Jethro
Napamulat ako ng mata dahil sa sinag ng araw. Tumingin sa relo para alamin ang oras. 8 in the morning. Nag unat ako ng katawan mula sa pag ka-kaupo sa driver's seat. Kinuha ko rin ang cellphone ko para tingnan kung sino ang mga tumawag or nag text.
4 missed calls from Mama
5 missed calls from Jessica
Hindi ako nag palipas ng gabi sa bahay dahil sa nangyaring disaster sa pag dating ni Manuel. Hindi dahil natatakot ako sa sasabihin ng pamilya ko. Gusto ko lang mag palipas ng init ng ulo ng malayo sa kahit na sino.
Pinaadar ko ang sasakyan at tahimik na nag drive. Pag dating sa tapat ng bahay ay bumaba ako para buksan ang malaking gate saka tahimik na pumasok. Sa kusina ako dumiretso para uminom ng tubig at mag timpla ng kape.
"Where have you been?"
Napatingin ako sa bagong dating na si Jackson. Naka-hubad baro pa siya, walang tattoo sa katawan at naka-jersey shorts. Naiinis ako sa pag mumukha ng kakambal ko, mabuti nalang talaga at hindi kami mag kamukha dahil mas gwapo ako sa kanya.
Muli kong ibinalik ang tingin ko sa tasa ng kape at humigok roon bago ko siya sagutin. "It's none of your business, Jack."
"Nag-aalala si Mommy at Daddy sa'yo."
"Hindi pa ba sila nasanay?" Ngisi ko.
Umiling-iling siya saka gumawa ng sariling kape. "Hindi ka dapat nag papaapekto kay Grandpa, because if you do, talo ka."
Huminto ako sa pag inom ng kape at tiningnan siya ng masama. "Oh talaga?" Umpisa ko. "Unlike you, I am not a puppet."
Mabilis akong sinunggaban ni Jackson at kinuha ang kwelyo ko. Natabig ang kape at nabasag ang tasa. Ngumisi ako ng mapang-asar sa kapatid ko. I like him when he's angry and uncontrollable, it means he's not perfect.
"Nasusuka ako sa pa-good image mo." Hirit ko pa. "Stop it and show your true color, Jackson."
"Wala akong dapat patunayan sa'yo." Sagot niya. "I am not as immature as you, Jethro."
"Fuck you!" Tinulak ko siya dahilan para mabitawan niya ako.
Akmang susuntukin ko siya ng marinig namin ang malakas na boses. "Nag-aaway ba kayo?"
Tumingin kami sa may entrance ng kusina kung saan nakatayo ang may-ari ng boses. "No, Dad." Dueto namin ni Jackson.
Miguel Prieto is an authoritative man. Kapag nasa malaking crowd siya ay mapapasin mo agad siya, mas lalo mong mararamdaman ang pagiging authoritative niya kapag nag salita na siya. Pumagitna siya sa amin ni Jackson at tiningnan kaming dalawa. Halos parehas lang ang height namin tatlo kaya talagang walang takas ang mga tingin niya sa amin.
"Ayusin niyo ang mga sarili niyo, mag kapatid kayo, kambal, kapag nakita kayo ng mommy niyo ng ganito kayo sa tingin niyo matutuwa siya?" Seryoso at nakakatakot ang boses na wika ng padre de pamilya. "I don't want this to happen again." Turo niya sa akin at kay Jackson. "Do you understand?"
"Yes, Dad." Sagot namin ni Jackson.
Saglit pa niya kaming tiningnan ng seryoso bago muling nag salita. "Linisin niyo yang nabasag niyo, at ayoko ng mauulit pa na mag-aaway kayo lalo na sa pamamahay ko."
Tahimik lang kaming gumalaw ni Jackson at ng umalis si Daddy ay muli kaming tumingin ni Jackson ng masama sa isa't-isa.
Lumipas ang ilang araw na hindi nag paramdam si Manuel sa amin. Unti-unti ng bumalik sa normal ang pamumuhay ko.

BINABASA MO ANG
Selfish
RomanceBata palang si Eris Ortega ay may gusto na sya kay Jackson Prieto pero hindi nito alam ang nararamdaman nya, kaya ipinangako nya na ito lang ang mag mamay-ari ng puso nya. Okay na sana, handa ng ibigay ni Eris kay Jackson ang lahat, pero dahil sa p...