Sudden rush
Nagising ako sa mataas na sikat ng araw. Ang alarm naman sa side table ng kama ko ay agad kong pinatay dahil masakit sa tenga. Muli akong bumalik sa pag higa at niyakap ang malaking unan ko.
Eto ang gusto ko kapag weekends. Hindi mo kailangan mag madali dahil late kana sa pag pasok. Wala kang dapat alalahanin kung nasaan ang pares ng medyas mo. Hindi mo kailangan tignan ang oras every five minutes kung lagpas kana ba sa oras.
Muli akong natulog at ng magising ay alas nuebe na ng umaga. Bumangon ako at inayos ang kama ko. Pag baba ko ay nakita ko si Mama na nag luluto sa kitchen namin. Lumapit ako at humalik sa pisngi nya.
"Oh Eris, gising kana pala. Come here, honey, tulungan mo ako dito sa kare-kareng niluluto ko."
Tumaaas ang kilay ko ng marinig ko ang endearment na ginamit nya. Pumunta ako sa tabi nya at inamoy ang nasa kaldero.
"Ano pang kulang dito, Ma?" Tanong ko at kinuha sa kanya ang sandok para haluin yun.
Sa aming mag kakapatid ay ako ang marunong mag luto. Bata palang ako ay inaral ko na yun, so that when the time comes that Jackson and I get married, I can feed him.
"Malapit ng maluto yan, gusto mo ikaw na mag luto ng alamang?" Wika nya habang nag aayos ng mga plato sa lamesa.
"Sige po, ako nalang."
Muli kong hinalo ang kare-kare para hindi mag buo-buo ang ilalim. Tinawag ni Mama si Meng na kasambahay namin at kaedad ko lang, para gisingin si Kuya Edward. Si Ate Erika ay may pasok samantalang si Papa ay nasa mineral station namin na pinaka malaki sa buong Muntinlupa.
Pag baba ni Kuya ang narinig ko agad si Mama sa pag sermon dahil nakahubad baro na naman ito.
"Edward, mag bihis ka nga baka mamaya ay mag kasakit ka kakahubad mo dyan." Saway ni Mama at tinampal si Kuya sa balikat.
"Ma, hindi ako sakitin no, saka mainit, mamaya nalang pag ligo ko, aalis ako eh." Wika ni Kuya at lumapit sa akin para guluhin ang buhok ko.
"Kuya!"
Tinampal ko ang kamay nya at tumawa lang sya saka umupo sa hapag.
"Oo nga naman, maskolado naman si Kuya Edward, wag na mag damit." Hagikgik ni Meng habang nag sasandok ng kanin.
Tumaas ang kilay ko at umiling naman. Si Mama ay patuloy sa pag monologue habang kumakain kami. Sumabay na rin si Meng sa amin. Anak sya ng dating katulong namin pero dahil matanda na ay si Meng ang ipinalit. Pinag aaral din ito nila Mama sa Montessori.
"Tama ka dyan, Meng, dapat lang ilantad ang ganito kagandang katawan."
Tumayo si Kuya Edward at ipinag yabang ang biceps nya. Tumawa ako at umirap nalang habang si Mama ay umiling nalang.
"Oo na anak, maganda na kung maganda ang katawan mo." Pag suko nalang ni Mama.
"Saan ka pala pupunta?" Tanong ko naman. "Sabi mo aalis ka diba?"
Tumingin si Kuya sa akin. Uminom muna sya ng iced tea sa baso nya bago ako sinagot.
"Dyan lang, sa tabi-tabi."
Naningkit ang mata ko. Muli syang kumain. Siguro ay may ka date na naman syang babae. Iba-iba kasi ang lagi kong nakikitang kasama nya. Well, mahal ko ang kapatid ko pero ayoko ang pagiging playboy nya.
"Sinong kasama mo?" Tanong ko ulit.
"Hindi mo kilala..."
Tumaas ang kilay ko pero hindi na ako nag tanong. Wala rin naman akong pakialam, basta wag lang isa sa mga kaibigan ko dahil ayokong masaktan sila kapag winasak ng kapatid ko ang puso nila.

BINABASA MO ANG
Selfish
RomansBata palang si Eris Ortega ay may gusto na sya kay Jackson Prieto pero hindi nito alam ang nararamdaman nya, kaya ipinangako nya na ito lang ang mag mamay-ari ng puso nya. Okay na sana, handa ng ibigay ni Eris kay Jackson ang lahat, pero dahil sa p...