Possessive
Mabilis lang ang summer. Naging busy ang mga pinsan ko sa basketball. Hindi naman ako ang naging muse nila dahil mas pinili kong mag aral ng boxing kasama si Jethro kaya si Bernice ang kinulit nila ng kinulit dahil busy naman si Jea sa banda nya. Sila Ate Erika at Ate Aria ay busy din sa mga buhay nila, ganun din si Ate Luisa.
Nag stay ako sa kwarto ko at humiga lang sa kama. Nag check ako ng facebook at instagram habang nag papatugtug. Tumaas ang kilay ko ng may marinig akong nag aaway sa labas. Pag tingin ko sa bintana ay nakita ko ang pinsan kong si Luke at ang best friend nyang si Ruan na nag susuntukan.
"Shit, anong nangyayari?"
Agad akong tumakbo para tingnan ang eksena sa baba. Aligaga na rin si Kuya mula sa sala kaya sabay na kaming lumabas. Inaawat ng mga pinsan ko sila Raiden at Ricos ang dalawang nag susuntukan.
"Ruan, tangina mo! Sinabi ko sayo! Sinabi ko sayo na wag ang kapatid ko!"
Galit na galit si Luke habang hawak ni Raiden sa braso. Nakatayo lang sa kabilang panig si Ruan habang hawak naman ni Ricos. Umawat na rin sa gitna sila Stefan at Danick. Si Jea ay yakap ni Ate Luisa katabi si Gavin. Kinalabit ako ni Bernice na bagong dating at saka kami lumapit kay Jea para patahanin ito.
"Luke, tama na!" Saway ni Raiden.
"Kuya, tangina yan, bantay salakay!" Piglas ni Luke.
Hinimas ko ang likod ni Jea na iyak ng iyak. Nag angat ako ng tingin sa mga nag aaway habang pinapakinggan ko sila.
"Luke, pinigilan ko naman kaya lang hindi ko na kaya! Parang sasabog na yun puso ko sa sobrang pag mamahal ko sa kapatid mo! I love her!"
"Tangina mo! Ako nalang gaguhin mo pero wag ang kapatid ko! Di kita matatanggap!"
Tumingin ako kay Jea ng umalis sya sa pag kakayakap kay Ate Luisa. Humarap sya sa kapatid na si Luke.
"Kuya Luke, stop it!"
Lumingon si Luke. "You shut up! Malandi ka!"
"Hey! Wag mong pag salitaan si Jea ng ganyan!" Sigaw ni Raiden at sinuntok si Luke sa mukha. Lalong umingay ang paligid.
"Raiden, tama na!" Sigaw naman ni Ate Aria.
"Sumosobra na kasi!"
Kinuha ni Kuya Edward si Luke at itinayo. Natigil ang awayan ng dumating si Tito Buddy at Tita Edith. Pinauwi sila sa bahay kaya naiwan kami sa labas.
"Ruan, umuwi kana muna, lagyan mo ng yelo yang mata mo at namamaga." Wika ni Ate Erika
"Kailangan kong makausap sila Tito at Tita para mag paliwanag. Mahal ko si Jea at ipag lalaban ko sya."
"May tamang panahon para dyan pero hindi ngayon yun kaya umuwi ka muna." Sagot naman ni Ricos.
Sa huli ay napasunod din namin si Ruan. Sa gazebo ng bahay kami at nag usap-usap naman ng tungkol sa nangyari kanina.
"Eris, may alam kaba sa relasyon nila Jea at Ruan?" Tanong ni Ate Erika.
Umiling ako. "Walang sinasabi sa akin si Jea."
"Sayo? Bernice?" Si Ate Luisa.
"Wala rin..." Sagot ni Bernice.
Ang totoo ay nagulat din ako dahil hindi ko akalain na may relasyon pala sila Jea at Ruan. Matagal ang naging pag uusap naming mag pipinsan tungkol sa nangyaring gulo.
"Napaka protective naman kasi ni Luke, I mean, wala naman masama kung nag mamahalan ang best friend at kapatid nya." Wika ni Danick.
"Ayun nga mismo ang ayaw nya kasi kapag nangyari na saktan ni Ruan si Jea, mag wawala yun lalo." Dagdag pa ni Stefan.

BINABASA MO ANG
Selfish
RomanceBata palang si Eris Ortega ay may gusto na sya kay Jackson Prieto pero hindi nito alam ang nararamdaman nya, kaya ipinangako nya na ito lang ang mag mamay-ari ng puso nya. Okay na sana, handa ng ibigay ni Eris kay Jackson ang lahat, pero dahil sa p...