Jethro Marcus Prieto
Panay ang sigaw ko kapag nakaka-shoot ng bola ang team mula sa school namin. Pati ang mga students ng Southernside Montessori School ay todo suporta rin. Ang hawak kong pompoms ay winawagayway ko kapag nakikita kong hawak ni Jackson my labs ang bola.
Grade 7 na ako ngayon at grade 8 naman si Jackson. Isa rin sya sa pinakasikat na player ng school namin kasama ang mga pinsan at kapatid ko.
"Go! Jackson! Shoot the ball for me!" Tili ko.
Nag jump shot si Jackson at nag sigawan ang mga tao. Ang kalaban school namin ay ang South Crest School. May isang dance routine kaming ginawa ng mga kasama kong cheerleaders pag katapos ng score ng mahal ko.
Nakuha ng pinsan kong si Stefan ang bola mula sa kalaban kaya muling umingay ang paligid. Napatingala pa ako sa taas dahil panay ang sigaw ng mga pinsang kong babae ng maka-score si Stefan.
"Galing mo!" Sigaw ng pinsan kong si Bernice sa kapatid nya at pumalakpak pa.
Muli kaming nag cheer ng mga kasama ko ng maka-score naman si Ash na pinsan ko rin. Sinuntok nya ang sahig at lalong nag sigawan ang mga tao.
"Ash, pasikat!" Tumawa ako ng malakas.
Sa buong durasyon ng laro ay namayagpag ang team namin, kami ang nanalo sa laro laban sa South Crest School.
Kinuha ko na ang bagpack ko para puntahan ang mga pinsan ko pag katapos kong mag paalam sa kasama ko.
Hindi mahirap hanapin ang mga pinsan ko. Bukod sa marami kami ay pansin din ang taglay na ganda ng lahi namin. We-Ortega's have these Chinito-Mestizo features. Nagiging brownsh din ang kulay ng buhok namin sa araw except Jea, itim kasi ang buhok nya dahil mana sa mother nya na itim ang buhok.
"Hi, Eris!" Bati sa akin ng isang schoolmate na lalaki.
Kumaway ako at ngumiti. Namula ang pisngi ng lalaki at kinamot ang ulo habang pinag tutulak naman ito ng mga kasama nito.
"Nginitian ka ni Eris." Ngisi ng isa.
"Ganda talaga."
Nalagpasan ko na sila kaya hindi ko na narinig pa ang ilang sa pag uusap nila. Pag labas ko ng gym ay nakita ko ang mga pinsan ko. Katabi ni Jea si Bernice at nag uusap sila. Si Stefan ay nag pupunas ng likod gamit ang isang face towel habang suot pa rin ang jersey nya. Si Ash at Kuya Edward ay nag haharutan at kunwaring nag susuntukan. Ang mag kapatid na Luke at Raiden ang naka squat at tatawa-tawa sa ginagawa nila Ash at Kuya.
Pinag titinginan sila ng mga babae at lalaki. Partida at wala pa ang mga pinsan kong sila Aria,Luisa, at ang ate kong si Erika.
"Eris! Panalo tayo!" Bungad sa akin ni Bernice pag lapit ko.
"Wala naman bago doon," Lumingon ako sa paligid. "Nakita nyo si Jackson?"
Jea rolled her eyes. "Jackson pa rin?"
Ngumiti ako ng matamis. Alam nila ang pag-ibig ko kay Jackson at supportado nila ako, syempre pinsan nila ako. Nilibot ko pa ang mata pero wala parin akong Jackson na nakita.
Asan ba ang asawa ko?
"Nakasalubong ko kanina, I went to canteen." Sagot naman ni Bernice.
"Punta tayong canteen." Yakag ko sa kanila at hinila ang mga kamay nila pero nag salita agad si Luke kaya napatigil kami.
"Saan kayo pupunta?"
"Aalis na tayo, hinihintay lang namin sila Ricos, Danick and Gavin, may binili lang sa canteen." Dagdag ni Stefan.
BINABASA MO ANG
Selfish
RomanceBata palang si Eris Ortega ay may gusto na sya kay Jackson Prieto pero hindi nito alam ang nararamdaman nya, kaya ipinangako nya na ito lang ang mag mamay-ari ng puso nya. Okay na sana, handa ng ibigay ni Eris kay Jackson ang lahat, pero dahil sa p...