Chapter 2

2.5K 118 13
                                    

Selfish

Nakangiti si Jethro sa harap ko at parang walang ginawang kagaguhan. Presko syang tumayo sa harap ko at itinagilid pa ang ulo.

Halos hindi ko alam kung paano ko itatago ang inis na nararamdaman ko. Pag dating talaga sa kanya lumalabas ang masamang ugali ko.

"Wala kang talagang magawa sa buhay mo? Lagi mong dinadawit ang pangalan ko! Kaya ang daming nagagalit na babae sa akin!" Sigaw ko sa kanya pero mukha naman syang walang pakialam.

Though, hindi naman ako natatakot sa mga babaeng galit sa akin dahil sa gagong si Jethro, sa dami ng pinsan ko at isama mo pa ang mga kapatid ko. Sino ang mag lalakas loob na awayin ako. All for one, one for all kami.

Nakita ko ang pag anga't baba ng Adam's apple ni Jethro at ang matalim na tingin nya sa akin.

Those piercing eyes...tagos tumingin talaga.

"What's wrong with that? Totoo naman ang sinabi ko. Mahal kita, ikaw lang, honey." Ngisi nya.

Kumulo ang dugo ko sa ngiting aso nya sa harapan ko. Kinalma ko ang sarili ko. Walang mangyayari kung papatulan ko ang kagaguhan ni Jethero dahil sanay sya doon. Ako lang ang matatalo.

Dinuro ko sya. "Tigilan mo ako! Hindi ako naniniwala sayo, dahil kung mahal mo'ko hindi ka papalitpalit ng babae! Nakakairita ang mukha mo!"

Tumawa sya at itinaas ang dalawang kamay naparang nag susurrender sa akin. Suot nya pa rin ang uniform ng school namin pero nakakapag taka na hindi pa rin sya mabaho.

"Hon, easy, puso mo baka bumigay, okay lang kung sa akin bibigay, saka wag kang masyadong mag selos kasi alam naman nila na pag aari mo ako, nakikihiram lang sila."

"God, I hate you." Madiin kong wika.

"God, I love you..." Malamyos nyang sagot.

Nag papadyak ako sa inis dahil sa pang iinis ni Jethro sa akin. Nag lakad ako at nilampasan sya para buksan ang gate ng bahay nila.

Ayoko ng makipag talo dahil alam kong walang patutunguhan. Ayan ang mahirap sa mga playboy, hindi mo alam kung kelan sila totoo at hindi.

Saglit pa akong natigilan ng marinig kong nag salita ulit sya sa likod ko.

"Someday, ako naman ang mamahalin mo."

"That will never gonna happen. My heart belongs to Jackson." Malamig kong tugon saka ipinag patuloy ang pag bubukas ng gate.

"I will steal your heart from Jackson. Itaga mo sa bato."

Tumaas ang kilay ko sa sinabi nya. Hindi ko sya nakikita kaya hindi ko alam kung anong itsura nya habang sinasabi nya yun. Siguro ay nakangiti sya dahil alam ko naman na hindi sya seryoso. Nag lalaro lang sya. Selfish kasi sya at lahat ay gusto nya kanya. Lagi nyang inaagaw ang mga bagay na para kay Jackson, including me.

Itinigil ko ang pag bubukas ng gate na hindi ko alam kung bakit hirap na hirap akong buksan saka humarap sa kanya.

"Hindi mangyayari yun, dahil kahit kailan, hindi ako mag kakagusto sa isang katulad mo!"

"Isang katulad kong gwapo, mayaman, matalino at patay na patay sayo?" Humalukipkip sya.

"Ang yabang mo!"

"Honey, ako nalang kasi ang mahalin mo. Di kaba na cha-challenge sa akin?" Turo nya sa sarili.

Natawa ako at umiling pa. Hindi ko kasi alam kung nag jojoke lang sya.

"Why would I be? I hate bad boys like you!" Turo ko rin sa kanya.

Nalukot ang mukha nya. "Masarap mag mahal ang mga bad boys, honey..."

SelfishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon