Eris
Two days after we settle things, Jethro and I decided to go on a date pero hindi dinner date. Hindi naman kasi kami yung klase ng couple na mahilig kumain sa magagandang resto. That's not our thing.
Instead, we choose to go to the mall and watch a movie. Nag laro din kami ng basketball sa Xsite at nag pataasan ng score, just like when we were in high school.
Sa two days na mag kasama kami hindi ko expected na magiging smooth ang lahat sa pagitan namin. Hindi kami nag tatalo-okay nag tatalo kami pero natural na sa amin yun. Kapag hindi kami nag talo ibig sabihin ay may mali.
Kagaya nalang noong nanuod kami ng movie, hindi namin alam kung anong papanuorin namin kaya halos thirty minutes din naming pinag-talunan kung sino ang masusunod at syempre ako iyon.
Bigla ko tuloy naalala yung mga panahon na galit ako sa kanya, alam kong hindi na dapat ako mag tiwala pero sa nangyayari naman sa relasyon namin ngayon ay mukhang magiging maayos naman ang lahat.
Jethro has gone above and beyond to prove how much he regrets what happened and how sincere he is about starting over again. At hindi ako nag sinungaling ng sabihin ko na bibigyan ko siya chance kasi sa nakikita ko ay tama naman ang naging desisyon ko.
"Asan na ba si honey?"
Inirapan ko si Ryan dahil sa sinabi niya. Nasa kusina kami habang nag luluto ako at siya naman ay nakatutok sa laptop niya at nag fe-facebook.
"Stop calling him honey cuz he's not your honey."
Ngumiti lang siya at maarteng tumayo at hinarap ako. "Possessive much?"
"Shut up, ayusin mo na nga lang yung mga plato dahil tapos na akong mag luto, tatawagin ko lang sila at kakain na tayo."
"Yes, boss."
Inilapag ko ang hawak na sandok at pumunta na sa sala para tawagin sila Ate Erika at Meng.
"Ang bango, Eris." Pumikit pa si Meng at inamoy ang luto ko. "Teka, tatawagin ko lang sila Mama at Papa mo."
"I'm so glad you're here, na miss ko talaga luto mo, Ris," Sabi pa ni Ate Erika saka kumuha ng mangkok para mag sandok ng ulam.
"Na miss ko rin talaga mag luto, sa condo sa Manila di ako nakakapag luto masyado."
Tumabi ako kay Ate Erika ng umupo siya. Si Ryan naman ay nag timpla pa ng juice bago tuluyang umupo sa tabi ko. Ang malakas na boses nila Kuya Edward at ng mga pinsan namin ang sumalubong sa amin.
Kakagaling lang nilang mag laro ng basketball sa court ng village kaya mga pawisan sila at mukhang gutom na gutom na.
"Sakto pala dating natin, nag luto si Eris!" Ang lawak pa ng ngiti ni Kuya Edward pag upo.
"Kare-kare pa, favorite ko yan." Wika ni Ash at umupo sa kabilang side, ganun din sila Danick at Stefan.
Nabaling ang atensyon ko kay Ryan ng bumulong siya sa akin. "Eris, ang ga-gwapo ng mga pinsan mo. Wala bang pumapatol sa kanila?"
"Ryan, walang gay sa mga pinsan ko." Saglit akong nag-isip. "Actually, I'm not sure, you can try Ash malay mo makalusot." Kumindat pa ako sa kanya.
"Really?" Nag liwanag naman agad ang mukha ni Ryan saka tumingin sa pinsan ko na umiinom ng juice habang nakapikit pa na parang nasa isang tv commercial.
Gusto kong tumawa ng malakas pero pinigilan ko lang. Dumating na rin kasi ang parents ko at si Meng kaya sabay-sabay na kaming kumain.
"Boys, may paliga pala ngayong week, sumali kayo." Wika ni Papa habang nasa hapag kami at kumakain.

BINABASA MO ANG
Selfish
RomanceBata palang si Eris Ortega ay may gusto na sya kay Jackson Prieto pero hindi nito alam ang nararamdaman nya, kaya ipinangako nya na ito lang ang mag mamay-ari ng puso nya. Okay na sana, handa ng ibigay ni Eris kay Jackson ang lahat, pero dahil sa p...