Wish Granted
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at pumayag ako sa gusto ni Jethro. Kahit na alam kong hindi sya mapag-kakatiwalaan, ay nakita ko nalang ang sarili ko dito sa labas ng bahay namin habang nag lalakad papunta sa may kabilang kanto.
Saglit akong napahinto nang makita ko ang sasakayan ni Jethro.Huminga ako ng malalim bago ako mabilis na nag lakad at sumakay.
"Jethro, saan ba tayo pupunta?" Tanong ko pag katapos nyang paandarin ang sasakyan.
"Eris basta."
Umirap ako. "Saan nga kasi muna?"
Sumulyap sya sa akin. "Bakit ang dami mong tanong? Takot? Honey, I'll handle you with care."
Kumulo ang dugo ko ng kindatan nya ako saka tumawa. Kapal muks talaga!
"Anong handle you with care? In your face! Manyak ka talaga! Nako, sinasabi ko na sayo na hindi ako kagaya ng mga babae mo! Siguro dadalhin mo ako sa liblib na lugar tapos doon mo gagawin ang kahalayan mo! I knew it! Katawan ko lang ang habol mo kasi manyak ka!"
Tumawa sya ng malakas na halos maiyak na. Gago!
"Eris, what are you saying? Mag de-date lang tayo and seriously, liblib na lugar? Hindi ako cheap!"
"Heh!" Singhal ko.
Umiwas ako ng tingin at kinalma ang sarili. Fuck! Nag mukha ata akong assumera?
"You're too advanced. We will probably make love when you turned eighteen. Just chill." Tatawa-tawa pa sya.
"Arghhhh! Manyak!"
Halos umusok ang ilong ko sa galit. Pinag susuntok ko ang matigas nyang braso pero walang epekto. Mas ako pa nga ang nasaktan. Inis na inis din ako sa sexy nyang tawa.
"Wag ka ngang tatawa-tawa dyan! Manyak!" Irap ko.
"Eris, that's what couple's do to show their love for each other."
"I don't love you!"
Tumingin sya sa akin. "But I do. I love you and I will wait for you. Sa tagal ko ng nag hihintay ngayon pa ba ako susuko?"
"Shut up!" Nag init ang pisngi ko.
Pinag hahampas ko sya sa braso at sa inis ko ay hinablot ko ang buhok nya.
"Eris, masakit! Damn!" Sigaw nya.
"Dapat lang yang sayo!"
"Aray! Baka bumangga tayo!"
"Heh! Manyak!" Pinag buti ko ang pag sabunot.
Hinawakan nya ang wrist ko para alisin at sa lakas nya ay wala akong nagawa kundi ang sumuko. Tatawa-tawa pa si Jethro. Gupitin ko yang gwapo mong mukha! Akala mo maganda ang ngiti mo? Di kaya!
Parang kanina lang ay hindi kami mag kaintindihan. Kanina lang ay halos mairita ako sa kanya tapos ngayon okay na kami? Weird pero hindi ko na nga maalala kung anong pinag talunan namin kanina.
"Jeth, buksan ko yung bintana huh."
Binuksan ko ang bintana at inilabas ang kamay ko. Ramdam ko ang lamig ng hangin sa balat ko. Alam ko kung anong klaseng hangin ito. Sure akong pa tagaytay kami.
"Nag paalam ka ba na aalis?" Tanong nya.
Umiling ako. "Nag paalam ako kay Ate Erika kasi wala pa sa bahay sila Mama at Papa."
"I'll text Tito para alam nila na safe ka kasi ako ang kasama mo."
"Baka safe ako." Sarcastic kong sagot.
BINABASA MO ANG
Selfish
RomanceBata palang si Eris Ortega ay may gusto na sya kay Jackson Prieto pero hindi nito alam ang nararamdaman nya, kaya ipinangako nya na ito lang ang mag mamay-ari ng puso nya. Okay na sana, handa ng ibigay ni Eris kay Jackson ang lahat, pero dahil sa p...
