Chapter 22

2.1K 80 25
                                    

Jethro

Pag katapos akong yakapin ni Eris ay nawala ang galit ko. Ganun naman lagi ang nangyayari kapag nag aaway kami, kapag nag lambing na sya ay hindi na ako makakapalag. I know it's not healthy but I can't resist her.

"Jeth, isa pa?"

Tumango ako kay Ricos saka nya inabot sa akin ang isang bote ng beer. Nasa labas kami ng beach house at nag iinuman habang ang mga babae naman ay nasa loob ng bahay at nag hahanda ng pag kain.

"Stef, kuha kang kahoy sa loob baka mamatay yun apoy nito." Turo ni Edward sa bonfire sa harap namin.

"Ikaw na kaya ang kumuha, mas malapit ka naman sa bahay."

"Edward, ikaw na nga ang kumuha."

Nag tawanan ang lahat ng tumayo si Edward sa utos ni Erika. Sa mag pipinsang Ortega ay si Erika ang pinaka bossy sunod si Aria. Inisang lagok ko ang beer na hawak. Pumikit pa ako ng malasahan ko sa pait sa dila ko.

"Ang tagal naman nila Eris nagugutom na ako." Reklamo ni Danick.

"Ricos, tara nga at tingnan na natin sila." Yakag ni Raiden.

Tumayo si Ricos at sabay silang pumunta ni Raiden sa bahay para tingnan ang mga babae. Naiwan ako, si Erika, Ash, Gavin, Stefan, Danick, Luke, Jackson.

"Dan, ang tahimik ng paligid tugtug ka." Wika ni Ash.

"Sure, anong gusto nyo?" Kinuha ni Danick ang gitara at nag umpisang tumipa.

"When I was your man!"

Tumingin ako sa hirit ni Erika. Nag umpisa naman tumugtug si Danick sa gitara. Sa unang stanza palang si Danick ng dumating ang lahat mula sa bahay.

"Sheeeet! Favorite song ko yan!" Pumalakpak si Aria bago umupo sa tabi ni Erika.

Tumingin ako kay Eris ng umupo sya sa tapat ko katabi sila Bernice at Jea.

Same bed but it feels just a little bit bigger now

Our song on the radio but it don't sound the same

When our friends talk about you, all it does is just tear me down

'Cause my heart breaks a little when I hear your name.

Bumuntong hininga ako habang nakikinig sa kanta at nakatingin kay Eris. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang sakit sa dibdib ko. I know from the fact the she loves Jackson and until now nothing has changed. It pains me that reality.

"Get over you by Brian Mcknight naman!" Request na naman ni Erika.

Muling tumugtog si Danick at kumanta. Tumaas ang kilay ko dahil sa choice of songs ni Erika, siguro ay brokenthearted sya pero bakit ako ang tinatamaan?

Should've been there

Everytime you called

Should've given you everything

Given you my all

But I was just selfish

Thinkin' Bout myself

Should've given the best of me to nobody else

'Cause T\there's no livin' without you

And it feels like I'm losin' my mind

Muli akong uminon ng beer at umiling para mawala ang mga iniisip ko. Hindi ako madramang tao. Ang totoo ay selfish ako kaya nga nakukuha ko ang lahat ng gusto ko kahit may masaktan iba ay wala akong pakialam.

SelfishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon