Chaos
Ang buong durasyon ng Saturdate namin ni Jethro ay napunta sa pag tatalo namin. May sasabihin sya na hindi matanggap ng paniniwala ko. We don't live in the same world yun ang napansin ko.
Isa pa sa kinaiinis ko ay mga babaeng panay ang tingin sa kanya. Everytime I see someone's flirting with him I feel like I want to punch the girl's face. Nakakainis lang talaga! Kaya sa kanya ko binubuton ang inis ko.
Quota na nga ako kakahampas sa braso nya, kakasipa sa binti nya, kakakurot sa tagiliran nya. Bakit kasi biniyayaan pa sya ng magandang katawan at gwapong mukha tapos ang lakas pa ng dating sa mga babae. Naiinis ako!
"Eris, di ako pwede sa Saturday marami akong gagawin. Ask Jea or Jess." Wika ni Bernice.
Nag lalakad kami sa corridor pabalik ng classroom dahil nag CR kami. Umirap lang ako sa kanya. Gusto ko kasing manuod ng Batman v Superman: Dawn of Justice. Pero wala pa akong nakukuhang kasama.
"Ano bang gagawin mo? Di pwede si Jea may practice sa banda, si Jess naman di ko mahagilap may date siguro."
Tumingin lang sa akin si Bernice. Nag puppy face ako sa kanya at ipinulupot ang kamay sa braso nya. Konting lambing lang ay alam kong papayag sya.
"Hi, Eris." Kaway sa akin ng isang lalaking hindi ko kilala.
Ngumiti lang ako. Nag apir pa sila ng kasama nyang lalaki.
"Hi Bernice." Wika naman ng kasama nito.
Nag katinginan kami ni Bernice. Kumaway ang pinsan ko at halos mangisay sa kilig ang lalaki. Hay boys. Pag lagpas namin sa kanila ay nawala na agad ako existence nila sa buhay ko. Muli kong hinarap si Bernice.
"Nice, ano na?" Pangungulit ko.
Lumingon sya sa akin. "Bibili ako ng materials para sa pag aayos sa prom."
"Bakit ikaw? Diba dapat Treasurer ang gumagawa nyan? Vice ka?"
Sunod-sunod ang tanong ko. Bumuntong hininga ang pinsan ko at kumibot ang labi. Mukhang stress na rin sya sa mga ginagawa nya. Pag pasok namin sa classroom ay pinag tinginan kami.
"May family problem sya, I need to take in charge dahil madami din ginagawa ang President."
Tahimik kaming umupo sa mga silya namin. Nag ipit si Bernice ng buhok kaya nahantad ang heart shape nyang mukha bago sya muling humarap sa akin.
"You know what, I suddenly realize how worthless this position, being the second choice..."
"Then be the president next year." Sagot ko naman.
"I will." Tumango-tango pa sya.
In the end ay hindi ko napilit si Bernice na sumama sa akin sa Saturday. May pasok din kasi si Ate kaya hindi ko mayaya. Nakaupo kami sa canteen at kumakain ng makita ko ang pag pasok ng grupo nila Jackson. Agad tumambol ang puso ko sa saya.
Nakita ako ni Sebby kaya tinapik nya si Jackson sa balikat at binulungan. Agad humarap si Jackson sa side ko saka ngumiti ng makita ako. Ngumiti rin ako at inilagay ang buhok sa tenga. Fuck, kinikilig ako.
"Eris, they're coming." Wika ni Jea at siniko ako.
Pag lapit nila Jackson ay pinigil ko ang ngiting kanina pa gustong sumilay sa mga labi ko. Kapag nakikita ko talaga si Jackson or kahit maisip ko lang ay talagang ibang klaseng pakiramdam ang dumadapo sa akin. Lahat ng tungkol kay Jackson ay maganda sa paningin ko. I adore him.
"Hi Eris." Bati ni Jackson akin.
"Yiee!" Asar ni Sebby.
Ngumiti ako. "Hello Jack, kakain din kayo?"

BINABASA MO ANG
Selfish
RomanceBata palang si Eris Ortega ay may gusto na sya kay Jackson Prieto pero hindi nito alam ang nararamdaman nya, kaya ipinangako nya na ito lang ang mag mamay-ari ng puso nya. Okay na sana, handa ng ibigay ni Eris kay Jackson ang lahat, pero dahil sa p...