The game
Nag hihintay ako sa labas ng council dahil may meeting pa si Bernice. Kagaya ng sabi ni Jea ay nauna syang umalis dahil mukhang mag la-last practice pa bago ang gig mamaya. Si Jessica naman kasi ay maaga rin nag paalam. May pupuntahan din sya at hindi ko alam kung saan.
Nag labas ako ng cellphone at tinext sya.
Jess, what do you think about Sebby?
Sinabi ko na sa kanya ang tungkol sa panliligaw ni Sebby. Syempre kinilig ang lola nyo. Wala na sila ni Taylor kaya libre na ulit syang lumandi. Sumandal ako sa pader. Ngumiti pa ako ng may tatlong lalaking bumati sa akin bago nila ako nilampasan.
Seryoso ba talaga yan? Sikat sya sa grade 12 diba? Pero crush ko din naman sya kaya why not. LOL!
Pinigil ko ang pag ngiti dahil baka isipin ng ibang dumadaan ay nababaliw na ako. Ewan ko ba kung bakit nakakahiya na ngumingiti habang may ka text. Muli akong nag tipa ng mensahe.
Oo nga, sa Friday, lalabas tayo kasama ang grupo nya. I-clear out mo na yung schedule mo kung may ibang date ka pa!
Mag katext kasi kami kanina ni Sebby at nasabi nya sa akin na pumayag na si Jackson na sumama sa Friday kaya abot langit ang excitement ko para sa fridate namin. Sa wakas! Mag kakaroon na rin kami ng first date ni Jackson my labs. Iniisip ko na rin kung anong susuotin ko. Syempre mag dadala lang ako ng damit dahil hindi pwedeng mag civilian sa school.
Oo na, basta wag mo nalang munang sabihin kahit kanino.
Kumunoot ang noo ko at muling nag type sa cellphone.
Bakit?
Agad syang nag reply.
Para matuloy. Basta!
Tumaas ang kilay ko. Kanino ko naman kaya sasabihin eh kami-kami lang naman ang nakakaalam.
"Eris!"
Natigilan ako sa pag tetext ng may tumawag sa pangalan ko. Pag angat ko ng tingin ay nakita ko ang mga pinsan ko pero hindi ko mahagilap ang kapatid ko.
"Asan si Kuya?" Tanong ko kay Ash na syang tumawag sa akin.
"May lakad daw sa eh, anong ginagawa mo dyan? Asan si Bernice?" Pumunta sya sa tabi ko at inakbayan ako.
"May meeting pa sa council, si Jea umalis na may practice para sa gig nila."
Tumingin ako kay Stefan ng pumunta sa kabilang gilid ko at isinandal doon ang siko nya saka humarap sa akin. Ang ibang babaeng dumadaan ay kinikilig kapag nakikita ang mga pinsan ko. Oh well.
"Asan yung boyfriend hilaw ng kapatid ko?"
Tumawa si Luke na mukhang nakakarelate. Protective kasi sa mga kapatid ang dalawang 'to.
"Birthday daw ng Mommy nya kaya ayun, hindi nya mahahatid si Bernice." Sagot ko naman,
"Mabuti naman, nakakaalibadbad na ang pag mumukha nya. Hindi sila bagay ng kapatid ko!"
Rinig ko ang iritasyon sa boses ni Stefan. Ayaw nya kay Mike dahil hindi athletic. Tingin nya ay mahina. Umirap nalang ako habang tumatawa si Ash at Luke. Napaka chauvinist nila.
"Atleast si Mike hindi babaero kagaya nyo!" Singhal ko.
Inilagay ni Ash ang kamay sa dibdib nya. "Aray naman, cous, wag ganun!"
"Saka babae ang lumalapit sa amin, ang rude naman kung tatanggi kami." Dagdag pa ni Luke.
"Playboy!" Irap ko pa.

BINABASA MO ANG
Selfish
RomanceBata palang si Eris Ortega ay may gusto na sya kay Jackson Prieto pero hindi nito alam ang nararamdaman nya, kaya ipinangako nya na ito lang ang mag mamay-ari ng puso nya. Okay na sana, handa ng ibigay ni Eris kay Jackson ang lahat, pero dahil sa p...