Eris
Gumawa ako ng instant coffee at dahan-dahan na ininom iyon. Inaantok pa ako pero dahil may morning class ako ay kailangan kong gumising ng maaga para mag ayos. Nag-aral ako ng mga lessons kagabi at ng matapos ay saglit na nakipag-usap kay Jethro sa telepono.
Lumabas si Jea sa kwarto niya at kinuha ang paboritong mug para gumawa ng sariling kape saka tumabi sa akin sa sofa
"Eris, anong oras klase mo?"
Humigop muna ako ng kape bago sumagot. "Eight dapat nasa room na ako, may recitation kami mamaya sa English."
Hindi nag salita si Jea at patuloy lang na umiinom ng kape habang nakatitig sa mini table sa harap namin. Lately ay napapansin ko na parang laging malayo ang mga tingin niya at malalim ang iniisip niya.
"Jea, bakit tulala ka?" Siniko ko siya. "What are you thinking?"
"I don't know, nitong mga nakaraan na araw hindi ako makapag sulat ng mga kanta." She sounds frustrated. "Wala akong maramdaman...hindi ko alam kung anong kulang, kung anong problema sa akin."
Tinitigan ko ang blangkong mukha ng pinsan ko. Malaking part sa buhay ni Jea ang music at saksi ako sa tuwa sa mga mata niya kapag nakakabuo siya ng kanta.
"Don't push yourself too much, siguro kailangan mo lang ng pahinga, pumunta ka kaya sa beach or mag road trip ka, kinukulang ka lang sa inspiration, babalik ka rin sa dati."
Tumingin si Jea sa akin at ngumiti. "I hope you are right."
"After ng klase ko lumabas tayo, kahit saan mo gustong pumunta, cheer up!"
Yumakap sa akin siya sa akin. "Yes, I think I need that. Thanks, cuz."
Ilang minuto pa akong nag stay para bigyan ng encouragement si Jea bago ako tuluyang umalis para pumasok sa klase ko. Hindi naging mahaba ang discussion ng professor ko. Pag katapos ng recitation ay nag bigay lang siya ng assignment at nag dismiss na ng klase.
Pag labas ng classroom ay agad kong tinawagan si Jea para sabihin na mag ayos na siya ng sarili at pauwi na ako. Pag labas ng building ay natigilan ako at napatitig sa lalaking nakatayo sa harap ng isang sasakyan.
It's Jethro's grandfather.
"Mr. Prieto." Umpisa ko. "Hi."
"Hello, Eris." Malamig ang boses niya at malumanay. "We need to talk."
Bakit kailangan naming mag-usap?
Fuck. Why do I have a feeling I know what exactly what he wants to talk about?
Hindi ako nakapagsalita agad. Nag-titigan lang kami ng ilang minuto bago ulit siya ng salita. "Hindi naman mahaba ang sasabihin ko. I only need a few minutes of your time."
May halong pag babanta sa tono ng boses niya sa hindi ko mawari na dahilan. Huminga ako ng malalim saka tumango. Binuksan ni Mr. Prieto ang pintuan ng kotse at pinauna akong pumasok saka siya sumunod.
"Hindi pa tayo pormal na nag kakakilala pero kilala ko ang pamilya mo," Tumingin siya sa mata ko. "You have a nice family background, nag kasama na kami ni Mayor Ortega sa isang event, he's good man."
Ang sinasabi niyang Mayor Ortega ay ang tito ko. Hindi ako nag salita at patuloy lang na nakinig sa kanya. Weird pero wala akong kahit anong maramdaman. Walang takot, walang kaba, walang kahit ano.
"You are a smart girl, kaya maiintindihan mo ang sasabihin ko."
"Mr.Prieto, tungkol saan ba ang sasabihin niyo?"
"I know you are dating Jethro," Umpisa niya. "And Jackson likes you a lot...And I bet you are quite pleased with yourself."
Naningkit ang mga mata ko. "I don't understand what you're saying."
Ngumiti si Mr. Prieto at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay nakita ko ang ngiti ni Jethro. It's actually kind of upsetting. Pero malayo ang galaw at pananalita nilang dalawa. Jethro is raw while this man in front of me is calculating.
"Marami na akong nakilalang babae, Eris." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "You think I don't know what an ego boost it is for a girl when she has two boys fighting over her?"
Oh?
Hindi ko alam kung hanggang saan ang nalalaman niya sa buhay ko at sa buhay ng mga apo niya. Kung paano niya nalaman ang history namin ni Jethro at Jackson pero isa lang ang alam ko...He's a dangerous man.
Umayos ako ng upo. "Sir, hindi sila nag away dahil sa akin."
"Is that so?" His looked displeased. "You mean to say, they didn't fight because of you?" He laughed.
Hindi ko gusto ko ang pananalita at ang paraan ang pagtingin niya sa akin na para bang isa akong peste na kailangan iwasan at pandirihan.
I bit my lower lip and met his eyes. "What do you want?"
"I want you to stop seeing Jethro, you are not good for him." He said frankly. "Don't get me wrong, para sayo rin ang sinasabi ko, alam kong nakakasakal ang pagiging possessive niya, you are his weakness. He will do anything for you and you can use it against him...you will be his downfall."
"That's not true." Huminga ako ng malalim.
"I don't want him to be like his father," Malamig na wika ni Mr. Prieto. "You need to stay away from Jethro."
Ngumiti ako at umuling. "Pasensya na ho pero hindi kayo ang mag dedesisyon sa bagay na yan."
"Tama ka, ikaw dapat ang mag desisyon."
Umikot ang sikmura ko. "What do you mean?"
"Break up with Jethro."
Umiling ako. "No."
"I know you will say that..." Ngumisi siya. "You love Jethro. Right?"
"I do. I love him." Tumango ako.
"I believe you, and it means you want the best for him." Tumitig siya sa mata ko. "You want him to be happy."
Hindi ko alam kung para saan ang mga sinasabi niya pero nagagalit ako sa kanya. Hindi ako nag salita at hinintay siyang mag salita ulit.
"Alam mo na siguro kung gaano kamahal ni Jethro ang grandma niya, may iniwang bahay ang asawa ko for him. Our old house. Jethro wants that house so much, napag-usapan nila na doon titira si Jethro kapag wala na siya, pero hindi niya makukuha ang bahay na yun kung hindi ko ibibigay."
I feel sick. I know where this conversation is heading.
"If I stay away from him..." Mabagal kong salita. "Will he get the house?"
Tumango siya. "You have my word." Bago muling nag salita. "You will not see him, you won't talk to him. Do you understand?"
"Or what?" Bulong ko. I need to hear it. His words.
"Or I will not give him that house." He shrugged. "I know you will do the right thing, Eris."
My mind is in chaos. I also know that if Jethro found out about his grandfather's threat, he'd tell him to fuck off. He'd pick me over the house, but that will makes me feel terrible because I know how much he loved his grandmother and that house.
"He is your grandson," Tears are starting to fall from eyes. "How can you be so cruel?"
"I'm not cruel. I just know what's best for him. He will never be Jackson but I know he can be more but, he needs to focus on the goal."
Patuloy ang mga luha sa mata ko pero hindi ako nag salita.
"Finish it, Eris," Utos niya. "Don't test me, and don't think I'm joking." He looked at me with coldness. "Do I look like a man who bluffs?"
"No." Pinilit kong huminga at sumagot. "You don't."
--------
Nakapag-update na rin ako sa wakas, pasensya na kung super tagal you know inayos ko pa kasi yung bagong work ko saka yung buhay ko dito sa abroad so medyo nawalan ako ng time sa pag susulat. Salamat sa pag hihinatay at sa walang sawang pag support sa mga nobela ko. Mag comment kayo. XDDDD

BINABASA MO ANG
Selfish
RomanceBata palang si Eris Ortega ay may gusto na sya kay Jackson Prieto pero hindi nito alam ang nararamdaman nya, kaya ipinangako nya na ito lang ang mag mamay-ari ng puso nya. Okay na sana, handa ng ibigay ni Eris kay Jackson ang lahat, pero dahil sa p...