Chapter 11

1.7K 83 14
                                    

Kiss

Halos naging tahimik ang byahe namin. Hindi ko maiwasan na tingnan si Jethro habang seryoso syang nag mamaneho. Pag katapos tumawag ni Jackson ay parang nawala sya sa mood.

Hindi na ako dapat mag taka dahil alam ko naman na ayaw nyang nag papalamang kay Jackson. He hates being defeated by his twin brother.

Pag hinto ng sasakyan sa tapat ng gate ng village ay sinulyapan ko pa ulit si Jethro na diretso ang tingin.Umirap ako at kinuha ang bag ko. Akmang lalabas ako ng maramdaman ko ang mainit na hawak sa braso ko.

"What?" Wika ko.

Nag titigan kami pero blanko pa rin ang mukha nya. His piercing eyes are glowing because of the sunlight. I can't help but to stare back. He is so damn good looking.

"May nakakalimutan ka ata." Ngiting aso nya.

Umirap ako dahil mukhang bumalik na sya dahil nakakangiti na sya at parang ang manyak na naman ang tingin na ibinibigay nya. Inalis ko ang kamay nya dahil naiinitan ako.

"Ano naman?" Tanong ko.

Sa pag kakaalam ko kasi ay nasa bag ko lahat ng gamit ko kaya ano naman ang possible kong makalimutan. Naningkit ang mata ko ng patuloy lang syang tumitig sa akin. Bumaba yun sa mga labi ko.

"Ano bang ginagawa ng isang couple kapag nag papaalam sa isa't-isa?"

"Ano?" Tanong ko.

Umiling sya at tumawa. "Damn, hindi mo alam, Eris?"

"Mag tatanong ba ako kung alam ko? Inutil!" Irap ko.

"Tsk, seryoso hindi mo alam?" Pag uulit nya saka inilagay ang kamay sa likod ng upuan ko.

"Jethro, kung kamanyakan yang iniiisip mo tigilan mo!" Dinuro ko sya.

Tumawa lang sya at kinagat ang ibabang labi. Fuck, are you trying to seduce me? Well, it won't work. Bahagya akong lumayo ng lumapit ang mukha nya.

"Honey, hindi kita mamanyakin kung alam kong hindi mo naman magugustuhan. Isang kiss lang sapat na."

"Kiskisin ko kaya yang mukha mo sa steering wheel! Pervert!" Sigaw ko.

"Eris, it's a normal thing for a couple like us to kiss. Takot?"

Kumukulo ang dugo ko sa mga pinag sasabi nya pero kinalma ko. Tiningnan ko sya sa mata at ganun din sya sa akin.

"Jethro, bakit ako matatakot? Siguraduhin mo lang na masasarapan ako huh." Hamon ko.

"I promise honey, you'll love my kiss baka nga hanap-hanapin mo."

Kumabog ang puso ko sa kaba ng alisin ni Jethro ang seatbelt nya para makalapit sa akin. Pinigil ko ang pag hinga ng makalapit ang mukha nya sa akin. Konting-konti nalang ay mag didikit na ang mga labi namin.

"Eris, relax...." Mainit nyang bulong bago sinakop ang mga labi ko.

Napapikit ako ng maramdaman ko ang mga labi nya sa akin. He cupped may face to fully kiss me. Mabagal ang pag galaw ng mga labi nya sa akin at parang tinitimbang kung anong magiging reaksyon ko.

"Eris..." Daing nya..

Ang lakas ng tibok ng puso ko habang hinahalikan ako ni Jethro. Nagulat pa ako ng pumasok ang dila nya sa loob ng bibig ko. Ilang sandali lang ay nag lalaban na ang mga dila namin. So this is kissing? Hindi ko kasi naramdaman ang unang beses na halikan ako ni Jethro dahil mabilis at walang dila.

Habol hininga ako ng matapos ang halik. Pinag dikit pa ni Jethro ang mga noo namin at kinuskos ang ilong sa aking ilong. Fuck, that was so intimate.

SelfishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon