Chapter 3

2.3K 100 10
                                        

Hindi sa akin

Pag katapos namin ipatawag sa office ay kasunod noon ay ang pag lilinis namin ng CR. Pag wawalis sa corridor. Pag didilig ng halaman. Pag lalampaso ng sahig. Pag dating pa ng sabado ay pinapapinturahan sa amin mga desk sa loob ng classroom namin.

Napakadaming parusa para lang sa isang maliit na away, at lahat yun ay dahil sa kagagawan ni Jethro. Hindi ko talaga sya mapapatawad!

"Sa CR na ako mag start. Puntahan mo nalang ako pag tapos na kayo." wika ni Jea at nag march papuntang CR habang si Bernice naman ay nag didilig ng halaman sa labas.

Huminga ako ng malalim bago ipinag patuloy ang pag lalampaso sa corridor. Hindi ko pinapansin ang mga matang nakatingin sa akin. Bahala sila sa iisipin nila. Kailangan kong bilisan ang trabaho ko para matapos na ito.

Pinag buti ko ang pag lalampaso. May tatlong lalaki pang dadaan sana sa nilalampaso ko pero ng tingnan ko ay agad lumihis.

Subukan nilang tapakan ang nalinis ko na.

"Sorry." wika ng isa at nahihiyang gumilid kasama ang dalawang lalaki pa.

Hindi ko sila pinansin at nag patuloy lang sa ginagawa. Pa zigzag ang ginawa ko para lang hindi ko maramdaman ang pagod. Gusto ko lang laruin.

Natigil lang ako sa pag galaw ng may makita akong black shoes sa harapan ko. Biglang kumulo ang dugo ko dahil tinapakan nya ang nalampaso ko na. 

The nerve!

Nag angat ako ng tingin at nakita ko si Jethro.

"Ang gago mo talaga no? Nakita mong nag lalampaso ako dito, tapos tatapakan mo lang!" inis kong salita.

Nakalagay sa bulsa ng pantalon nya ang dalawang kamay habang gwapong nakatingin sa akin ng matalim. Gusto kong hampasin ang pag mumukha nya.

Inirapan ko pa sya ng gumalaw sya para pumunta sa gilid ko at akmang kukunin ang mop sa kamay ko pero inilayo ko agad.

"Ako na, pagod kana."

Lalo kong pinag buti ang pag irap sa kanya. Kung pwede ko lang syang hampasin ng hawak ko ay ginawa ko na pero ayoko, dahil baka madagdagan ang punishment ko.

"Kaya ko na, thanks nalang!"

Tinalikuran ko sya at nag patuloy sa pag lalampaso. Nasa gilid ko sya at pinapanuod ako. Kinalma ko ang sarili ko at kunwaring hindi sya napapansin. Amoy na amoy ko pa ang masculine scent nya.

"Come on, Eris," sabay hawak sa braso ko.

"Don't touch me!" inalis ko ang kamay nya at lumayo ng bahagya.

Kumukulo talaga ang dugo ko kapag nakikita ko sya. Nalukot ang mukha nya at huminga ng malalim. May kinuha sya sa bulsa nyang panyo at lumapit sa akin.

"Pawis kana."

Nagulat ako ng punasan nya ang noo ko. Ang ibang tao ay nakatingin sa amin habang nag lalakad. Nag bubulungan pa ang tatlong babaeng mukhang may crush ata kay Jethro.

"Sila ata talaga kaya nagalit si Leila." wika ng isang dumaan sabay tingin sa amin.

Tumingin ako kay Jethro na seryoso ang pag pupunas sa noo ko na parang yun ang pinaka importanteng ginagawa nya.

"Wag mo nga akong hawakan!" inalis ko ang kamay nya. "Baka mamaya ay makita pa tayo ng mga babae mo at sugurin na naman ako. I can't take another punishment."

Tinalikuran ko sya at nag madali sa pag lalampaso para matapos na ako. Hinila ko pa ng paa ang maliit na baldeng tubig na maraming bula.

Napahinto ako ng maramdaman ko ang hawak ni Jethro sa braso ko. Ang bobo ng isang ito at hindi makaintindi. Umirap ako at inalis ang kamay nya.

SelfishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon