Chapter 15

2K 99 8
                                    

My girl

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong yakap ni Jethro pero parang ayoko pang bumitaw. Napapikit pa ako ng maamoy ko ang bango nya. His masculine scent was so addicting.

"Jeth, pangit ba ako?" Hikbi ko.

"What? No! You're the most beautiful woman I have ever seen." Sagot nya sabay halik sa tuktuk ng ulo ko.

Muli akong pumalahaw ng iyak. Kung maganda ako, bakit ayaw ni Jackson sa akin?

"Hush, honey." Lambing nya at niyakap ako ng mas mahigpit.

Nang kumalma ako ay ako na mismo ang bumitaw. Pinunasan nya ang pisngi ko gamit ang isang panyo. Nakatingin lang ako sa kanya dahil seryoso sya sa ginagawa.

"Seryoso ka ba sa sinabi mo kanina?"

Natigilan sya at nag taas ng tingin sa akin. Kumabog ang puso ko ng mabilis dahil sa titig nya. Bakit ganito ang epekto mo sa akin, Jethro?

"Eris, matagal na kitang sineseryoso." Sagot nya,.

Uminit ang pisngi ko at hinampas sya sa dibdib nya.

"Jeth naman eh!"

Ngumiti sya ng nakakaloko. "Ayan ang mahirap sayo, Eris, ikaw ang hindi seryoso..."

"Paano kita papaniwalaan eh playboy ka! Magaling ka sa salita kulang ka sa gawa!" Irap ko naman.

"Eris, lalaki ako, I have needs, though you're the only who can fill my needs, hindi ako martir na mamahalin ka lang ng tahimik, kung ayaw mo sa akin wala akong magagawa doon, kaya sa iba ko hinanap pero wala, ikaw lang talaga. So, here I am doing everything to have you."

Umirap ako. Hindi ko sya mapaniwalaan. Grabe naman ang needs nya. Ang manyak talaga!

"Talaga? Kaya pala halos patulan mo na lahat ng babae dito sa buong Montessori, ganyan ka pala mag mahal."

Napatalon ako ng ilagay nya sa tenga ko ang mga hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ko dahil sa hangin.

"Alam mong ikaw lang ang mahal ko."

Umikot ang sikmura ko at nanginig ang tuhod ko sa init ng boses at titig nya.

"Kung mahal mo ako dapat hindi ka nambabae." Sikmat ko naman.

"Akala ko kasi mas macha-challenge ka sa akin kapag nakita mong madami kang kaagaw. It's too late when I realized that you're a territorial."

"I hate playboys."

Natahimik kami habang nakatitig sa isat'isa. Halos mapaso ako ng hawakan nya ang dalawang kamay ko at pinag salikop yun sa kamay nya.

"Eris, ayaw mo bang may babae ako? I can get them out of my life just say it and I will do it."

Inirapan ko lang sya. Alam mo naman palang ayaw ko! Nag tatanong ka pa!

"Jethro, kung gagawin mo yan, hindi dahil sinabi ko, gagawin mo yan kasi alam mong yan ang tamang gawin."

Tumango sya. "Okay."

Hindi ako lumaban ng yakapin nya ako. Kahit paano ng dahil sa kanya ay nabawasan ang sakit ng ginawang rejection ni Jackson sa akin. Bakit kaya ganito ang buhay? Kung sino pa yung mahal mo sya pa ang kayang manakit sayo ng sobra?

Pag katapos ng prom ay halos ganun din natapos ng pangarap kong magiging kami ni Jackson. Hindi kami nag papasinan sa school kapag nag kakasalubong kami. Kapag napunta ako sa bahay nila ay para kaming hindi mag kakilala dahil halos hindi kami mag usap.

SelfishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon