Eris
"Sis, sino yung gwapong yun?" Tanong ni Ryan habang nag lalakad na kami pabalik sa labas kung saan maingay at maraming tao.
Umirap ako. "Isang baliw na lalaki na pahirap sa buhay ko!"
"So, siya yung reason kung bakit hindi mo pinapansin ang pag papacute ni Gary sa'yo?" Hinayaan niya lang akong hilahin siya sa braso. "Eris, hindi kita masisi sobrang gwapo niya kaya!"
"Stop fantasizing about him."
"Bakit? Selos ka?" Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming nag lakad saka niya inilagay malapit sa tenga ko ang bibig niya. "Akala ko talaga kanina mag me-make out na kayo, ang lakas ng sexual tension."
"Ryan!"
Tumawa pa siya habang ang pula naman ng mga pisngi ko. Totoo ang sinabi niya. Siguro nga kung hindi siya umepal sa amin ni Jethro kanina ay baka nag halikan na kami.
Fuck, I need to stop myself from thinking about Jethro.
Pag balik namin sa labas ay agad akong hinatak nila Bek sa dance floor. Mahilig akong mag sayaw kaya sumama na ako sa kanila. Nag patay malisya pa ako na hindi ko nakikita si Jethro kahit na sa buong durasyon ng party ay ramdam ko na panay ang tingin niya sa akin.
Nang mapagod ay bumalik na ako sa table kung saan nakatambay sila Jea, Bernice at iba pa naming kaibigan. Hindi ko pa nakikita si Jessica.
"Eris, hinahanap ka ni Jethro kanina." Bungad ni Jea sa akin.
Uminom ako sa hawak na red cup na may laman na beer bago sumagot. "Nag kita nga kami." Hinilot ko pa ang noo ko. "Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa lalaking yun."
"Oo nga, muntik na nga silang mag make out." Singit naman ni Ryan. "Ex ba ni Eris ang poging yun?"
Agad akong humarap kay Ryan para hampasin siya sa braso. Tumawa pa si Jea at Loisa. Nag paalam naman si Bernice na pupunta sa kitcken para kumuha ng pag-kain dahil kanina pa daw siya nagugutom.
"Aray ko naman sis!" Hinimas ni Ryan ang braso niya. "Ang bigat ng kamay mo huh, nag tatanong lang naman ako."
Hindi ako sumagot kaya si Jea ang sumagot. "Yup, ex ni Eris si Jethro."
"Bakit sila nag break?"
"Kung mag usap kayo parang wala ako sa harap niyo ah!" Reklamo ko.
Lumapit pa si Ryan kay Jea para mas mag karinigan sila. Pinulupot naman ni Loisa ang braso sa braso ko.
"Okay ka lang?"
Tumingin ako kay Loisa. "Oo, bakit naman hindi ako magiging okay?"
"Kanina pa nakatingin si Jethro sa'yo. Halos ikaw na nga lang nakafocus."
Conflicted ako. Una dahil naiinis ako kay Jethro pero at the same time ay parang may mga butterfly na umiikot sa loob ng tyan ko sa nalaman na sa akin lang naka-focus ang buong atensyon ni Jethro, because deep inside, I'm selfish when it comes to him. Ayoko ng may kahati.
"I don't care..." Muli akong uminom ng beer sa hawak na red cup.
Tumawa si Loisa. "Keep saying that to yourself, Eris."
Inirapan ko lang siya at muling uminom. Nilamon kami ng ingay ng paligid at music mula sa dj. Nang medyo tipsy na ako ay saglit kong nakalimutan ang tungkol kay Jethro. Nag sayaw lang ako ng nag sayaw at uminom hanggang sa malasing ako.
Kasama ko ang mga pinsan ko at mga kapatid ko kaya alam kong safe ako. Start na rin ng bakasyon kaya dapat lang na sulitin ko.
Halos sumabog ako habang mabilis na nag lalakad. Papunta ako sa court ng village namin dahil nalaman ko mula kay Rob na doon ko makikita si Jethro. Pag dating ko ay rinig ko agad ang mga pag kiskis ng mga sapatos sa sahig, mga sigawan at ang talbog ng bola.

BINABASA MO ANG
Selfish
Storie d'amoreBata palang si Eris Ortega ay may gusto na sya kay Jackson Prieto pero hindi nito alam ang nararamdaman nya, kaya ipinangako nya na ito lang ang mag mamay-ari ng puso nya. Okay na sana, handa ng ibigay ni Eris kay Jackson ang lahat, pero dahil sa p...