Chapter 38

408 14 12
                                    


Eris

"Eris, are you sure about this?" Umupo si Ryan sa sofa sa condo namin. "Nakausap ko na yun pinsan ko about sa date niyo this coming Saturday."

"Date?" Bungad ni Jea sa pintuan, galing siyang university. "What date?"

"Itong si Eris nag papahanap ng date sa akin, I mean, hindi ko nga alam kung bakit, marami naman may crush sa kanya di na kailangan na-ireto ko pa." Sagot naman ni Ryan.

"Is this part of your plan to show Jethro that you moved on already?" Inirapan ko si Bernice ng umupo siya sa tabi ni Ryan saka kinuha ang remote ng tv para manuod.

"Of course not." Tanggi ko. "Naisip ko lang na it's about time, ilang months na kaming hiwalay ni Jethro saka ayaw niya akong tigilan. He doesn't believe that I want to end our relationship for real."

Umupo ako para takpan ng kamay ang mukha ko. Nag-tama ng tingin sila Ryan at Bernice. Hindi nag salita si Jea at pumasok sa kwarto niya. Ito ang hirap kapag nakipag-break ka na hindi naman talaga bukal sa puso mo. Hindi sila maniniwala sa mga sinasabi mo pati na rin sa mga reason kung bakit ka nakikipag-break, unless totohanin mo.

Kailangan kong makipag-date sa iba para ipakita kay Jethro na totoo lahat ng sinabi ko. Ito lang ang paraan para maniwala siya at para hindi magulo ang buhay niya dahil sa lolo niya.

Para na akong mababaliw dahil sa ilang buwan na hindi ko nakakasama si Jethro ay parang gusto ko ng bumigay at puntahan siya para sabihin sa kanya ang lahat. Hindi mahirap sa kanya na makuha ulit ako. Makita ko lang ang magaganda niyang mata at matamis na ngiti ay siguradong hulog na naman ako.

I miss my honey so much.

Mabilis lumipas ang mga araw ng hindi ko namamalayan at para di ko maisip ang problema ko ay nag focus nalang ako sa studies ko.

"Eris, pahiram naman ng notes sa Lit."

Nag patuloy ako sa pag-lalakad. Wala akong ibang nakikita at naririnig.

"Eris!" Nagulat ako sa tapik sa balikat ko. Bumungad si Ryan sa harap ko. "Lutang ka na naman. Umayos ka nga!"

"Ang ingay mo, ano ba kasi yun?"

"Pahiram ako ng notes sa Lit."

Inabot ko sa kanya ang notebook ko. "Ibalik mo rin agad kasi yung ibang notes ko sa ibang subject d'yan ko nilagay."

"Okay," Tango niya. "By the way, I have a news." Anunsyo niya.

"Good or bad?"

"Bad news, yung pinsan ko na sinasabi ko sayong ka-date mo this coming Saturday, nag back out."

"Ano?" Umirap ako "Akala ko ba naka-set na yan?"

Gumilid kami ni Ryan para hindi makasagabal sa mga taong nag-lalabasan sa mga classroom nila.

"Hindi ko nga alam kung bakit biglang hindi na siya pwede, the first time naman na mention ko sa kanya excited pa siya. Weird."

"Paano na ngayon yan, I need a date." Maktol ko pa kay Ryan sabay hawak sa braso niya.

"Date?" Napalingon kami sa nag-salita. "What date?"

"Hi, Gary." Rinig ko ang kilig sa boses ni Ryan.

"Hello, Ryan." Balik ni Gary sabay ngiti ng matamis.

Halos mangisay si Ryan sa tabi ko. "Tanginang mukha yan ang pogi."

Kinurot ko si Ryan sa tagiliran. "Ang landi mo bakla."

"Hindi ko mapigilan, Eris."

"So, ano yang date na narinig ko?" Tanong ni Gary.

Hindi ako sumagot kaya si Ryan ang nag salita. "Eris needs a date kasi break na sila ng boyfriend niya."

"Yung maraming tattoo?"

Tumango ako. "Yes."

"Single kana pala?" Tumingin siya sa akin.

"Obvious ba?"

Tumawa si Gary sa pag-taas ng kilay ko. Iniisip ko kung tanga siya or inaasar niya lang talaga ako pero knowing him, alam kong natutuwa siya kapag naiinis ako.

"Chill, ang init naman ng ulo mo."

Inirapan ko si Gary. "Ikaw kasi nang-aasar ka pa, problemado na nga ako. Wala akong makuhang date, kahit yung classmate ko sa English class na alam kong my crush sa akin ni-reject yung invitation ko to have coffee."

"Ang weird diba?" Singit ni Ryan.

Maingay ang paligid dahil sa dami ng mga students na dumadaan. Mas gumilid kami para mas mag-karinigan.

"Bakit kasi kung sino-sino pa ang niyaya mo?" Tumabi sa akin si Gary at inakbayan ako. Nanlaki ang mga mata ni Ryan sa nakita. "Andito naman ako. I will date you."

Nag-angat ako ng ulo para mag-tagpo ang mga paningin namin. "Inaasar mo na naman ba ako?"

"Mukha ba akong nang-aasar?"

Nag-cross arms ako. "Ewan ko basta ang alam ko inaasar mo lang ako."

Saglit akong tinitigan ni Gary saka ngumiti. "Alam mo ba kung bakit kita inaasar?"

Tumingin ako saglit kay Ryan na ang lawak ng ngiti sa amin ni Gary. Mukhang mas nag e-enjoy pa siyang panuorin kami kaysa tulungan akong barahin si Gary sa pang-aasar sa akin.

Ibinalik ko ang tingin kay Gary. "Bakit nga ba lagi mo akong inaasar? As in palagi?"

"Pansin ko rin yun." Kinikilig na wika ni Ryan.

"Kasi ang ganda mo kapag naiinis ka, lalo akong nahuhulog."

Ang lakas ng tili ni Ryan sa gilid namin kaya hinampas ko siya sa braso para manahimik. "Shut up, ang ingay mo ang sakit sa tenga!"

"Eh nakakakilig kasi, wag mong sabihin na hindi ka kinilig?"

Inirapan ko siya. "Hindi, saka pwede ba binobola lang ako nitong si Gary." Turo ko sa lalaking kanina pa naka-titig sa akin.

"Ah basta ako, kinikilig ako. Ang haba ng hair mo inday! Sana all maganda!"

Hinawakan ni Gary ang kamay ko kaya nabaling sa kanya ang atensyon ko. "Hindi nga kita binobola. Seryoso yun kaya kung nag hahanap ka ng ka-date, I'm free."

"Ayan naman pala, wala ka ng problema sa date mo, Eris, willing naman pala si Gary to volunteer as tribute. Go na."

Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinasabi ni Gary pero ang importante ngayon ay makahanap ako ng date na maipapakita ko kay Jethro para maniwala siya na wala na talaga kami. Wala na rin akong ibang choice dahil halos lahat ng kakilala kong lalaki ay umiiwas sa akin kapag niyaya kong lumabas.

Matagal na rin naman kaming mag kaibigan ni Gary kaya alam kong hindi siya mag te-take advantage.

"Alright, wala naman masama sa friendly date."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SelfishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon