Prologue
Hingal na hingal ako habang hinahabol ko ang pinsang kong si Jea. Nag lalaro kasi kami ng habulan at ako ang taya. Nasa playground kami ng subdivision namin. Tumingin ako sa mga pinsan ko. Panay din ang hingal nila at hinihintay na gumalaw ako para habulin sila.
"Mag pahuli naman kayo!" Singhal ko saka hinawakan saglit ang dibdib ko para huminga. "Kuya!"
"Baby, as much as I love to help you, ikaw ang taya kaya habulin mo kami!"
Dinilaan pa ako ni Kuya Edward habang tatawa-tawa sa tabi nya ang pinsan naming si Stefan at Luke, sila kasi ang mag kakaedad kaya sila lagi ang mag kakasama.
"Eris, dali na, bagal!" Asar ni Ate Erika.
Grabe sila! Mga kapatid ko sila pero sila pang nam-bubully sa akin.
Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko si Bernice, pero hindi sya nakatingin sa akin kaya agad kong tinakbo ang distansya namin para hawakan sya.
"Bernice!" Sigaw ni Danick at hinila si Bernice.
Nawalan ako ng balanse at dumausdos sa lupa. Narinig ko ang pag tahimik ng paligid.
Ang sakit! Naramdaman ko kasi ng pag tuklap ng balat ko sa tuhod.
"Eris!"
Narinig kong sigaw saka ako pinag kaguluhan ng mga pinsan at kapatid ko.
Tinayo ako ni Kuya Edward at pinagpagan ang tuhod ko. Umiiyak na rin ako dahil sa sakit.
"Danick, ingat minsan!" Saway ni Kuya Raiden na kapatid ni Jea.
"Di ko naman alam eh, sorry, Eris, pakurot nalang."
Kinuha ni Danick ang pisngi ko kaya agad kong hinampas yun.
"Aray, ah!"
"Sungit!" Balik nya.
Dinala ako ni Kuya Edward sa may duyan at pinaupo doon. Tinaas ko ang tingin sa kanya.
"Dito ka nalang muna, mag lalaro lang kami."
Wala akong nagawa ng iwan nya ako para bumalik sa mga pinsan namin. Malaya ko nalang silang pinanuod habang nag tatakbuhan sila. Si Stefan na ang taya kaya todo takbo sila dahil mabilis itong tumakbo.
Gusto ko sumali!
"Eris, laro nalang tayo doll, ayaw din ako pasalihin ng mga kuya ko, pamboys lang daw ang laro nila."
Tumingin ako sa bagong dating na batang babae sa gilid ko. Ang kapitbahay namin na si Jessica Prieto. Kinaibigan ko sya dahil crush ko ang kuya nyang si Jackson Prieto.
"Jess, asan ba si Jack?" Ngiti ko.
May tinuro sya. "Nasa bahay, nag lalaro sila ng baril-barilan, eh pamboys daw yun."
Tumingin ako sa mga pinsan ko na busy sa pag lalaro saka ako tumayo para hawakan si Jessica sa kamay.
"Tara, doon nalang tayo sa bahay nyo mag laro."
"Wag na doon, hindi tayo papansinin doon eh." Maktol nya.
Tumaas ang kilay ko. Gusto ko na kasing makita si Jackson. May magandang dulot din naman pala ang pag kakadapa ko. Makakasilay ako sa crush ko.
"Dali na, tara!" Hinatak ko si Jessica papunta sa bahay nila.
Pag dating namin doon ay rinig ko na agad ang mga ingay ng mga batang lalaki na nag lalaro. Hinanap agad ng mata ko si Jack pero di ko sya makita.
"Patay kana Peiro! Daya mo!" Sigaw ni Jack sa tumatakbong si Piero na kapitbahay din namin.
Natulala ako ng makita ko ang crush ko na si Jackson Prieto. Ang amo ng mukha nya at nakakalusaw ang tingin nya talaga. Kumapit ako sa braso ni Jessica para hindi ako mangisay sa kilig. Shemay, si Jackson lang sapat na!
"Jess, gwapo ni Jack."
Tumawa si Jessica at kinaltukan ako sa noo. Inalog ko sya at ngumisi. Muli kong binaling kay Jackson ang paningin ko habang nag lalaro sila ng mga kapitbahay namin lalaki.
"Jeth! Saan ka pupunta?" Sigaw ni Jack
Tumaas ang kilay ko ng lumapit sa harap namin ang isa pang kuya ni Jessica. Si Jethro Prieto. Kung si Jackson ay kinahuhumalingan ko ay kinamumuhian ko naman si Jethro. Ayaw ko sa kanya dahil mayabang sya at malandi. Nakita ko ang pag kiss nya sa batang babae sa school namin.
"Jess, doon na kayo sa room mo." Utos nya sa katabing kong si Jessica.
Bumaling sya sa akin at nag tama ang mga mata namin. Ngumisi sya at kumindat sa akin. The nerve! Kapal talaga!
"Pasalihin nyo naman kasi kami!"
Nag maktol na si Jessica pero mukhang ayaw talaga ng mga boys. Bumaling muli si Jethro sa amin at tumingin sa tuhod ko.
"Sa kwarto na kayo!"
Wala kaming nagawa ni Jessica kundi ang pumunta sa kwarto nya. Doon kami nag laro ng mga barbie dolls nya at lutu-lutuan. Maganda ang kwarto ni Jessica, pink yun at pang babae talaga.
Nasa kama kami at nag lalaro ng bumukas ang pinto. Lumingon ako at nakita ko ang bulto ng mayabang na si Jethro.
Anong ginagawa nito dito?
"Jeth, may kailangan ka?" Tanong ni Jessica.
Bumaba ang tingin ko sa hawak na kit ni Jethro. Nagulat pa ako ng umupo sya sa tabi ko. Binuksan nya yung kit at nag labas ng bulak at Agua Oxinada. Kinabahan ako dahil nakatingin nya sa sugat ko.
"May titingnan lang."
"A-Anong gagawin mo?" Inirapan ko sya.
Nag angat sya ng tingin sa akin at ngumisi ng nakakaloko. Si Jessica naman ay walang pakialam at nag laro nalang.
"Gagamutin ang sugat para hindi lumala pa."
"Ayaw ko! masakit yan!" Tanggi ko at tinakpan ang sugat ko.
"Eris, wag ng makulit, mas masakit, mas mabilis gagaling." Hinawi nya ang kamay ko at dinampian ng bulak ang sugat.
Napahawak ako sa kamay nya kaya nag angat sya ng tingin sa akin. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero parang takot na takot sya.
"Masakit ba?"
"Medyo lang...dahan-dahan."
Tumango sya at muling ginamot ang sugat ko. Tahimik kaming pareho. Malaya ko tuloy syang napag mamasdan.
Ang totoo ay gwapo rin si Jethro pero kahit kambal sila ni Jackson ay hindi sila mag kamukha saka mas gwapo ngalang si Jackson my labs.
Hindi pa tapos sa pag dampi si Jeth sa sugat ko ay bumukas ulit ang pinto. Parang tumalon ang puso ko ng makita ko ang pag lapit ni Jack.
"Oh, anong nangyari kay Eris?"
Hindi nag salita si Jeth at masama lang tumingin sa kapatid.
"Ah, nadapa kasi ako kanina habang nag lalaro kami ng mga pinsan ko." Abot langit ang ngiti ko. Shit si Jackson yan eh.
"Eris, dapat nag iingat ka, babae ka kaya alagaan mo ang sarili mo."
Tumango-tango ako habang parang asong naka tunghay kay Jackson my labs. Gwapo nya talaga. Alam kong mga bata pa kami pero pag dating ng panahon kapag matanda na kami ay mag papakasal na kami.
"Tsk, I can take care of her, back off, Jackson." Malamig na boses ni Jethro ang sumalabong sa amin.
"Tsss, I'm just saying." Balik naman ni Jack.
Sinamaan ko ng tingin si Jethro. "Oo nga, nag sasabi lang naman sya, what's wrong with that?"
Jethro clenched his jaw.
Ayan ang ayaw ko kay Jethro. Ang sama kasi ng ugali nya, lalo na kay Jackson my loves. Wala naman ginagawa si Jackson sa kanyang masama. Ang ayaw ko pa sa ugali ni Jeth ay selfish sya, dahil lagi nyang inaagaw ang mga bagay na para kay Jackson dapat, pero ako, hindi nya ako maaagaw, because my heart belongs to Jackson.
------------
Please be an active reader, your comments motivates me to update as faster as I could.
BINABASA MO ANG
Selfish
RomanceBata palang si Eris Ortega ay may gusto na sya kay Jackson Prieto pero hindi nito alam ang nararamdaman nya, kaya ipinangako nya na ito lang ang mag mamay-ari ng puso nya. Okay na sana, handa ng ibigay ni Eris kay Jackson ang lahat, pero dahil sa p...
