In love
Nagising ako sa alarm sa beside table kaya agad kong pinatay yun at bumalik sa pag higa. Napangiti ako ng mag mulat ng mata. Ngayon ang araw ng date namin ni Jackson my labs.
Bumangon ako at inayos ang kama. Humarap ako sa salamin. My hair is messy but I don't mind. Kinuha ko ang ipod ko at isinaksak yun sa speaker. Pinili ko ang kanta ni Christina Aguilera na What a girl wants. Muli akong bumalik sa harap ng salamin at sumayaw ng seductive.
Hindi ko mapigilan ang kasiyahan sa dibdib ko. Sisiguruhin ko na magiging perfect ang unang date namin ni Jackson. Inayos ko na rin ang white dress na susuotin ko. Dalawang beses kong pinaplatsa yun kay Meng.
"Ah! Friday. My second favorite F word."
I smiled in the mirror. Natigilan ako sandali ng mapatingin ako sa labi ko. Naalala ko tuloy ang halik ni Jethro. Umiling ako at pumunta ng banyo para maligo pag katapos kong mag pawis.
Ang hayop na yun. Sinamantala nya ang kahinaan ko. Naisip ko tuloy kung tama ba napapasukin ko sya ng tuluyan. Well, nakapasok na sya pero hindi ko hahayaan na mag stay sya ng matagal, baka mamihasa.
Nag kamali ako ng maliitin ko sya. Ang akala ko ay sya ang kumagat sa trap ko pero mukhang ako ata yun. Nakakainis dahil napakasama nya. Kailangan kong bantayan ang mga galaw nya dahil alam kong expert sya sa larong ito.
Well, kung expert sya, all I have is just beginner's luck. Kailangan kong gamitin lahat ng meron ako para manalo.
"Ma! baon ko?"
Inabot ni Mama sa akin ang two hundred. Hindi pa tapos kumain si Kuya kaya mauuna na ako. Humalik ako sa pisngi ni Mama saka lumabas ng bahay. Sinundo ko sila Bernice at Jea para sabay-sabay kaming pumasok.
"Hindi ako makakasama mamaya." Wika ni Bernice.
Tumingin ako sa kanya. Nasa jeep na kami at nag kapag bayad na rin si Jea sa driver.
"Ang busy nyo naman sa council. Mabuti nalang pala at hindi ako tumakbo." Irap ko.
"Eris, ganun talaga, pareho tayong tamad sa ganyan kaya ayaw natin." Hagikgik ni Jea sa gilid ko.
Pag dating namin ng school ay pumila na kami sa section namin at nag umpisa na ang flag ceremony. Isa ako sa mga nag co-conduct ng exercise dahil dancer ako at cheerleader ng school.
Sa classroom ay saglit kaming nag hintay sa first period namin. Umaga palang pero ang ingay-ngay na ng lahat. Si Jea at nasa mga classmate namin na may hawak ng gitara at nag jajaming sila. Si Jessica naman ay busy sa pag te-text, I bet si Sebby ang pinag kakaabalahan nya.
"Susunduin ka ni Mike mamaya?" Tanong ko kay Bernice.
"Sinabi ko na sa kanya na wag na nya akong hintayin kasi gina-gabi ako, may mga kasabay naman na ako pauwi."
Umirap ako at tumango-tango. Natingin sya ng mga latest fashion clothes sa cellphone nya. Nag kagulo ang lahat para bumalik sa mga upuan nila ng pumasok ang teacher namin.
"Okay, get one whole sheet of paper."
Dumaing ang buong klase pero walang nagawa kundi ang kumuha ng papel para sa quiz. Math pa naman yun at mabuti nalang katabi ko si Bernice.
"Pengeng papel."
Umirap ako at binigyan si Jessica. Tinago ko agad pag katapos kong kumuha ng akin dahil siguradong maraming kamay ang hihingi.
"Saka ball pen pala."
"Seriously, Jess, ang tamad mo huh!" Asik ko.
Inabot ko sa kanya ang extra ball pen. Dumila lang sya sa akin. Nag umpisa ang quiz at halos wala akong ibang nakikita kundi ang papel lang ni Bernice. Panay rin ang kalabit ni Jessica sa akin para makakuha ng sagot.
BINABASA MO ANG
Selfish
RomantikBata palang si Eris Ortega ay may gusto na sya kay Jackson Prieto pero hindi nito alam ang nararamdaman nya, kaya ipinangako nya na ito lang ang mag mamay-ari ng puso nya. Okay na sana, handa ng ibigay ni Eris kay Jackson ang lahat, pero dahil sa p...