalang naman, almost two na nga lang kasi naka ilang araw na tayo sa practice bago ang prom kaya tiisin mo nalang. Malapit na rin naman matapos ang pag hihirap mo."
Bumuntong hininga ako. "Ano pa nga bang magagawa ko."
Si Jethro kasi itong pinag uusapan namin. Wala pa akong narinig na maganda tungkol sa kanya at sa tuwing makikita ko naman sya ay palagi syang may kasamang babae. Kaya kahit kailan ay hindi ako maniniwala na mahal nya ako.
Tumaas ang kilay ko ng mahagip ng mata ko ang isang babae. Pasalubong sila sa amin ng kasama nya at mukhang papuntang CR. Nag tatawanan sila.
"Karla, mag kwento ka pa." Kinikilig na wika ng katabi ni Karla.
"Ayun nga, nag halikan kami, ang sarap ng labi ni Jeth."
Humalukipkip ako at patuloy ang pag irap habang nag lalakad. Oh really?
Tinapik ako ni Jea sa braso kaya sa kanya na punta ang atensyon ko. Sumulyap pa ako kay Karla ng makalapas sya sa akin. Suit yourself, girl, isa ka lang sa mga babae ni Jethro.
"Eris, mamayang gabi may gig kami, maaga akong uuwi, kayo nalang nila Bernice ang mag sabay."
"Okay, pupunta naman kami, mandaluyong diba? Bat ang layo?" Naningkit ang mata ko ng makita ko ang grupo nila Peiro sa tapat ng classroom namin.
"Ewan ko ba kela Nick, ang lalayo ng kinukuhang gig, sasabihan ko nga na sa malapit nalang, alam mo naman si Kuya Luke, laging beast mode."
Napahinto kami sa pag uusap ni Jea ng makalapit kami sa classroom. Hinarang kami ng grupo nila Peiro. Tumaas ang kilay ko ng akbayan ako ni Sebby. Isa sya sa mga grade 12 na sikat din sa mga girls dahil gwapo, maputi at boy next door ang dating.

BINABASA MO ANG
Selfish
RomansaBata palang si Eris Ortega ay may gusto na sya kay Jackson Prieto pero hindi nito alam ang nararamdaman nya, kaya ipinangako nya na ito lang ang mag mamay-ari ng puso nya. Okay na sana, handa ng ibigay ni Eris kay Jackson ang lahat, pero dahil sa p...