Jethro
Pumikit ako at inisang lagok ang bote ng beer saka ko hinapit ang babaeng kasayaw ko ngayon sa dance floor. It's always been like this since the day Eris and I broke up. Huminga ako ng malalim dahil sumisikip ang dibdib ko.
"Jethro, let's get out of here." Bulong ng babae sa teka ko.
Maingay ang paligid at magulo dahil sa dami ng nag sasayaw pero wala akong pakialam. Hinapit ko sya at hinalikan sa labi, ipinilupot naman nya ang braso sa batok ko saka sinagot ang halik.
Magaling humalik ang babae, walang-wala si Eris kung ikukumpara pero sa hindi ko malaman na dahilan ay parang wala akong maramdaman saya. Biglang kong naalalala ang date ni Jackson at Eris kaya hindi ko namalayan na nakagat ko ang dila ng babaeng kahalikan ko.
"Ouch!"
Tinulak nya ako at sinampal. Umiling ako at iniwan syang nag iisa sa dance floor.
"Jethro, where are you going? I'm sorry nabigla lang ako!"
"I don't care, hindi ka naman masarap so get the fuck out of my sight!" Sigaw ko habang nag lalakad ng hindi sya tinitingnan.
"You selfish bastard!"
Nag pantig ang tenga ko at hinarap ang babae. Hinawakan ko sya sa braso nya at hinigit palapit sa akin. Kitang-kita naman ang takot sa mga mata nya.
"I am and I'm not sorry for being one kaya umalis kana sa harap ko at wag mag papakita naintindihan mo!"
Bahagya kong itinulak ang babae at nag lakad na palayo. Muli akong uminom ng beer na parang tubig lang ang iniinom. Nag pantig kasi ang tenga ko sa sinabi ng babae dahil naalala ko ang sinabi ni Eris sa akin noong na sa beach kami.
"You selfish bastard!"
Hindi ako gumalaw ng pag hahampasin nya ako sa dibdib.
"Anong klaseng pag mamahal yan! Grabe ka!"
"Don't you ever judge what kind of love I have for you, Eris."
"Ang selfsh mo! Bakit kasi hindi ka nalang nag paraya! Bakit kailangan mo pa kaming gulihin ni Jackson!"
Damn! Bakit hindi ko pa rin makalimutan. Bakit sobrang sakit parin na para akong pinapatay ng paulit-ulit.
Huminga ako ng malalim ng matanaw ko si Rob at Kevin sa may counter. Nag tatawanan sila habang may kasamang dalawang chicks sa mag kabilang gilid. Lumapit ako at kumuha ng isang baso ng alak.
"Jeth, tama na yan simula kahapon wala ka pang tigil sa pag inom."
Tumingin ako kay Kevin ng awatin nya ako. Hindi ko sya pinansin at patuloy lang sa pag lunod sa pag inom.
"Jethro, kalimutan mo na si Eris, maraming mas maganda, mas sexy at higit sa lahat yun mapapaligaya ka sa kama."
Tama ang sinabi ni Rob pero bakit hindi yun matanggap ng puso ko. Bakit ba ako nag papakagago sa kay Eris? Ano bang meron sya at minahal ko sya ng sobra? Habang ako dito nag durusa ayun sya at kasama si Jackson at nag papakasaya.
Putangina nila!
"Jethro!" Reklamo ni Rob ng kunin ko ang basong hawak nya at inisang lagok. Kahit anong pait ng alak sa lalamunan ko ay balewala dahil hindi pa rin nawawala ang sakit sa dibdib ko.
"Jethro, tama na yan!" Awat ni Kevin pero di ako nag papigil at pati ang dalawang bagong kasama nilang babae ay kinuha ko na rin.
"Shit! Malala kana pre!"

BINABASA MO ANG
Selfish
RomanceBata palang si Eris Ortega ay may gusto na sya kay Jackson Prieto pero hindi nito alam ang nararamdaman nya, kaya ipinangako nya na ito lang ang mag mamay-ari ng puso nya. Okay na sana, handa ng ibigay ni Eris kay Jackson ang lahat, pero dahil sa p...