Chapter 33

1K 39 12
                                    

Eris

"Bigla nalang siyang sumulpot habang kausap mo yung ka-group mo sa English?" Tumatawang inabot ni Jea ang isang baso at uminom.

Pagkatapos ayusin ang mga assignments, quizzes at kung ano pang dapat gawin sa school ay napag-pasyahan namin na manuod ng movie.

"Oo kaya." Sagot ko. "Akala naman niya maniniwala ako na nag dala lang siya ng kape at pinuntahan ako dahil na-miss niya ako. Alam kong gusto niyang makita yung classmate ko."

"May bago ba? Alam naman ng lahat kung gaano ka seloso si Jethro pagdating sa'yo." Wika ni Bernice habang nakatutuk sa cell phone ang mata.

"You can't blame Jethro for being a jealous freak. You're a looker my dear cousin." Kindat ni Jea sa akin.

Mahigpit kong niyakap ang unan ko. "Ako nga dapat ang mag selos sa dami ng babaeng halos itapon ang mga katawan nila sa harapan ni Jethro."

"Si Eris Angela Ortega nag seselos?"

Inirapan ko si Bernice dahil alam kong inaasar niya ako. Tumawa lang si Jea na ngayon ay busy na rin sa cell phone na hawak. Ang usapan ay manunuod kami ng movie pero mas busy pa ata sila sa kung sino-man ang mga ka-text nila.

"Yung totoo." Umpisa ko. "Manunuod ba tayo or mag ce-cell phone nalang kayo?" Nag tama ang mga mata nila Jea at Bernice bago parehas na ibinaba ang mga hawak na telepono.

"Good decision my dear cousins." Satisfied kong sagot saka pinindot ang play button sa laptop ko.

Umayos ng upo si Bernice saka nag salita. "Palibahasa wala kang ka-text, kj mo."

"Kaya nga.." Dagdag pa ni Jea.

"Busy pa si Jethro, ayoko naman na istorbohin siya."

"Sana kasi sumama ka nalang para meet the whole family ang peg mo." Hirit pa ni Jea.

Tumawa si Bernice "Kaya tayo ang kinukulit niya ngayon kasi gusto niya pati tayo hindi gagalaw ng cell phone dahil ni isang text wala siyang nare-receive kay Jethro."

"Pwede ba wag niyong ibaling sa akin ang sisi," Tumayo ako at kumuha ng maliit na box sa study stable. "Ang kumuha ng cell phone nila mag babayad ng 1k. Entendida?"

Muling nag tama ang mga mata nila Bernice at Jea. "Sí, señora!"

Inirapan ko sila bago ko inilagay ang mga telepono namin sa box. Sigurado naman ako na hindi ako matatalo sa pustahan namin. Nasa kalagitnaan na kami ng Pitch Perfect movie ng biglang tumunog ang cell phone ko. Nag-katinginan kami nila Bernice at Jea.

Fuck!

Bahagyang nilapit ni Bernice ang mukha niya sa box para tingnan kung sinong tumawag. Nakita ko naman ang pag silay ng ngiti sa mga labi niya. "Si Jethro, hindi mo ba sasagutin?"

Bakit ngayon pa tumawag si Jeth? Fuck!

Bahagya ko rin inilapit ang mata ko para siguruhin na si Jethro nga ang natawag. Hindi nga na si-sinugaling si Bernice sa sinabi niya na tumatawag ang boyfriend ko.

"Kapag hindi mo sinagot yan siguradong maya-maya lang nasa labas na ng pinto natin yan." May pang-aasar sa boses ni Bernice.

"I just want to remind you our bet, I mean, the bet you made for us." Dagdag ni Jea na malawak ang ngiti sa labi. "Kung handa ka naman mag bayad ng isang libo, go lang sagutin mo na."

"Jea, one thousand yun, ang dami na natin mabibili doon." Exaggerated pang-dagdag ni Bernice.

"Mga bwiset kayo, talagang nangaasar pa kayo ah." Sabat ko. "Pwes, hindi ko sasagutin yan, hindi ko kayo bibigyan ng satisfaction."

SelfishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon