Chapter 30

2.2K 74 18
                                    

Eris

Pagkatapos naming mag trailing ni Jethro ay umuwi na rin kami. Naabutan ko pa si Ate Erika sa sala na nanunuod ng Ci Channel habang hawak ang mug niya at prenteng nakaupo sa mahabang sofa.

"Eris, bakit parang latang-lata ka?" Tanong ni Ate Erika pag lapit ko.

"Nag trailing kami ni Jeth, medyo nabigla ang katawan ko."

"Healthy-buff na rin ang peg mo?" Tatawa-tawa pa siya habang nakataas ang isang kilay sa akin.

Umirap din ako. "I'm just supporting my boyfriend."

Tumawa at umiling-iling pa si Ate Erika pero hindi na niya ako sinagot at tumingin nalang sa pinapanuod. Pumunta naman ako sa kusina para kumuha ulit ng malamig na tubig sa ref. Nag ayos na rin ako ng gagamitin pang-luto.

"Ate, sinangag at itlog, hotdog ba gusto mo?" Tanong ko mula sa kusina. "Mag luluto na ako now."

"Sige! Damihan mo yung hotdog ah!" Sagot niya naman.

Habang nag luto ay tinanong ko pa si Ate Erika kung gusto niyang sumama sa birthday party ni Kevin.

"What time ba kayo pupunta?" Tanong ko ng nasa hapag na kami.

Inayos muna ni Ate Erika ang mga plato sa lamesa bago sumagot. "Hindi ko pa alam, tanong ko kay Aria. Kayo ba what time?"

"Hapon kami susunduin ni Jethro dito sa bahay."

"Mag kita nalang tayo sa party."

Tumango ako. "Sige."

Iniwan ako saglit ni Ate para gisingin na sila Mama at Papa. Panay ang punas pa ni Kuya Edward ng mata pag pasok ng kusina.

Umirap pa ako dahil hubad-baro na naman. "Kuya, mag damit ka nga!"

"Mamaya na saka sa ganda ng katawan ko di dapat tinatago yan." Ngisi niya sabay kuha ng pitsel saka nilagyan ng tubig ang baso niya.

"Good morning mga anak." Wika ni Mama saka ako hinalikan sa tuktuk ng ulo ko ganun kay Kuya Edward.

"Good morning, Ma!" Dueto namin ni Kuya. Nakasunod lang sila Ate Erika, Ryan at Papa.

Nang kumpleto na kami at nag dasal muna kami at sabay-sabay ng kumain.

"Asan si Meng?" Tanong ni Mama.

"Lumabas, nag paalam sa akin kanina, may kikitain siyang kaibigan daw." Sagot ni Ate Erika.

"Pa, gagamitin mo ba kotse mo?" Tanong ni Kuya Edward. "Coding kasi ako, hiramin ko sana."

"Aalis kami ng Mama mo," Nalukot ang mukha ni Papa. "Pupuntahan namin yung bahay natin sa Laguna, nag ka problema sa linya ng kuryente."

May paupahan kami sa Laguna mga six unit iyon at building type ang itsura na puro kwarto.

"Ikaw, Eris?" Baling sa akin ni Kuya.

Saglit akong nag-isip. "Hindi ko sure pero sunduin kami ni Jethro dito mamaya."

"Anong meron?" Tanong ni Ryan sa tabi ko.

"Birthday ni Kevin, may party mamaya."

Nag liwanag ang mukha ni Ryan. "House party?"

"Yes." Tumango ako.

"Kailangan pala nating mag ready." Excited na pumalapak pa si Ryan. "Mag de-dress ako."

Tumawa si Ate Erika at Mama. Si Papa at Kuya naman ay nabulunan at sabay pang uminom ng tubig.

"Sige lang friend kung saan ka masaya suportahan kita."

SelfishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon