Chapter 4

2.2K 130 14
                                    

I love you

Ilang araw na simula ng mag umpisa ang practice ng sayaw para sa prom. Nag hahati ang dalawang teacher namin na sila Miss Cindy at Cesar sa gym. Minsan ay unang mag paparactice ang grade eleven para sa regodon at sunod naman ay grade twelve para sa swing at buong araw naman ang cotillion.

"Yes! Cotillion na!" Excited na wika ng isang classmate ko.

Umirap ako dahil makakasama ko na naman si Jethro. Ilang araw na kasi nya akong binubwisit. Makita ko lang yung ngiting aso nya ay sapat na para kumulo ang dugo ko at masira ang concentration ko sa pag sasayaw.

"Hawak na sa mga partner!" Sigaw ni Cesar.

Tumingin ako sa asong katabi ko na mawalak ang ngiti. Mas matangkad sya sa akin kaya talagang nakatingala ako sa kanya. Mas lumaki rin ang katawan nya. Ang sabi ni Jess sa akin ay boxing daw ang sport ni Jethro.

Talagang basagulero. Mas marami tuloy ang ilag sa kanya pag dating sa pakikipag basag ulo.

Huminga ako ng malalim ng maramdaman ko ang init ng palad ni Jethro sa kamay ko. Ang braso nya ang nakapulopot sa bewang ko. Halos liparin ang mga paa ko dahil sa gaan.

Nag concentrate ako at hindi tumingin sa mainit at matalim na tingin nya sa akin. Ramdam ko sya at sa totoo lang ay naiilang ako dahil kanina pa sya titig na titig sa akin.

Focus lang, Eris, wag kang paapekto sa kanya. Hindi ka dapat maapektuhan sa kanya, Limang taon mo syang iniwasan. Pag katapos ng prom ay makakalayo kana ulit sa kanya.

Bumaling ako sa gilid ko ng mahagip ko ng tingin si Bernice na tumatawa kapag nag kakamali pero si Peiro ay seryoso at parang hindi marunong mag relax pag dating sa practice. Bahagyang naagaw ang atensyon ko ng makita ko naman ang pag tatalo ni Jessica at Kuya dahil mali sila ng step.

"Damn, I love your smile."

Tumingin ako kay Jethro at nag tama ang mga matamin. Tumaas ang kilay ko dahil sa lambing ng tingin nya na parang isa akong prinsesa at dapat nasa akin lang ang atensyon nya.

"Pwede ba, wag mo akong itulad sa mga babae mo na mauuto mo sa mga salita mo!"

Tumawa sya at tiningnan ang mga labi ko. Nakita ko ang pag galaw ng adam's apple nya. Binasa nya rin ng dila nya ang mga labi nya. Umiwas ako ng tingin at pinakalma ang sarili ko. That's nothing.

"Wag kang mag selos sa mga babaeng nakapaligid sa akin, kasi lahat sila alam na ikaw ang mahal ko."

"Shut up Jethro! I don't believe you!" Sinamaan ko sya ng tingin.

God, give more patience, please!

Kumunoot ang noo ko ng makita ko ang titig nya na parang ako ang pinaka magandang babaeng nakita nya. If I know, ganya ka sa mga babae mo Jeth!

"Stop staring! You don't have the right!" Iwas ko ng tingin.

"I can't stop...I don't know how to stop."

Ano pa nga bang aasahan ko sa kanya. Jeth, is so stubborn. Sa tagal na namin mag kakilala ay alam ko na ang ugali nya.

"Jethro, problema mo na yan. Ayan ang napapala mo!" Sa pambabae mo!

"Napapala sa pag mamahal sayo?" Balik nya.

Inirapan ko sya. Gusto kong tumawa dahil sa kasinungalingan nya.

"Loving me while having fun with your girls? Seryoso ka?" Hamon ko.

"Gustong mong alisin ko sila?"

"Wala akong pakialam kung alisin mo sila, wala akong pakialam sa buhay mo." Malamig ang boses ko.

"Pero kung si Jackson ay siguradong kanina ka pa nag panic."

SelfishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon